Chapter 24: Denied "Bakit hindi mo sinasagot ang tawag na 'yan, anak? Baka importante." Napakagat ako sa aking ibabang labi at nagpalipat-lipat ang aking tingin sa cellphone ko at kay Mama. Tumigil ang pagring ng cellphone ko ngunit tumunog ulit ito. Dee calling.... Deym! Anong gagawin ko? Isip, isip, Nisyel. "Anak?" Waaah! Sa sobrang taranta ko ay pinatay ko na lang ang cellphone. Bahala na. "Oh? Bakit mo pinatay, anak?" tanong ni Mama. "Ah hehe... Hindi naman po importante 'yon, 'Ma." "Sigurado ka? Bakit? Sino ba 'yong tumawag sa'yo?" tanong pa nito na parang hindi kumbinsido. "Ah hehe... Wala ho 'yon. Stalker ko lang po. Hindi ko nga alam kung paano niya na naman nakuha ang bagong number ko, eh. Haaay ang hirap talaga 'pag masyado kang maganda, Ma, ano? Ang dami kong sta

