Chapter 11

1183 Words
Kinabukasan ay alas dyes kami gumayak papuntang kabigan falls , kasama ko sasakyan yung mga kaibigang babae ni Nita samantalang ang mga lalaki ay sakay nung inarkila nilang sasakyan. Mabilis lang ang byahe dahil nasa Pagudpud lang din naman yung falls , nagbaon lang kami ng pagkain at balak naming doon na magtanghalian. Pagkadating namin doon ay wala masyadong tao , isa itong tago na falls na may malalaking rock formations din. Yung mga boys ay inayos agad yung mga iihawin na karne at isda samantalang kaming girls ay inaaayos ang iba pa naming dala na pagkain doon sa may lamesa na inuokopa namin. Para mamaya ay maayos pag kakain na kami samantala yung iba ay lumusong agad sa tubig at sila Sofie ay nag picture taking. Pagkatapos maluto ang mga inihaw ay kumain na kami , budol fight ang klase na pagkain namin kaya yung mga dahon ng saging kanina ay kami nag-ayos pati paglagay ng kanin para yung mga inihaw nalang ang antayin. Tumulong ako sa pagligpit ng pinagkainan namin at yung mga chichirya at inumin nalang ang natira sa lamesa.Pagkatapos namin malinis ay yung iba naming kasama ay naligo na rin. "tara pave maligo na tayo , yan ba ang isusuot mo ?" tanong nito "ah hindi nasa ilalim nito ang sosuotin ko huhubarin ko lang " Sabi ko kasi naka malaking t-shirt ako at sa ilalim non ay ay isang itim na tube top at semi cycling bottom. Yung iba ko namang kasamahang babae ay naka bikini , Nita is also sexy on her one piece red swimsuit. Nag picture muna kami bago naligo , yung iba naming kasama ay naglalaro. Yung girls ay karga ng boys while the two girls are pushing each other and the one who fall will lose. Nanonood lang ako sa kanila at tumatawa tuwing may malalaglag. Nag-aya yung iba ng inuman pero hindi ako uminom kasi mag da drive pa ako pauwi. Nakaupo ako sa bato kung saan ako iniwan ni Nita dahil mag c-cr daw ito nagpicture kasi kami dito kanina ng may lumapit sakin. "Hindi kaba iinom ? " tanong nito "Alfred nga pala " pagpapakilala nito , hindi ko kasi ito kilala. "pave at hindi ako iinom kasi mag da drive pa ako " sagot ko "oh pareha pala tayo" Sabi nito "yeah " awkward kong sabi "Sabi nila Nonoy ay hindi ka pala daw taga dito , tinanong ko kasi sila kanina dahil hindi pa kita nakikita " Sabi nito "ahh oo nag babakasyon lang pero babalik din ako ng manila " sagot ko "ikaw ba taga dito ka ba ?" ganti kong tanong "ahm dito nakatira yung lolo't Lola ko pero yung mga magulang ko nasa ibang bansa " pagkwe-kwento nito "ahh so nagbabakasyon ka lang dito ?" tanong ko "oo parang ganun na nga pero dito ako lumaki nung nag 18 lang ako kinuha ng magulang ko " sagot nito. Madali kong nakagaanan si Alfred , hindi rin naman siya flirty gaya ng mga taga ibang bansa na lalaki. Alfred is handsome I won't deny that pero sa sobrang tisoy niya ay nagmumukhang bakla siya. Sinabuyan ako ng tubig ni Alfred na ikinatili ko , tumatawa naman itong tumakbo palayo sakin. Sinubukan ko siyang habulin pero dahil malalaki ang bato ay nahirapan ako lalo na at madulas , hindi ko alam kung paano siya mabilis na nakakatakbo. Naghahabulan kami ng narinig kong nag ayieee sila Nita at naghiyawan ang boys. "hoy respesto sa mga single dito " sigaw nila "kayo ha nagsosolo kayo ha " Sabi ni Nita Sabay kaming bumalik ni Alfred pabalik sa pwesto namin at kahit naglalakad papunta dun ay nag aasaran parin kami. Nang makalapit dun ko lang nakita si Mayor na siyang ipinagtaka ko kaya tiningnan ko agad si Nita saka lumapit ako palapit sa grupo nila. "inimbita nila kuya , pero wag ka mag alala hindi yan makakalapit sayo " salubong nito ng makalapit ako "ok lang " Sabi ko , Kasi hindi naman pwede na pagbawalan na pumunta ito lalo na't kaibigan nila ito. "kanina habang naghahabulan kayo ni Alfred nakita ko ang selos at Galit sa mga mata niya " pagkwe-kwento nito "Buti nga sa kanya ngayon niya makikita na wala lang sayo ang nangyayari , kaya wag ka magpapa-apekto sa presensya niya " dagdag pa nito "Hindi ako apektado kasi wala namang kami " sagot ko Nang mag alas tres ay napagpasyahan namin na umuwi na lalo at may tama na ang mga kasamahan ko. Sa bahay nila Nita ko sila binaba bago ko pinasok ang sasakyan sa garahe. Isasarado ko na sana ang gate ng may tumigil na sasakyan sa tapat nito at bumaba si Mayor. "let's talk " Sabi nito ng makalapit "ok , I'm sorry for the things I said to you last Thursday , I don't mean it " Sabi ko "ha now you realize " parang nang iinsulto nitong sabi "yeah that's why I'm saying sorry , kahit hindi ko maintindihan kung bakit mo ako hinanap ng gabing iyon at iniisip na may nangyari sakin " Sabi ko " if that's all about the incident in the party you could have just text me like you always do " dugtong ko pa "paano mo naman naisip na may masamang mangyayari sakin dahil lang binuhusan ako ng wine ng girlfriend mo ? " "serene is not my girlfriend , how many times should I tell you that " naiinis na sabi nito "Wala akong pake kung ano ang relasyon pero sana kontrolin mo ang mga babae mo ng sa ganun ay hindi sila makapanakit at makapanghiya ng ibang tao " walang emosyon kong sabi "mga babae ? bakit sa pagtatrabaho mo sakin may nakita ka bang may babae ako ? tapos sabihin mo mga babae na para bang andami nila " mariin nitong sabi "it's out of my business anymore if may babae ka o wala ,kung marami ba o hindi " sagot ko , damn I just wanna say sorry pero bakit andito na naman kami sa walang kwentang pagtatalo "wow it's so easy to you to accused me when in fact ikaw itong lage ko nakikitang may kalandian na iba't-ibang lalake" pang iinsulto nito "siguro Mayor magaling ka lang magtago ng mga babae mo lalo na at mga low class na babae ang pinipili mo , yung mga eskandalosang uri " ganti ko " hindi ko alam na ang tinitingala at pinupuri na matalino at magaling na mayor ay walang kwenta pumili ng babae " Natahimik ito at hindi makapaniwala sa sinabi ko. "so you think so lowly of me huh " nakayukong sabi nito "kung wala ka ng iba pang sasabihin ay makakaalis kana " Sabi ko Ang kapal ng mukha niyang sabihing nakikipaglandian ako pagkatapos niya akong sigaw-sigawan noong huwebes tapos ngayon magpapakita nalang siya bigla at sumbat-sumbatan ako. Nang araw din iyon ay bumyahe na ako pabalik ng manila.Mabuti nalang at nakaayos na ang mga gamit ko , hindi na nga ako nakapag-paalam kila Nita at kahit pagod galing sa pagligo ay hindi iyon hadlang sa pag byahe ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD