Chapter 4

1390 Words
It's been days since Mr.Mayor apologized to me by giving me foods.Simula non yung pakikitungo niya sakin ay medyo nag iba na rin.Hindi na siya gaya dati na palagi mainit ang ulo sakin.Lagi niya rin akong sinasama tuwing may meeting siya sa ibang bayan o tungkol sa on-going project ng lungsod ,ang dahilan niya ay kailangan niya raw ng unbiased opinion at ako lang daw ang makapagbibigay nun. At tuwing may lakad siya na kasama ako isinasabay niya na ako sa sasakyan niya kahit sinasabi ko na pwede namang convoy kami.Pero dahilan niya hassle lang daw at siya ang boss kaya kailangan ko sumunod. Kagaya nalang ngayon inaantay ko siya kasi nag text siya kagabi na isasama niya daw ako sa on going commercial building project sa bacarra at dadaanan nalang ako dito sa bahay ko.Which is pwede namang sa munisipyo nalang kami magkita at isa pa ang bahay niya ay sa bangui at nasa Pagudpud ako tingin ko ay mas hassle iyon.Pero hindi ko na siya kinontra pa at baka gulo na naman lalo na ngayon na maayos na ang pakikitungo niya sakin. Sa tapat na ng bahay na ako nag antay para pag dumating siya diretso na kami. Di nagtagal may pumarada ng Montero Sport na kotse sa tapat na alam kong sakanya ,kasi ito ang madalas niyang ginagamit pag may prokyekto siyang pupuntahan.Agad akong lumapit sa kotse at dumiretso sa front seat kung saan ako madalas umuupo.Pagkabukas ko nagtaka ako kasi siya ang nasa driver seat , kadalasan kasi sa lakad namin ay lagi siyang may driver kaya nagulat ako ng siya ang datnan ko sa driver seat. Hindi na ako nagtanong at agad nang sumakay at nag seat belt. "good morning" bati niya sakin na siyang ipinagtaka ko rin kasi hindi siya madalas bumabati kahit na binabati na siya.Pero pinagsawalang bahala ko na iyon at baka maganda lang ang araw niya. "morning" maikli kong bati , looks like someone woke up in the right side of bed. Bumyahe na kami patungo sa bacarra tahimik lang ang byahe namin at hindi kami nag iimikan , gusto ko mang buksan ang stereo pero baka ayaw niya kaya naman nagkalikot nalang ako sa cellphone ko. Nang makarating kami sa bacarra ay andun na ang lahat kami nalang ang hinihintay. Medyo nagtagal kami dun lalo na't diniscuss lahat problema sa project at bandang tanghalian na sila natapos. Nang bumyahe na kami akala ko diretso na kami pauwi pero ng nasa kalagitnaan kami ng byahe bigla niyang niliko ang sasakyan papasok sa parking lot ng isang restaurant. "it's already past noon , let's get lunch first before we go back ." Sabi niya na sumagot sa katanungan sa isip ko. Pumasok na kami at agad naman siyang binati ng isang waitress at iginiya kami sa isang bakanteng mesa, mukhang madalas siya dito.Inaabotan kami ng menu at agad naman akong umorder at ibinigay niya ang kanya sa nag aabang na waitress. Tahimik kami ng umalis ang waitress kaya napagpasyahan kong mag c.r muna kahit wala naman akong gagawin kesa matuyoan ako ng laway dun kasama siya. "excuse me , powder room lang ako saglit." pagpapaalam ko na tinanguan niya lang. Pagdating ko sa c.r ay tumambay muna ako sa isang cubicle kasi wala namang maraming tao.Pagkatapos ko tumambay ng ilang minuto roon ay lumabas na ako at nag hilamos saka nag retouch ng light make up ng tantya kung nandun na ang pagkain ay lumabas na ako at bumalik sa mesa.Pagkarating ko doon ay siniserve na ang pagkain. Umupo lang ako at ng pinulot na niya ang kanyang kubtertos ay kinuha ko na rin ang akin at nagsimula ng kumain gusto ko mang bilisan dahil kumakalam na ang tiyan ko hindi ko magawa kasi nasa harapan ko siya baka sabihin wala akong table manners.Magkasunod lang kami natapos at habang nagpupunas siya ng labi ay pasimple akong bumulong. "just split the bill." "no , I'll pay " sagot niya "wag na palagi mo nalang akong nililibre nitong nakaraan dapat nga ako ang manlibre kasi ako ang may kasalanan sayo." kontra ko naman " Hindi ako nagpapalibre at isa pa I don't let woman pay when she's with me.At kung