Pagkatapos ng klase ay hindi pa kami kaagad umuwi, maliban kay Gavin. Magkausap lang si Gavin at si Tristan kanina ngunit bigla itong nawala na hindi man lang nagpapaalam sa aming lahat. Minsan naguguluhan talaga ako sa taong ‘yon. May times na clingy, may times na parang hindi kami nag-eexist sa kaniya. Kailangan mo lang talagang masanay kung ano siya at hindi talaga siya consistent pagdating sa socialization. Ayos lang naman, kaya lang hindi ko talaga maiwasang mag-isip kung minsan at mag-alala. Parang sa susunod na panahon kapag naulit ulit ang pag-atake ng anxiety nito ay hindi ko na alam kung saan ko siya hahagilapin. “Maddy, bakit tulala ka?” tanong ni Tristan sa akin. “Ha? Ah, wala.” “Umuwi lang si Gavin, natulala ka na d’yan.” pang-aasar ni Trixie. Sinamaan ko lang ito

