Kianna pov
" Tonta!" sigaw ko sa kausap sa phone.
Naiinis ako. Yung inutusan kong kumidnap sa babaeng yun, palpak. Hindi ko alam bakit nangyari ang ganun sa inutusan ko.
Mabuti nalang din kesa mapahamak ako.
Ano kaya nangyari sa kanila bakit nadatnan ng mga pulis na naging bato ang mga inutusan ko?
Tumawag ako kay Axel pero hindi niya sinasagot.
Lalo akong nainis.
" Kayong dalawa...sa Monday gumawa kayo ng paraan para naiharap saakin ang babaeng yun." utos ko kina Mia at Sunny.
" Anong nangyari sa inutusan mo?" Sunny
" hindi ko alam... pupuntahan pa sana ni Tyron sa wear House.. nakita niyang naging statue daw tauhan niya. Tsk"
" Hindi kaya witch yung girl na yun... OmG! so creepy!" maarteng sabi ni Mia
" Wala akong pake kung witch siya... humanda yun saakin sa Monday."
" Nag update ng status si George... nasa Tagaytay daw sila with Axel."
" Kaya pala hindi niya sinasagot tawag ko... Tsk! "
By the way I'm Kianna De Dios. 17 years old at saamin ang School na pinapasukan ko. Sa Grandfather ko pala.
I'm a lady with a golden spoon...everything that I want... I gets..
We're on pool when Jack came to us.
" My dear Cousin...ano na naman pinaggagawa mo at isa ka na naman sa salarin sa pagbubully ng isang studyante.?"
This is Jack Montana... my first cousin from may father side. And Best friend ni Axel....or should I say.... Ex best friend.
" Stop it Jack... it just for fun.... Masyado lang OA yung nakakarating sainyo."
" Kaya nga Jack... kailan ka lang dumating nag iimbestiga ka na ulit sa kasiyahan namin.." Sunny.
Gusto ni Sunny itong si Jack, kaso ayaw niya sa kanya.
" Girls...can you just put your self to them... If you're in their situation. Is it still fun to tease them every day? They went there to study not to take part in your fun. "
Inalis ko ang eyeglass ko at hinarap ito.
"Jack... hindi mo naman siguro ako isusumbong kay daddy diba?"
" I'll give you one more chance Kianna....one stupidly game... kahit mag makaawa ka hindi na ako magdadalawang isip na isumbong kita kay Tito."
Umalis na ito at tinawanan lang namin siya.
" As if kaya niyang magsumbong... Daddy's girl kaya ako.."
" Girl... till now wala pang girlfriend si Jack? "
" You know him Sunny... he's not able to woo... masyado siyang focus sa business at his young age."
" Mula noong nadisgrasya parents niya siya na ang naghandle sa kanilang business. Kawawa naman ang baby Jack ko..." Sunny
I rolled my eyes like who cares.
Jack pov
Hindi na nawala sa isipan ko ang babaeng yun. Hinanap ko ito pero hindi ko mahanap hanap.
Yung araw na yun ay siyang pagdating ko dito sa Pilipinas. Bumalik ako para hawakan ang business na iniwan saakin nila Dad.
Maraming reklamo sa akin sa school. Ako ang Guidance Councillor ng school na inassign ni lolo. Communication arts ang kukunin ko.
Magkapatid ang Mommy ko at ang daddy ni Kianna. Close naman kamo but I can't tolerate her attitude. Hindi ko alam bakit siya ganun. Nag iisa lang kasi itong anak ni tito Benedict.
Dumalaw ako sa tambayan ng grupo ni Axel..or should I say Solomon Axel Calixto Javier... but he hate using Calixto dahil sa kanyang ama. Calixto din kasi ang pangalan niya.
Hindi niya ako pinapansin kaya yung dalawa lang kumakausap saakin. Mula noong umalis ako ay hindi na niya ako kinausap pa.
Hindi ako kasing tigas ng ulo niya, hindi ako kagaya niya na nasa sulok ito nagbabasa. Hindi ako kagaya niya na masungit sa lahat.
Bata pa lang kami pinag kokompare na nila kaming dalawa. Lagi siyang pangalawa saakin. Magkaibigan kami mula pagkabata.... ngayon hindi na. Ni banggitin nga niya pangalan ko umiinit na ulo niya.
After ng class ay pumupunta ako sa Office ko. Sumasakit agad ang ulo ko sa mga reklamo ng mga studyanteng biktima ni Kianna. Walang araw na hindi napapatawag sa Guidance si Kianna pero hindi ito dumadating.
Isang araw may nakita na naman akong pinagsasampal ang isang babae. Lalapitan ko sana ito ng makita kong inawat siya Axel.