tungkol sa kasalanan mo you're already paying it by working for me without salary ." sagot niya naman sakin Hindi na ako komuntra baka uminit pa ang ulo niya.Tinawag niya ang waiter para sa bill at naglapag ng ilang libo. Umalis na kami roon palabas ng restaurant pagkatapos niyang mag bayad. "next time you're with me don't bother to pay , because I don't like it." Sabi niya sakin ng makarating kami sa kotse di na ako nag abala pang komontra pa. "ihahatid na kita diretso sa bahay mo , Hindi mo na kailangan pumasok take it as a half day " Sabi niya sakin "ay wag niyo na po akong ihatid , mag commute nalang ho ako" pagtanggi ko "kinuha kita sa bahay mo so tungkulin kong ihatid ka pabalik." balik niya Gusto pang mag dahilan pero hindi ko na ginawa ang akin lang naman ay nasa bangui lang ang bahay niya at ako sa Santa Praxedes. Sobrang hassle nun kasi una hindi malapit ang bahay ko at pangalawa kung ihahatid niya ako ay doble na ang oras niya imbis ipagpahinga niya . Pero dahil mapilit siya bahala siya diyan mahirapan ginusto niya naman yan. Kasi kung galing sa bacarra at papuntang Pagudpud madadaanan lang ang bangui kaya nasasabi kong sobrang hassle na iikot pa sya pabalik. Nakatingin lang ako sa labas habang bumabyahe and the view outside gave me peace lalo na nung nasa bangui na kami where the windmills located.I will never get tired looking at this scenery specially with the ocean , damn I can live here forever. Sa sobrang aliw ko kakatanaw sa labas hindi ko namalayan nasa lungsod na pala kami ng Pagudpud at malapit na kami sa bahay. Nang makarating sa bahay nagpasalamat lang ako at bumaba na agad.Hindi na ako nag abala pang lingunin siya at pumasok na agad sa bahay. Each day pass he's action towards me is getting weirder. Aakyat na sana ako para magpahinga na sa kwarto ng may tumatawag sakin sa likuran ng bahay.Sumilip ako sa bintana at nakita kong si Nita ito.Kaya binuksan ko ang pintuan. "oh Nita napadalaw ka ?" bungad kong tanong rito "ay makiki-tsismis lang" sagot niya "tsismis ? saan? kanino?" takang tanong ko "ahm nakita ko kasi na hinatid ka ni Mayor , kayo na ba?" diretsang tanong niya "ah hindi , nagtatrabaho kasi ako sa munisipyo at siya ang mayor so normal lang na magkasama kami " paliwanag ko "nagtatrabaho ka sa munisipyo ? bakit ? Hindi ka naman siguro gipit sa pera kasi imposible yun " takang tanong ni Nita " ah hindi , ano lang dagdag sa experience ko kung sakaling magtrabaho na ako" paliwanag ko , ayaw ko namang sabihin ang totoong dahilan kung bakit ako nagtatrabaho doon. "experience ? Hindi paba sapat yung experience mo sa Spain ? sus aminin mo nalang kasi na may something sainyo ni mayor." panghuhuli niya sakin "Hindi Nita nagkakamali ka , walang kami sadyang magkasama lang talaga kami sa trabaho yun lang yun" paliwanag ko "Kung walang kayo , bakit ka hinatid at saan kayo galing ?" parang imbestigador niyang tanong sakin. "galing kaming bacarra para sa isang project tas idinaan niya ako dito pauwi" paliwanag ko sa kanya "idinaan ? eh Kung galing kayong bacarra eh yung bahay pa nga ni mayor ang madadaan papunta dito .Aminin mo nalang kasing may something sainyo" panunukso niya pa "Wala ngang something samin , purong trabaho lang" paliwanag ko "suss Wala daw pero hinatid , nililigawan ka?" dagdag pa niya "Hindi niya ako nililigawan Nita at isa pa walang malisya yung paghatid niya sakin " sagot ko "suss nahiya kapang umamin , pero kahit anong sabihin mo ship ko kayo." panunukso pa niya "oh siya sige na aalis na ako at may gagawin pa ako" paalam niya Nang nakatalikod na siya nakailang hakbang palang siya ng bigla siyang sumigaw. "Ang save loveteam ay naglalayag na" Napailing nalang ako , at naisip na sa bunganga ni Nita mahaba na ang 24hrs para ikalat ang balitang yun na haka-haka niya lang naman.Hays sana walang biglang sumugod sa bahay ko dahil dun , Yung peaceful kong pamumuhay dito ay nagbago na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD