Kinabukasan maaga akong pumunta sa bahay ko sa hacienda kasama ko si Hassan.
Gaya ng plano ay kanina pa dinampot ng tauhan ni Atty.Khan ang kasabwat nila , at sa hindi inaasahan kasama sa nadampot ang peke kong stepbrother kaya ngayon ay ang peke kong Ina nalang tatrabahuin ko.
Nagulat pa ito ng dumating ako. Pagkapasok ko na sa sala ito at parang balisa dahil pabalik-balik ito sa pag lalakad at nung una hindi ako napansin nito na nakatayo sa main door kaya tumikhim ako.
"oh pave anak dumating kana pala hindi ka manlang nagpasabi " salubong nito sakin na may malaking ngiti at akma pa akong yayakapin pero umiwas ako.
Huh , nagawa pa niya ngumiti ng ganyan ah kung akala niya mabibilog niya ako hindi na ngayon , pinagbigyan ko siya dati sa isiping anak siya ni lola pero sa nalaman ko kagabi ewan ko nalang kung makukuha pa niya ang utuin ako.
"pasensya na at madumi ang bahay ang mga katulong mo kasi nagsi-alisan at hindi pa kami nakakuha ng bago " malumanay nitong sabi ng nakita nito na inilibot ko ang paningin ko
"oh bat hindi ikaw ang maglinis , anong akala mo sa sarili mo palamunin ka dito " pagsusupalpal ko sa kanya at bakas sa mukha niya ang pagkagimbal sa pagtatrato ko sa kanya ngayon.
Gusto ko ng isumbat ang ginawa niya pero kailangan kong magpanggap para maka posisyon ang mga tauhan ni Hassan hindi kasi pwede mauna sila dahil baka makaramdam ang peke kong Ina kaya nauna ako para I distract siya at ng makaposisyon ang tauhan namin.
"ahm hindi ka manlang nagpasabi na uuwi ka edi sana nap-" pinutol ko siya
"bat ko pa kailangan magpasabi na uuwi ako hindi ba ako pwede umuwi dito kung kailan ko gusto bahay ko naman to ah " Sabi ko habang naglakad at ilibot ang mata sa kabuhuan ng bahay at pasimpleng sumilip sa bintana para tingnan ang tauhan namin.
"ahh hindi naman sa ganun , eh mas maganda sana kung nakapag handa kami " malumanay parin ito magsalita na akalain mo'y hindi makagawa ng kasalanan.
"bakit kung sinabi ko na uuwi ako saka na kayo maglilinis ? bakit ano ba ginagawa mo dito habang wala ako ? nagpapadonya ? " tanong ko pa pero hindi na ito sumagot.
"sinong tinatawagan mo ?" tanong ko ng mapansin ang hawak nitong cellphone na nakita ko ring kanina pa siya may tinatawagan bago ako dumating dito.
"ahh w-wala , k-kaibigan ko lang " nauutal nitong paliwanag sabay tago ng cellphone sa likuran nito.
Tumingin ako sa ikalawang palapag ng matapat ako sa hagdanan.
"saan ang Lola ?" tanong ko ng nakatitig ng diretso sa kanya at habang nakatitig ako rito napansin ko na suot nito ang mga alahas ko , Damn .
"Ang nanay pave ay dinala sa shelter , hiling niya na rin sakin , mas okay na yun para hindi kana mahirapan " sabi pa nito na may pekeng ngiti sa labi
"shelter ? bakit hindi mo sinabi sakin yun bago ka nag disesyon , masyado mo ata nilasap ang pagiging marangya dito na pati pag didisesyon ay inangkin mo na " nakita ko na sumama ang tingin nito sakin
Lumapit ako sa sofa at naka dekwatro umupo doon.
"pave nanay ko yun kaya kahit papano ay may karapatan ako mag desisyon kahit alam ko ikaw na ang nagpapatakbo sa hacienda respituhin mo naman ako " pag iinarte nito , pero tinaasan ko lang ito ng kilay.
"karapatan eh hindi nga kita tunay na Ina at hindi ka anak ni lola kaya wag kang ilusyonada " nakita kong nanlaki ang mata niya " kung ang ama ko ay hindi ka napatay ako ang gagawa " sabi ko pa
"hahahaha alam mo na pala at sa tingin ko ang magaling mong Lola ang nagsabi sayo nun , ay sana pala tinuluyan ko na yun " sabi nito na nagpatagis ng bagang ko pero hindi ko pinahalata dahil ayaw kong malaman niya na apektado ako dahil maari niyang gamitin iyon laban sakin iyon.