Matagal ng gusto ni Kianna si Axel, halos ilantad na nga niya nag sarili pero hindi effective sa kanya.
Pumasok na naman ang mukha ng babae sa aking isipan.
Kumuha ako ng sketch pad at inalala ang kanyang mukha.
Pumipikit ako upang maihugis kong mabuti ang kanyang mukha.
Ilang araw kong nagawang iguhit ito. Napakaganda nga niya. Kagayang kagaya ito sa una naming pagkikita.
.... Sana ay may pangalawa pa.
Ano kayang pangalan niya?
Belle pov
Sinundo kami nila George ng alas syete ng umaga. Itong dalawa ay todo paganda ang ginawa nila.
" Buti pa itong si Belle...hindi na kailangan magpaganda...wala man lang pulbos sa mukha... kami may nakalaan pa talagang oras para sa pagpapaganda namin." Cecillia
Kumakain ako ng saging na prinito. Habang hinihintay ang dalawa sa kanilang ginagawa.
Nakarinig kami na may tumigil na sasakyan.
" Hala!! Andyan na sila.... " Kristine
" Belle....halika na, bitawan mo na yang tinidor kanina ka pa kumakain."
Naka itom na bestida na may bulaklak na desenyo. Ang dalawa naman ay naka maong pero naka off shoulder sila.
" Hindi ba kayo lalamigin dyan sa suot niyo? "
" Hindi... malay mo bigyan kami ng jacket hahaha oh diba. Gaya ng napapanood ko sa Korean drama." Cecillia.
Kinakain na talaga soya ng sistema ng korea.
Pagbaba namin nakatayo si Drake at George sa labas ng gate.
Napalingon ako sa loob. Nakaheadset itong si Axel.
" Ang ganda niyo naman.... " bati ni George saamin.
" Salamat George... " sabay pa naming sabi.
" Cecil... Pwede bang sa passenger seat ka umupo. Para may kausap naman ako habang nagdridrive..." pakiusap nito.
" Para paraan George ha..." biro ni Drake
" Sige ba... " pagpayag ni Cecillia
" Drake at Kristine ok lang ba na kayo sa likod? Ayaw kasi ni Axel sa likod... " George
" Ah sa likod nalang kami ni Kristine, ok lang saamin" sabi ko
Pero biglang umusog si Axel sa kabilang side. Kaya nagkatinginan kami ni Kristine.
" Ah... sa likod nalang kami Belle... dito ka nalang..."
Pumasok nga ang dalawa sa likod. Nang umupo ako inayos ko ang damit ko. Napatingin ako sa Phone ko. Sana ay hindi tumawag si Inay.
Nagsimula na kaming nagbiyahe. Kitang kita ko ang napakaganda ng tanawin sa lugar.
Nilabas ko ang kamay ko upang maramdaman ang haplos ng hangin mula sa mga kahoy na nadadaanan namin.
" Isara mo nga yan, mamaya may dumaan na sasakyan mabali pa kamay mo dyan." pagsusungit ni Axel. Agad ko namang sinara.
" Belle... wala ka namang f*******: hindi ba?" Kristine
" Oo..."
Sumabat naman itong katabi ko.
" Anong silbi ng phone ko kung wala kang sss? "
Inirapan ko ito.
" ang silbi nito ay para makausap ko ang aking inay... hindi ko naman kahiligan ang paggamit ng f*******:. "
" Ah Axel... nakikinig naman ito ng music sa phone niya," Cecillia
" so boring..... "Axel
" Axel!... hindi lahat ng tao parepareho ang hilig. Kung nakasanayan niya na hindi gumamit... sana irespeto mo yun. " pagtatanggol saakin ni George.
" Toxic daw ang social media sabi ni Inay. "
" Depende yan sa mga kaibigan mo.. " Axel
" sina Cecil at Kristine lang naging kaibigan ko. "
" magkababata ba kayo? " si Drake naman ang nagtanong.
" hindi kailan lang kami nagkakilala nitong si Belle... magkamag anak kami pero kakikilala lang ng magsimula na kaming mag aral dito... Si Kristine ay pinsan ko sa Ilocos... "
" Ikaw sa Bundok Maikli.... " singit ni Axel
" Hindi... Sa Barangay Maliga siya... " Cecillia
" Nakapunta na kami sa Bundok Maikli noon.... alam niyo ba doon? "George
" Naririnig ko kay sa magulang ko dahil ang ninuno namin doon talaga. " Cecillia
" Pero nakapunta ka na? "George kay Cecillia
" Noong bata ako dahil doon ako pinanganak... pero agad din kaming lumipar sa Ilocos. "
Nararamdaman ko na saakin nakatingin itong katabi ko. Naiilang ako para bang gusto niyang sabihin na ako ang babaeng sumagip sa kanya.
