Chapter 6

1462 Words
It's already four in the afternoon when I got home.I planned to take a dip since hindi naman na ganun ka init , nagbihis lang ako ng one piece type swimwear at dahil high tide na hindi na masyadong malayo ang tubig sa dalampasigan hindi gaya pag umaga eh sobrang layo na ng tubig. Lumangoy lang ako hanggang magsawa , mag tatakip silim na ng umahon ako lumapit ako sa dalamapasigan kung saan ko iniwan yung tuwalya at cellphone ko. Malamig na ang simoy ng hangin pero imbis na pumasok sa loob nanatili muna ako sa labas para panoorin ang pag-lubog ng araw. Nang gumabi na naisipan kong magluto ng pinakbet which is sikat na pagkain dito sa Ilocos Norte. I'm enjoying my dinner ng maalala na lunes na naman bukas at papasok na naman ako sa munisipyo. I don't know why but Mr.Mayor really gave me a terror professor vibe kaya siguro parang nanghihina ako ng maisip na lunes bukas at makikita ko na naman siya , kung ano-ano nalang ang pumapasok sa isip ko gaya ng magpanggap na may sakit at magpadala ng excuse letter gaya nung pumapasok pa ako. Kinabukasan maaga akong pumasok sa munisipyo mukhang wala naman kaming bibisitahing project ngayon kaya yung mga proposal project ang iniatas niya sakin.Nang matapos I review ang mga proposal at ini-segregate ang pasado sa hindi ay tumungo na ako sa opisina niya para ipasa iyon at tamang-tama eh mag la-lunchbreak na makapag-pahinga ako saglit dahil masakit ang leeg ko kakayuko. Kumatok muna ako bago pumasok , pagkapasok ko nadatnan ko siyang busy sa nakatambak na papel sa mesa niya. "good afternoon Mayor , ipapasa ko lang po sana itong mga pasadong projects proposal " bungad ko sa kanya " sige iwan mo nalang yan at makakaalis kana " sagot niya na hindi manlang nag angat ng tingin Lumapit ako sa table niya para ipatong ang mga papeles ng may nagbukas ng pinto at diretsong pumasok. "hello my dear son " bati ng pumasok na si Mrs.Lopez "mom , what are you doing here ?" ganti ni Mayor sabay tayo at salubong sa kanyang Ina na nakaambang yayakapin siya. Aalis sana ako ng dahan-dahan ng hindi nila napapansin ng mapansin ako ni Mrs. Lopez "pave ? hi" bati nito sakin "good afternoon po Mrs. Lopez" bati ko dito " ikaw naman tita nalang masyadong pormal ang Mrs.Lopez " komento nito sabay lapit at beso sakin , tahimik naman si Mayor na nakatitig samin na napakamot pa sa kilay. " nadistorbo ko ba kayo " tanong nito na nagpapalit-palit ang tingin saamin ni Mayor. "ahh hindi po may ipinasa lang po ako , sakatunayan eh paalis na ho sana ako " sagot ko dito "ahh ganun ba , well anyway may dala akong pagkain" pagiiba nito sa usapan " Pave sabay kana samin mag tanghalian " Alok nito sakin "ayy wag na po , salamat" magalang ko sagot na "mom , baka may ibang plano si pave " sabi nito sa Ina " ahh ganun ba , sige pero dalhin mo itong pagkain na niluto ko " Sabi ng ginang sabay abot ng paper bag "wag na po nakakahiya naman " Sabi ko "sige na wag kanang mahiya , sinadya ko pa namang damihan ang luto para bigyan ka " pagpumilit nito " sige na pave tanggapin mo na " sabat naman ni mayor " sige na ,masamang tumanggi sa grasya saka masarap yan ako nagluto " Sabi ng ginang , tinanggap ko naman ang paper bag . " salamat po at maiwan ko na kayo ni Mayor." pagpapaalam ko " aalis kana sayang gusto ko pa naman sanang makipag-kwentuhan sayo " malungkot na sabi nito "mom it's already lunch , break na ni Pave " Sabi ni Mayor "okay sige , happy eating pave talk to you soon " Sabi nito Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ng opisina ni Mayor , Ewan ko pero kahit nakangiti naman si Mrs.Lopez eh nakaka intimidate parin ang aura niya na parang bawal kang magkamali sa harap niya. Dumiretso ako sa mesa ko at binuksan ang mga ibinigay ni Mrs.Lopez at nakitang bagnet at poqui-poqui ang laman nito na may kasama pang dragon fruit , well hindi na rin masama lalo na't hindi ko na kailangan pang lumabas para bumili. As I enjoying my lunch I received a text from Mayor saying ' if you're done with your work you can go home already' I guess I can rest already since tapos ko na ang inatas niya sakin. Paalis na sana ako ng makasabay ko sa hagdanan si Mrs.Lopez na mukhang pauwi na rin may kasama siya na sa tingin ko ay driver niya. "pave , uuwi ka na ba ?" tanong nito sakin "opo tapos na po kasi yung trabaho ko " sagot ko dito " ahh ganun ba , are you free?" tanong nito sakin "opo , bakit po ?" tanong ko "ahm I just wanna invite you , if that's ok with you " Alok nito sakin "pero ok lang kung busy ka , maybe next time " bawi naman nito "ahh hindi po ok lang , saan niyo ho ba gusto " ani ko " pumapayag kana? " parang excited nitong tanong na sinagot ko ng tango "opo naman , hindi ko naman kayo matatanggihan " sagot ko rito "parang gusto kung kumain ng empanada at may alam akong kainan na malapit lang dito" Sabi nito habang naglalakad kami palabas ng munisipyo "ah may dala po kasi akong sasakyan convoy nalang po tayo " suhestiyon ko "ohh sige sunod ka nalang samin " ani ng ginang Nakasunod lang ako sa sasakyan nila hanggang sa pumarada ito sa isang kainan na 'WILAC FOOD HOUSE/EMPANADA" hindi naman ganun kalayo ang byahe mula sa munisipyo mga nasa walong minuto lang. Pagkaparada ko nag-aantay na ang ginang sakin sa labas ng kanilang sasakyan.Nang lumabas ako nilapitan ako nito at ikinawit ang braso sa braso ko na ikinabigla ko. Dahil nga nakakapit siya sakin eh sabay din kaming nag lakad papasok , mukhang madalas ang ginang dito dahil sa approach ng mga staff dito. Umupo kasi isang bakanteng mesa ang ginang na rin ang umorder ng pagkain actually hindi lang naman empanada ang tinda nila dito meron naman silang ibang putahe na hindi ko nga lang alam ang tawag.Inilibot ang aking paningin sa lugar , maganda ang ambiance ng lugar it really gave me a probinsya vibe. "pasensya ka na sa pagiging makulit ha " bigla salita ng ginang "naku wala po yun mam " sagot ko "naku wag ka ng mag mam tita nalang tutal hindi ka naman iba sakin " Sabi nito " madalas po ba kayo dito ?" tanong ko "oo minsan kasama ko si sandro paborito kasi nito ang empanada" kwento nito "teka matanong ko lang , matagal naba kayong magkakilala ni Sandro?" tanong nito "ahm hindi pa naman po ganun katagal " sagot ko "ahm paano ba kayo nagkakilala?" tanong ulit nito "ahm magkaibigan po kasi sila ni Nonoy na kapit bahay ko po " pagkwe-kwento ko "ahh so doon kayo nagkakilala ni Sandro ?" tanong ulit nito "opo noong may kasiyahan kila Nonoy at naimbitahan " sagot ko kahit ang totoo ay nagkakilala kami ng anak niya dahil sinabuyan ko ito ng buhangin at inireklamo ako nito kaya nagtatrabaho ako sa munisipyo ng walang sahod. "ahm ano ba ang tingin mo kay Sandro ?" bigla nitong tanong na ikinagulat ko "ahm ok naman po si Mayor magaling po siyang mamuno at masipag " may pag aalinlangan kong sagot "do you think he's handsome ?" bigla nitong tanong "ahm opo naman mana po sa inyo " sagot ko Dumating na yung pagkain namin at nakwentohan lang kami at ng maghapon na ay nagpasya na kaming umuwi. "siya nga pala bago ko makalimutan ay gusto ko sanang imbitahan ka sa darating na merkyules may kasiyahan kami sa bahay " Sabi ng ginang "ahh tingnan ko po " Hindi ko siguradong sagot "sige na , aasahan kita doon at ikaw ang magiging special guest ko " Sabi nito "sige po " pagsuko ko We exchanged numbers para daw pag may kailangan siya ay hindi na niya ako kailangan puntahan sa munisipyo , pagkatapos nun ay umuwi na kami at dahil nga mag-isa lang ako sa bahay ay malaya akong gawin ang gusto ko. Later that night Mayor texted me saying hindi ko na kailangan pumasok bukas dahil may meeting siya sa ibang bayan at may ipinasa lang ang secretary niya sa sss ko na kailangan kong I review na project planned at pwede ko lang gawin sa bahay. I think I got lucky these past few days dahil bukod sa hindi na siya nagsusungit ay kunti lang din ang oras ko sa pagtatrabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD