Chapter 25: Confrontation Tatlong araw na ang nakalipas simula nang tinakbuhan ko si Mama sa kanyang bahay. Kamusta na kaya siya? Hinahanap niya kaya ako? Alam niya kaya itong address ng apartment ko? Malamang, hindi. Wala namang ibang mapagtatanungan 'yon, eh. Mabuti na rin sigurong hindi muna kami magkikita ni Mama. Baka ipagpipilitan niya lang ulit na hiwalayan ko si Dee. Si Dee. Isa pang bumabagabag sa isip ko ang pagsisinungaling ko sa kanya. Paano kaya pag malamang niyang Mama ko ang nagtangka noon sa buhay niya? Ano ba 'tong buhay ko? Hindi naman ako nagkakaganito dati, ah. Mahal ko ang boyfriend ko pero ayaw sa kanya ng Mama ko. Ang saklap. Teka nga lang. Bakit ba nagdadrama na naman itong utak ko? Erase. Huwag mong iisipin ang problema mo, Nisyel, baka tubuan ka ng wri

