I woke up because of a call from Shane. Nakalimutan ko palang i-silent ang phone ko. Dahil ka-chat ko kagabi si Gavin hanggang sa makatulog na ako. Tinitigan ko pa ang wall clock, tanghali na. “Yes, Shaney?” pupungas pungas kong tanong. Bumalik ako sa pagkakapikit. Gusto ko pang matulog. Hindi ko na namalayan kung anong oras na ako nakatulog kagabi pero mukhang late na. “Maddy, nakita mo na ba ang news?” tila nagmamadali at natataranta ito. “Hindi pa, bakit?” tinatamad na sagot ko. I’m not interested much in the news, especially now that I am too stressed with my personal matters. “Your Dad is in the news!” pero nang marinig ko ang sinabi nito, napabalikwas ako ng bangon at dali daling lumabas sa sala para buksan ang TV. Nanlaki ang mata ko sa on going na interview ni Dad. “Whe

