“I can’t… I’m with Madison Kaylee…” Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko! Tinitigan ko ito pero hindi naman ito nakatingin sa akin dahil busy ito sa cellphone niya. Umapaw ang notifications ng cellphone ko sa dami ng mensahe mula sa group chat. Our friends teased us online. “Whoooot! Whooot! Kaya pala hindi makakapunta dito!” “Ibang level na talaga!” “Iba talaga kapag magkapitbahay!” “Sana all!” Hindi na ako nakasingit at nakapagchat pa sa dami pa ng kanilang mga sinabi. Sumilip pa si Sean sa terrace dahil sa usapan sa group chat. Ilang sandali pa ay may picture na naming dalawa ni Gavin galing dito. Nag-picture ito at si-nend sa aming group chat. “Ay, akala ko magkasama sa loob ng bahay!” “Nasa terrace lang naman pala!” “@Sean, arat na!” “Iwan mo na ‘yang dalawa d

