Chapter 3

1291 Words
Andito ako ngayon sa site ng isang project na pinapatayo ng mayor. Isa itong public market, andito ako dahil ito ang inatas sakin na trabaho bilang parte ng kasunduan namin. Chine-check ko lang ang trabaho nila dito kung maayos ba at wala bang problema lalo na sa machines na ginagamit.Chine check ko yung mga supplies na dumadating kung kompleto at matibay ba. Ito sa ngayon ang trabaho na binigay sakin ang mag supervise sa proyekto at siguraduhing maging successful ito. Hindi naman ako nahirapan lalo na't mabait naman ang nakakasama ko kahit na ako lang ang babae hindi naman ako nakaramdam ng pambabastos.Atsaka iniisip ko nalang na mag bebenifit din naman ako pagdating ng panahon dito pag sakaling sinabak ko na ang propesyon ko. Kanina lang may nag-deliver ng hollow blocks at nag conduct kami ng CHB test kung saan tinitingnan namin ang kalidad ng produkto. Nang sumapit ang tanghalian nagpa blowout ako sa kasamahan ko bilang pag welcome na rin nila sakin. Pagkatapos namin kumain ay nagpahinga lang muna kami kasama ang mga construction worker.At habang nagpapahinga nag biruan naman ang mga trabahante hanggang sa nakisali na ako puro hiyawan at halakhak ang maririnig sa site.Nakikipag batuhan ako ng pick up lines sa isa binatilyong trabahante ng biglang may binati si engineer sa bandang likuran ko. "Mayor Alcazar ! kamusta po?" bati sabay pakikipag kamay ng engineer. Bumati rin naman ang ibang trabahante sa kanya saka unti unti ng bumalik sa trabaho.Habang na resume ang trabaho andun ako sa ginawang kubo kung saan doon nag me meeting sila engineer at iba pang kasama sa proyekto.Kasalukuyan kong ginagawa ang report tungkol sa nangyari sa site na ipapasa ko mamaya sa Mayor para sa update ng biglang may nagsalita. "I see , didn't I send you here to supervise the project?" paglingon ko ang mayor pala "ha?" Ang tanging sagot ko , ano ba pinagsasabi nito ? "base on what I saw earlier you're not doing your job." komento niya "I'm doing my job mr.mayor . Yung naabutan niyo ho kanina ay nagpahinga lang ho kami saglit at katatapos lang naman ng lunch break." paliwanag ko sa mahinahon na paraan "so kasama ba sa pagpahinga niyo ang pakikipag flirt sa construction worker. I didn't know you're that low." sabi niya na may kasamang pang iinsulto. "I'm not flirting with anyone Mr.Mayor and if I do so labas na ho iyon sa concern niyo as long as nagagawa ko ang trabaho ko. At ano ngayon kong mababa akong uri ng babae dahil lang nakikipag usap ko sa isang construction worker.Hindi ko alam na masyado ho pala kayong mapagtaas bilang isang mayor " may diin kong sabi. "what I'm saying is that you're distracting the workers. So stop charming them." dagdag niya "bakit? sino ba ang nagpasok sakin dito? diba ikaw at isa pa hindi ako naglalandi dito." singhal ko Pagkatapos nun ay tinalikuran ko na siya dahil naramdaman ko sa sarili ko na nanginig ako sa galit.Nakakainis ano bang pinuputok ng butche niya dumating lang siya dito para mang badtrip eh. Umuwi na si engineer kaya ako na ang papalit sa kanya , umiikot ako sa buong site at tinitingnan ang ginagawa ng trabahante kung tama ba para kung may mali sakali eh maayos na at hindi na lumaki pa. Nang bandang alas tres ng hapon ay nag meryenda na ang mga tauhan at ako nanatili sa may ikalawang palapag ng maliit na commercial building na kasalukuyang itinatayo din.Inaaya nila ako pero tumanggi lang ako lalo na't alam ko andun ang damuho at sakanya nanggaling ang pagkain. Nang mag alas-singko na ay nagsi uwian na ang mga tauhan ang damuho kanina pa umalis.Kaya napagpasyahan ko ng umuwi narin , uuwing may sama ng loob. Pagkadating ko sa bahay ay may natanggap akong mensahe galing sa damuho. "you come my office tomorrow morning" laman ng