Mahimbing at payapa si Gavin habang nakahiga sa kama. He's been in coma for almost 5 days now. Hindi pa rin siya nagigising pagkatapos ng operasyon. Dahil sa internal hematoma sa kanyang utak, ay inabot ng mahabang oras ang operasyon ni Gavin. Hindi rin masabi ng doktor kung ilang araw siya bago magkakaroon ng malay. “Hija, you can go home and take a rest.” hinawakan ako sa balikat ng mommy ni Gavin. Nilingon ko ito at sunud-sunod na umiling. “Okay lang po, Tita. Gusto ko po na nandito ako kapag gumising siya.” Mugto pa ang aking mga mata dahil sa pag-iyak. Sa tuwing may maaalala akong masasayang pangyayari na kasama ko si Gavin ay naiiyak ako at hindi ko talaga mapigilan. “Wala ka pang maayos na tulog, baka ikaw naman ang magkasakit.” “Ayos lang po ako, Tita.” ngumiti ako. Mab