Kalahating oras ay sa wakas nakarating din kami. Pumasok kami sa isang Bahay.
" daan muna tayo dito sa Farm na ito.... may ibibigay lang akong plano sa gagawa ng resort namin." George.
Pagpasok palang namin mga bulaklak na ang nakikita ko.
Bumaba muna kami dahil kakausapin niya ang Architect.
" Hi George..." Bati ng isang gwapong lalaki kasama ang isang napakagandang babae na may dala dalang bata.
" Hello Kuya Elo... ito na pala yung pwede mo daw pagbase'san sa ipapatayong resort sa Zambalez."
" Pumasok muna kayo... Halikayo.... Oo nga pala ito pala ang aking asawa na si Ate Shakira niyo at ang baby namin na si Angelo."
Ang cute ng bata kamukha ng tatay.
" Mahal ko, ipasyal ko muna ang mga dalaga sa garden.. " Ate Shakira
" Sure mahal ko... Kayo boys? Sasama ba kayo? " tukoy niya kina Axel at Drake.
" sila nalang po... " Axel
Aba magalang pala siya.
Pinasyal kaming tatlo ni Ate Shakira kasama ang baby niya.
" Wow ang ganda ng garden mo Ate Shakira. Ikaw nagtanim ng mga ito? " Cecillia
" Oo... lahat ng klaseng bulaklak na nandito ay ako ang nagtanim. Yung nakikita niyong maliit na bahay yung ang pagawaan ko ng mga sabon na mula sa bulaklak."
Nakakamangha.
" Ate pwedeng picture kami dito para sa Profile picture sa sss" Kristine
" Sure no problem...ipapakita ko sa inyo ang mga nagagawa ng petals ng mga bulaklak."
Todo kuha ng larawan ang dalawa. Ako puro mga bulaklak ang tinukuhanan ko.
" you know what? You have an unique beauty.... so enthrall...."
Nahiya naman ako sa pagpupuri niya saakin.
" Thank you... kahit naman po ikaw ay kakaiba ang ganda mo. Batang bata ang mukha"
"but not like you... so stunning beauty of you Belle..."
Ngumiti ako. Napakabait ng kanyang kalooban ayon sa nababasa ng aking mga mata.
" Tapos na kayo... Halikayo....may ipapakita ako sainyo.."
Pumasok kami sa isang bahay. Maraming mga bulaklak na nakalagay sa mga vase.
" dito ko ginagawa ang mga products ko.... Mga sabon, at tea...."
Pumitas ito ng petals ng rosas.
" itong petals ay pwede mong kainin dahil edible ang mga ito. Try niyo..."
Ginaya naman namin ito at kinain nga ang isang pirasong petals.
Manamisnamis ang lasa.
" Woah... ang tamis nga ate Shakira... pwede pala yun ano!" Kristine
" bibigyan ko kayo ng tig iisang sabon.. At tea para matikman niyo naman ang gawa ko. "
" talaga ate?.. Wow salamat po ng marami..." masayang masayang sabi ni Cecillia
" Ate ang ganda ng Farm niyo... bakit hindi noyo gawinf. Tourist spot ito..." Cecillia
" Ayaw ng kuya Elo niyo. Ito kasi ang pinangarap niyang tahanan. May bahay siya na pinapaligiran ng mga halaman.... Doon sa dulo ay mga gulay ang nakatanim... Sa kabilang side naman ay mga prutas. Dito ay ang aking Rose Garden.... "
" Nakakaiinggit ka naman ate Shakira. Sana ganito din ang magiging bahay ko kung sakali.." Cecillia
" Wala namang impossible Cecil.... malay mo diba? "
" Ang pogi ng asawa, may ganitong Farm na napakalawak tapos... may baby na super cute.. Sana all nalang Ate.. "Kristine
Natawa naman kaming lahat.
Pabalil na kami nga nag request si Ate Shakira na mag picture daw kami.
Naka tatlong kuha na kami pero hindi pa nakokompleto. Sakto namang dumating ang mga lalako kasama si Kuya Elo.
" akina... ako na kukuha sa picture niyo..."
Sa wakas ay nacompleto naman kami. Pinabuhat saakin ni Ate ang baby niyang si Angelo. Napakasarap niyang yakapin. Nainggit naman ang dalawa kaya kinuhanan sila ng solo kasama si Baby Angelo para daw sa Cover photo nila sa sss.
Nagpalaam na kami kina ate at kuya.
At dumetso sa pasyalan.
Tuwang tuwa ako ng pinapanood ang mga larawan kasama sina ate at ang baby niya.
Sana ay kagaya ko siya.