"kaya nga eh kaso tanga ka kaya naunahan ka tuloy " Sabi ko ng may pang aasar.
"tingin mo kaya mo akong patayin , you're just good for nothing pave , and oh yung coconut business mo nilugi ko na , masyadong kasing mataas ang tingin mo sa sarili mo dahil may pera ka pero ngayong wala kana at nasa akin na yun tingin mo may magagawa ka pa ha ! , ikaw ang tanga sating dalawa pave " pagsisiwalat nito sa ginawa ng may ngisi sa labi na akala mo ay siya ang nagwagi.
"ah yung ginamit mo ba kamo na pang cover up sa illegal na ginagawa ng anak mo ? well wala na rin eh pinabagsak ko na rin yun at kasama ang anak mo sa nahuli , kung siniswerte nga naman " nakangisi kong saad sa kanya
"Hindi totoo yan , Hindi totoo yan nagsisinungaling ka !" paulit ulit na sabi nito na animoy nababaliw
"sana nga nag sisinungaling lang ako pero hindi eh " Sabi ko " kawawa ka naman" nang uuyam kong sabi sabay hagikhik
"hayop ka ! " sigaw nito at akma akong susugurin pero naharangan siya ni Hassan.
Tumayo ako at lumapit sa kanya na may masamang tingin , pagkalapit ko ay sinampal ko ito pagkatapos ay hinawakan sa panga saka tiningnan ko sa nanlilisik na mga mata.
"sa ating dalawa ikaw ang hayop kasama na ang anak mo , binaboy at minaltrato mo ang Lola ko kaya asahan mo na doble o triple pa ang ipaparanas ko sayo " nakita ko ang takot sa mata nito " kung sa tingin mo wala akong alam pwes nagkakamali ka dahil alam ko ang lahat at yung sinasabi mo na pera na kinuha mo sakin ay matagal ng nabalik pero hindi mo lang alam... at sa nakuha kong pera mula sa pinabagsak kung kasosyo niyo ay sobra-sobra na " mariin kong sabi.
"ngayon asahan mo na malalasap mo ang galit ko kasama ang anak mo at kung sa tingin mo ay may tutulong sa inyo ay nagkakamali ka dahil una ko ng nilibing ang nasa likod mo " dugtong ko na may ngisi sa labi
"Hayop ka pave , masahol kapa sa ama mo ! " sigaw nito
"kaya nga napa bagsak kita diba , sana noon mo pa ako pinatay ng sa ganun hindi mo binuhay ang papatay at maglilibing sayo " nang-uuyam kong sabi
Narinig ko ang tunog ng helicopter hudyat na andito na ito para sundin ang peke kong Ina.
Pumasok na ang iba pa naming tauhan at tinulungan si Hassan sa paghawak sa peke kong Ina.
"bitawan niyo ako !, bitiwan niyo ako !" para itong baliw na nag sisigaw.
"sandali " pigil ko ng makita kong ilalabas na ito , nilingon naman nila ako.
"hubarin niyo ang suot ng babaeng yan , wala siyang ilalabas sa pamamahay na ito na pagmamay-ari ko " utos ko lumapit naman ako sa kanya para hablutin ang kwentas ko na suot nito , kinuha ko rin ang cellphone na hawak nito dahil maaring naglalaman ito ng ebedinsya.
Hinubaran ito ng babae naming tauhan at sinootan ng pang mental na tela saka inilabas kung asaan ang helicopter, sumunod naman ako.
"wag kang mag alala kahit pinadakip kita sosyal parin naman , tingnan mo naka chopper kapa tas meron kapang escort " pang aasar ko dito.
"Hindi ito ang huli pave " palaban nitong sabi
"oo naman dahil ako mismo ang mag paparusa sayo remember ? have a safe trip Melinda Cruz " banggit ko sa totoo nitong pangalan sabay tapik sa pisngi nito saka ito sinakay sa chopper para hindi na makatakas at isa pa nakabalot ng tela ang buo nitong katawan kaya kung makakalabas man ito ng chopper mamamatay din ito pag nagtangka itong tumalon.