Nasa malalim akong pag iisip ng tumunog ang telepono ko nang tingnan ko kung sino ang tumatawag si Bobbie pala.
"yes Bobbie " bungad ko
"bat parang ang tamlay ng boses mo " tanong nito
"ahm pagod lang , anyway may kailangan ka ? " sabi ko
"masyado mo atang sinulit ang bakasyon mo diyan ah , well anyway napatawag ako para itanong kung may schedule kana sa defense kasi nag post na school ng line up kung sino ang mag so-solo defense , check your email " masigla nitong sabi
"oh I'll check it later , how about you ? you have your schedule already ? " tanong ko
"ahm yeah , at next month pa ako so I have a lot of time to prepare pero yung mga soft copies ng thesis natin ay ipapasa na daw " sabi nito "well I'll hang up na kasi may lakad pa ako " paalam nito.
Muntik ko pang makalimutan na may thesis pa pala ako , napatingin ako sa bintana at nakita kong madilim na.
Napagpasyahan kong magluto nalang kung ano ang stock sa ref kasi tinatamad na akong lumabas para bumili.
Habang naka salang ang kanin sa rice cooker ay umakyat ako saglit para kuhanin ang laptop ko para mag check ng emails.
Nakita kong next week na pala ang defense ko buti nalang at tapos na kasunduan namin ni Mayor , nakita ko rin ang email ng pinsan ko na siyang hinabilinan kong magmasid sa niyogan namin na siyang naiwan kong negosyo doon at base sa data na ipinasa niya ay nasa crisis ang niyogan at wala man ni isa sa pamilya ko na siyang pinapa-manage ko sa niyogan ang nag atubiling sabihan ako sa problemang ito kung hindi ko pa kinuntsaba ang isa sa mga pinsan ko hindi ko to malalaman.
Habang tutok ang mata sa laptop at pinag-aaralan ang data na ipinasa ng pinsan ko biglang nag vibrate ang cellphone ko ng tingnan ko ay notification galing sa i********:.
Binuksan ko iyon at nakita kong minesage ako ni Marco sa i********: hindi pala kami nagka palitan ng number mabuti ay social media , matapos ko siyang replayan sa mensahe niya ay pumunta ako sa feed ng i********: ko and while scrolling something caught my attention , it's my stepbrother flexing his new car which is a limited edition one.
Nagtaka ako kung paano siya nakabili nun eh wala naman yung trabaho , siguro nangutang na naman ang magaling kong Ina para sa paborito at pinakamamahal niyang anak.
Damn , kakalabas lang sa market ng sasakyang yun tapos meron na siya , baka naman may illegal na naman tong ginagawa at hindi na ako magugulat kung kasali ito sa sindikato dahil noon paman ay adik na ito pinakiusapan lang ako ng Ina ko na tulungan sila at bayaran ang danyos ng anak niya ng mahuli ito.
Hindi ako nakuntento ay ini-stalk ko ang account niya at doon ko nakita ang pag wawaldas niya ng pera , he travel , buying stuff that cost millions , he is living luxurious and while looking at the pictures I feel something not right. How can he spend that kind of money when he had no job and to think that my business is having a crisis. Ayaw ko silang isipan ng masama pero hindi ko mapigilan lalo na sa nakikita ko.
"hey Hassan , I want you to investigate something for me and I want you to keep it confidential "
Damn , I need to go home asap , there is something wrong. I hope that my suspicion is not right or else I don't know what I can do.
I'm so exhausted that day from the arguments with mayor , to the failing issue of my business that's why I decided to drink a little bit to help me sleep faster.
It's Saturday today and it's been two days since the fight with Mayor. Simula nun hindi ko na siya nakita well I'm not expecting anyway , ilang araw ko na din inaasikaso ang business ko without my mother knowing that I stop the money sent to the account of the business.
Kinausap ko ang mga investor ko na huwag doon ihulog ang pera kasi noong chineck ko ang bank account ay malaking pera ang nawawala kaya tinawagan ko si Mang Carding ang isa sa pinagkatiwalaan ko sa pag-aani ng niyogan at sinabi niya sakin ay lagi daw delayed ang pasahod sa kanila kaya may kinontact akong tao para pa-sikreto silang sahodan ng hindi alam ng Ina ko at sinabi ko na patuloy mag deliver sa mga sinu-supplayan namin ng palihim kaya sa gabi nangyayari ang delivery transaction kasi ayon kay Mang Carding ay hinaharang daw ng Ina ko ang mga produkto at sa iba pinapa-supply na kaibigan daw ng kapatid ko at binibigay sa murang halaga at dagdag pa niya ay titinitpid daw nito ang medisina para sa mga pananim na siyang pinagtataka ko kung saan napunta ang pera na nawala sa bangko.
Nakarinig ako ng katok na nagpabalik sakin mula sa malalim na pag-iisip.
Nang tingnan ko Nita pala.
"oh Nita napadalaw ka ?" tanong ko
"eh kasi ilang araw ka ng hindi lumalabas " ani nito habang pinaglalaruan ang mga daliri
"ah may ginagawa lang kasi " pagdahilan ko
"Hindi mo naman kailangan mag kunwari alam ko naman na brokenhearted ka " sabi nito
"brokenhearted ? paano mo naman nasabi ?" lito kong tanong , hindi lang ako lumabas ng bahay brokenhearted na
"rinig na rinig ko ang pagtatalo niyo kahapon ni mayor kaya naisip ko iyon " sabi nito
"Hindi ako brokenhearted kasi hindi kami " paliwanag ko
"Hindi na kayo kasi naghiwalay na kayo , kaya nga nag away kayo kahapon diba " sabi nito "pero wag mo na isipin yun ,hindi naman talaga iyon ang pakay ko " dagdag pa nito
"oh ano ?" tanong ko
"may outing kami bukas ng barkada at imbitahan sana kita " nagaalinlangan nitong sabi "pero wag ka mag alala wala siya dun , nagsisi nga ako bat kita inererto dun eh babaero nga pala iyon " kwento pa nito "nabalitaan kasi namin na ipinahiya ka daw ng lintang si Serene eh di hamak na mas maganda ka doon " dagdag pa nito
"sige sasama ako " pagpapayag ko kasi alam ko namang hindi niya ako tatantanan
"ok sure na yan ah sa kabigan falls tayo maliligo " tuwang-tuwa nitong sabi
"oh sige dadalhin ko ang sasakyan ko " pag aalok ko
"oh sige ba " pag sang ayon nito "sige mauna na ako dumaan lang ako para sabihin iyon " pagpapaalam nito.
Pumasok na ako ng makaalis siya.
Bukas ko sanang balak umuwi pero nahiya naman akong tumanggi kasi minsan lang naman siya mag-aya saka para narin masabi ko na nakapagsaya naman ako sa bakasyon ko.