Since it's sunday tomorrow I have the guts to stay up all night. I sleep the whole afternoon that it's already dusk when I woke up.I sleep too long that I can't sleep now , that's why I'm here in my backyard sitting in the sand watching the moon and listening to sound of waves crashing the shore with a bottle of beer in my hands.It's my way to have a peace of mind so I can think.
Nakatitig lang ako sa kawalan dinadama ko ang kapayapaan kasi oras na lisanin ko naman ang lugar na ito na hindi ko alam kung kailan ako babalik ay hindi ko din alam kung kailan ko ulit maramdaman ang kapayapaang ito. Remembering the past I can say that Ilocos play a big part of me , it became my safe place.
Nasa malalim akong pag-iisip ng may tumawag sakin na nagpabalik sakin sa kasalukuyan at doon ko na realized na umiiyak na pala ako kaya pinunasan ko ang aking luha at pinulot ang aking telepono. Pagkatingin ko si Bobbie pala she's requesting for a video call , huminga ako ng malalim bago sinagot ang tawag ng nakangiti.
"yes Roberta" pabiro kong bati
"what the hell Paviola ! talagang yan ang ibubungad mo sakin?" pasigaw niyang sagot na nagpahagihik sakin
"yow whatsup ? why did you call?" tanong ko
"nothing , nangangamusta lang. How are you by the way." masigla niyang bati
"I'm ok , just chilling ." maikli kong sagot
"are you outside? " tanong nito
"yea' I'm chilling outside with my beer , you know having my peace not until you called " pabiro kong sabi sa kanya
"ah ganun so you think I'm a chaos in your life , well don't worry Pave I will disturb you more in your alone time." ganting biro naman nito
"haha I can hide from you anyway and you can't find me " Sabi ko
"nakakainis ka , by the way I miss you " pabebe nitong sabi
"nasabi mo lang yan kasi you're bored but when you're already partying you can't even remember me " sa nagtatampong boses ko pang sabi sa kanya
" ang drama mo naman , samantalang ikaw tong hindi ako naalalang tawagan habang nasa Spain ka ! ano enjoy na enjoy dun te na nakakalimot na at nung umuwi ka wala ring paramdam " pasigaw na naman nitong sabi sakin
We talked for an hour or two with just random things until she hang up because she says she needs to sleep early or she'll age faster, nanggaling sa babae kung mag party eh magdamag.
I stay there for a while before I decide to call it a night and since nakainom na madali lang akong nakatulog akala ko magbibilang pa ako ng mga tupa eh.
Kinabukasan maaga akong nagising kasi balak kong magsimba sa Paoay at mahigit isang oras ang byahe papunta dun kaya maaga palang gagayak na ako para makaabot sa morning mass.Nagkape lang ako since hindi ako mahilig kumain sa umaga ng heavy food siguro pagkatapos nalang ng Simba ako kakain.At dahil may sasakyan naman ako hindi na ako mahihirapan bumyahe at hindi rin naman uso yung traffic dito.
Nang matapos ako sa pag aayos ay gumayak na ako , I'm wearing a bodycon white dress with a small slit in my left thigh and an off shoulder it doesn't look too revealing, I pair it with a 3 inches stiletto for me to look taller.At dahil mag da-drive pa ako kaya nag tsinelas muna ako pansamantala magpapalit nalang ako pagdating ko doon. First time kong mag ayos ulit simula ng bumalik ako galing Spain , pag pumapasok kasi ako sa munisipyo ay lagi lang akong naka jeans at polo shirt kaya siguro natudo ko na ngayon.
Nang makarating ako tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin at hinaplos ang aking buhok na sinadya kong kulotin sa dulo bago ako lumabas ng sasakyan na bitbit ang aking chanel authentic chain shoulder bag na kokompleto sa outfit ko.Nang makapasok ay hindi pa nagsisimula misa kaya nag usal muna ako ng dasal nang matapos ay pasimple kong inilibot ang paningin sa buong simbahan.The church is so beautiful and so solemn that the moment I step in I feel lighthearted. Naibulong ko nalang sa sarili ko na ang swerte ng mga ikinakasal dito , sana kung dumating ang panahon na makatagpo ko na ang lalaking para sakin gusto ko ding maikasal dito.Hindi nagtagal ay nag umpisa na ang misa , sa buong misa ay nakikinig lang ako ni hindi ako nakaramdam ng antok kahit late akong natulog at maaga akong nagising.
Nang matapos ang misa ang gaan ng pakiramdam ko na kahit siguro holdapin ako walang makasira ng mood ko.
Palabas na ako ng may nabunggo akong bata kaya naman tinulungan ko itong tumayo buti nalang at hindi ito umiyak lumuhod ako para mapantayan siya at para narin suriin kong may galos ba.
"are you okay baby ? may masakit ba sayo ?" nag-aalala kong tanong
"no I'm fine , thank you ate pretty " bibo naman nitong sagot sakin
"sige sa susunod mag iingat ka ok " malumanay kong sabi
"yes po " masigla nitong bati.
Ang cute naman ng batang ito na tantya ko ay nasa apat na gulang.Inilibot ko ang aking paningin para tingnan kong may kasama ba ito.
"who's with you baby ?" tanong ko
"I'm with my mo- "
"Sofia ! come here baby" naputol ang sagot ng bata ng may tumawag dito na sabay naming nilingon.
"tito sand !" patakbong lumapit ang bata sa isang pamilyar na lalaki.
Tumayo ako at humarap sa kanila , the man that the kid called Tito is none other than Mr. Mayor of all places dito ko pa talaga siya makatagpo akala ko mayor free-day ko ito ngayong araw.
"tito that pretty woman help me" dinig kong sabi ni Sofia
"ahh nadapa kasi siya kaya tinulungan ko lang " sabat ko.
Agad naman bumalatay ang pag aalala sa mukha niya at sinuri ang bata.
"are you ok baby ? may masakit ba ?" nag-aalala nitong tanong
"no Tito I'm fine ,madami lang kasing tao and ate pretty help me naman " cute nitong sagot
"ok next time be careful ok " malumanay nitong sabi
"thank you Pave , at pasensya na sa abala" Sabi nito sakin
"ok lang maliit na bagay at isa pa I'm grateful to help this cute little girl " Sabi ko sabay haplos at pisil sa pisngi ng bata na kinahagikhik nito.
"Sandro, Sofia anong ginagawa niyo diyan? " biglang sulpot ng may katandaang babae sabay kawit ng kamay sa braso ni Mayor.
"mom hinanap ko lang po si Sofia" sagot nito sa babae na ang atensyon ay nakatutok sakin , titig na titig ito sakin na naaasiwa na ako.
"who is she ?" nakangiti nitong tanong sa anak na ang titig ay nasa akin parin.
"oh she's Pave the one that I'm talking about , she's working in the municipal " sagot nito , sana hindi niya sinabi na sinabuyan ko siya ng buhangin.
" oh hi ! I'm Josefa Antonio-Lopez , but you can call me tita Josie" magiliw na pagpapa-kilala nito sakin sabay abot ng kamay na tinanggap ko naman.
"Paviola Elizabeth Millard , it's nice meeting you po " magalang kong bati
"so you're working under my son " parang may malisyang sabi nito.
"yes po , as an project consultant and P.A " sagot ko dito
"project consultant ? P.A? tell me anong mga trabaho ang ginagawa mo ?" tanong nito
"ahm sumasama po ako kay mayor pag may meeting sa mga project o bumibisita sa mga site ng on-going projects." honest kong sagot
"ahm so ikaw ba yung kasama niya kahapon sa meeting niya sa bacarra ?" tanong nito
"Mom-" protesta ni mayor
"what ? I'm just asking , so is she the one-" baling nito sa anak na may nanunuksong tingin
"no mom , stop it " pagputol nito sa Ina.
Gusto ko ng umalis pero hindi ko alam kung paano ako magpapaalam, nakikipag-debate ako sa sarili ko kung paano ako makawala doon ng may lumapit na sa tingin koy kamag-anak nila.
"Josie , what is happening here" may pagka sosyal na sabi nung isang babae na sa tingin ko ay kaedaran lang ni tita Josie.
"oh nothing , by the way this is pave " pagpapakilala nito sakin na bumulong pa sa babae na nakapag-pangiti dito.
"oh hi pave , I'm tita Meredith it's nice meeting you " pagpapakilala nito sakin inabot ko na naman ang aking kamay para makipag kamay pero hinila ako nito para makipag beso.
Dumating din ang iba pa nilang kamag anak at ipina-kilala ako at sa tuwing binabanggit nila ang pangalan ko they exchange looks like they were telling each other that 'the one I'm talking to ' at magiliw nila akong binabati at kinakamayan.
"welcome to the family Pave " Sabi naman sakin ng lalaki na nagpakilalang tatay ni Mayor which is the governor of Ilocos Norte.
Damn I just wanna start my day with good vibes and I don't expect to meet his whole family.
Matapos makipagkilala nakawala na rin ako sa kanila na ikinahinga ko ng maluwag.Inimbitahan pa nga ako ni tita Josie na sa kanila kumain pero nalusutan ko naman yun sa tulong ni mayor.
Pabyahe na ako pabalik ng Pagudpud ng kumalam ang sikmura ko napatingin ako sa orasan at nakitang mag-aalas diez na kaya naghanap ako ng makainan along the road to stop over.
Habang nasa restaurant ako nakatanggap ako ng mensahe galing kay Mayor saying
"I'm sorry about earlier "
"no it's fine , no harm done it's just that your family is welcoming " I texted back,
pagkatapos kung I text yun ay wala na akong natanggap na reply well I'm not expecting anyway.
I'm inside my car and I'm fixing my GPS para guide ko pauwi because I'm not comfortable driving without that ng mahagip ko ang pangalan ng isang tourist spot dito na nagpa-interesado sakin.Naisip kong dumaan dito dahil wala naman akong gagawin din sa bahay at mag mumukmok lang ako dun at since madadaanan lang naman siya kaya no hassle na.
Nang makarating ako napatingin ako sa soot ko and I can say that I'm to overdressed for the place buti naalala ko na may extra akong damit sa backseat.
Nagbihis muna ako sa kotse , from bodycon dress to jeans and polo shirt with heels kasi damit lang ang may extra ako.Pero ok na ito kesa sa soot ko kanina at isa pa hindi ko naman expect na pupunta ako dito buti nga at may extra ako na laging dala na para kung bibisita kami sa site at mangamoy pawis ako o madumihan eh may extra ako.
I'm walking with confidence in the entrance of 'Malacañang of the North'.
Naglibot lang ako sa buong lugar at kumuha ng picture hindi naman ako mag-isa dahil may iba rin namang kabataan na namamasyal ang kaibahan lang sila may ako kasama ako wala.But I don't feel bitter about it I loved to be alone kaya para hindi puro selfie ang picture ko ay umaasa ako sa timer ng camera at isinasandal nalang ito sa kung saan may mapagsandalan.
The place is so beautiful , that's all I can say specially that Paoay lake is the view from the second floor.Naglibot lang ako at binusog ang mata ko sa mga nakikita at ng mapagod ay nagpasya na akong umuwi.
Maybe one these days I'll be back here prepared , hindi ako magsasawang magpa-balik balik dito.