text. "ok" maiksi kong reply. Mukhang hindi pa tapos sa pang-iinsulto niya at papupuntahin pa niya ako sa opisina niya. Kinakausap ko sarili ko ng biglang tumunog ulit ang cellphone para sa isang mensahe. "Hindi mo na kailangang pumasok sa site bukas" ha so tinatanggal niya ako don , ang babaw iya talaga. Kinabukasan maaga akong pumunta sa opisina niya alas siete palang andun na ako.Inagahan ko na kasi baka mamaya I issue niya naman kung ma late ako ng dating eh wala naman siyang sinabing oras.Pagka dating ko doon wala pa siya. Kaya habang nag aantay nakipagkwentuhan ako sa mga tauhan doon , naaliw naman ako. Noong una yung sk kagawad lang ang kausap ko hanggang sa dumami na. "akala namin mam shota po kayo ni mayor." Sabi nung isa "ah Hindi associates lang at wala pa akong boyfriend" paliwanag ko naman "nako mam sa ganda niyong yan walang boyfriend abay bulag ata sila." hirit naman nung isa "Kung wala kang boyfriend eh tumatanggap kaba ng manliligaw?" hirit naman ng isa na base sa pagpapakilala niya kanina abogado siya sa pao. Nasa ganun kaming usapan ng may tumikhim sa likuran namin. Syempre wala ng iba kundi ang damuho.Sabay sabay naman siyang binati ng mga tao roon.Nag iba naman ang atmosphere ng dumating siya. "follow me" Sabi niya ng matapat siya sakin at dumiretso ng lakad papuntang opisina niya na di manlang nag abala batiin pabalik ang bumabati. Nagpaalam ako sa kausap ko at sumunod sa kanya.Pagkapasok ko sinalubong niya agad ako ng sermon. "Ang aga-aga nakikipag landian kana agad just for your information that attorney earlier that you were talking ,already has a girlfriend so if you don't want to be a mistress stay away from him "diretsahang sabi niya "I'm just talking to them hindi lang sa kay atty. dahil late ka ." asik ko naman pabalik "ililipat kita dito because you're distracting the workers in the site so sana wag mo ng gagawin dito sa munisipyo." ano bang pinaglalaban nito at lage nalang mainit ang ulo sakin. "alalahanin mo andito ka dahil sa napagkasunduan natin , now if you don't want to follow me then get a lawyer and we'll settle this in court" dagdag niya pa. "ok mayor , I'm sorry" pag papa kumbaba ko.Fuck never in my life napagkumbaba ako lalo na sa ganito ka iresonable na tao.Pero kailangan dahil sa litseng kasunduan na kong tutuusin may kasalanan din siya. Kung hindi sa parang tanga ano bang ginagawa niya sa madilim na parte ng dalampasigang yun. Mabibigat ang bawat kilos ko andito niya ako ina assign sa secretary dahil kasalukuyang nagpapahinga ito dahil kapapanganak lang.Ako ang kasalukuyang nag aayos ng papel na ini-mail sakin ng secretary para I print at papirmahan sa mga Lgu. Nasa kalagitnaan ako ng pag aayos ng may kumatok sa pintuan. "mam pinapa abot po ni mayor." Sabi ng payat na lalaki sabay abot ng supot. Nang tingnan ko ang laman pagkain pala na siyang nagpataka sakin , bakit naman ako binigyan ng pagkain non.Baka naman hindi ito para sakin at nagkamali lang ng bigay. Nasa ganun akong pag iisip ng mag vibrate ang cellphone ko ng tingnan ko galing pala sa damuho. "eat that , wag kana lumabas para bumili ng pagkain. ps. take that as my apology and peace offering for what I said to you " abay marunong pa pala mag sorry ang damuho. "sana wala tong lason" bulong ko at isa isa ng binuksan ang mga styro. May tatlong putahe ng ulam at kanin at dahil matakaw ako at masarap ang pagkain naubos ko iyon.Pagkatapos ko kumain ay pinagpatuloy ang aking ginagawa.Nang mag alas tres naman ng hapon ay may dumating na naman na empanada na sikat na pagkain dito bilang meryenda ko at sino paba ang nagpadala kundi ang damuho. Hanep rin siya humingi ng tawad ah nakakabusog kahit hindi siya personal humingi ng tawad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD