Belle pov
Pagdating namin sa isang park ng lugar. Nasiyahan kaming tatlo.
People's Park in the sky.
" Nagustuhan niyo ba?" George
" Napakaganda dito... napakalamig pa ng simoy ng hangin." sagot ko.
" maraming pasyalan dito... kung makakaya natin mapuntahan ang iba." Drake
Napatingin ako kay Axel na nakatingin din ito sa akin. Maging sila ay napatingin sa kanya.
" Ah Axel... Sa view ka dapat tumingin hindi kay Belle... " George
" Shut up, George.." Axel
" Ano guys sama sama ba o hiwa-hiwalay tayo?" Drake
" ganito nalang... pair by pair nalang para makilala natin ang isa't isa . " suggest ni Cecilia
" Halika ka na Cecil....." Nagulat nalang kami na hinatak agad ni George si Cecillia
Magsasalita pa sana ako ng hatakin na din ako ni Axel kaya naiwan ang dalawa .
" ayokong kasama yung pinsan niyo na maingay " naglakad na ito at pababa sa may maliliit na kubo.
Sumunod lang ako sa kanya, napapatingin sa paligid. Pagkaupo niya at umupo din ako sa other side. Ayoko siyang tignan kasi naiilang ako.
" Bakit Manila kayo nag aral? " nagulat naman ako sa tanong niya,pero nakatingin pa din ito sa view. Minsan may takot ako sa mangyayari saakin. Mga tanong niya na nagpapakaba saakin. Mga tingin na akala mo kakainin ka na niya ng buhay.
"mula bata ako ay home school lang ako.. sa bawat pagdaan ng kaarawan ko, ang pag aaral sa totoong school ang hiling ko. Maranasan ang mag aral sa siyudad"
" Wala akong naging kaibigan, hindi ako lumalabas. Sina Inay lang ang aking nakakasama. Ngayon sobrang saya ko na nararanasan ang ganito. Makalabas, mamasyal...mag aral..may kaklase."
" Bakit hindi ka nila pinapalabas?"
" dahil sa itsura meron ako..." sagot ko.
Natahimik naman siya.
" gusto mo bumaba doon para makita natin ang taal? " yaya niya saakin. Ngumiti lang ako sa kanya at sabay kaming bumaba. Madulas ang mga damo kaya inalalayan niya ako. Lihim akong napangiti sa ginawa niya.
" Pasensya ka na pala kay Kianna sa ginawa niya sayo "
" Hindi ko alam bakit ganun nalang ang ginawa niya saakin. Wala akong alam na rason bakit niya ginawa saakin. Hindi ko nga siya kilala eh"
" apo siya ng may ari ng School...spoiled kasi ito nag iisang anak ni Tito Ben."
" kaya pala siya ang Reyna na tinatawag.... gusto ko lang naman mag aral eh,"
" Gaya ng sabi mo... dahil sa itsura mo kaya ka pinag iinitan ni Kianna..."
" iiwasan ko nalang siya.... "
" Ilabas mo phone at kuhanan kita ng picture. "
Nilabas ko naman ito nag capture ng mga view sa paligid. Nagprisinta siyang kuhanan ako, nahihiya pa akong ngumiti sa harapan niya.
Sa ihip ng hangin ramdam ko ang kalinisan ng lugar. Nakaalan kaming tagaligtas at taga bantay ng kalikasan. Kaya alam namin ang hindi sagana sa pag aalaga ang isang bundok.
" Kuhanan din kita gusto mo ba?"
" hindi na.... dalawa nalang tayo."
Lumapit ito saakin at pinaharap niya ang phone nito. Para kaming naestatwa sa pag tayo namin habang nag seselfie.
Lumalakas ang ihip ng hangin na nagbabadyang uulan ito kaya niyaya ko siya na hanapin ang apat.
" nasaan na kaya sila?.. " tanong ko habang naghahanap sa paligid.
" Uulan na ata... tara na Belle..!" sa pagpatak ng ulan ay siyang paghawak saaking kamay ni Axel. Sumilong kami sa isang kubo kubo doon. Lumakas lalo ang ulan na may kasamang kulog at kidlat.
" may sumisira naman malamang sa kalikasan kaya ganito siya kagalit. " bulong ko sa aking sarili hindi ko inaasahan na maririnig niya ito.
" makalikasan ka pala... Kaya pati kulog at kidlat akala mo galit sila." natatawa pa niyang sabi.
Hindi ko nalang siya pinansin. Napalingon kami sa nagtatakbuhang apat na bulto ng tao. Hindi kasi malinaw kung sino sino ang mga ito. Tsaka ko lang nakilala ng sumigaw si Cecillia saamin.
" hay! kanina pa kami tawag ng tawag sa inyo... kaya kami na pumunta dito" Kristine
" kain tayo... gutom na ako." Cecillia
" Cute..." George. Nakakakilig naman kung papaano ngumiti si George kay Cecillia.
" tsk... malakas pa ang ulan. Pahintuin muna natin." Axel
" sandali complete na tayo kaya Selfie tayo... dali..walang KJ." Kristine
" Napakaingay mo..." Drake
Walang nagawa ang tatlong lalaki kundi pumorma para sa pag kuha ng picture. Nakailang take kami ng picture hanggang sa humina na ang ulan. Natatawa talaga ako sa tatlong lalaking kasama namin. Ang dami nilang reklamo sa angulo na ginagawa ni Kristine pero sinusunod naman nila.
Kumain kami sa Bulaluhan sa may Centro bago kami pupunta sana sa ibang place ang kaso nga lang ay sa Sonya's Garden nalang ang isusunod daw namin at doon na din magmeryenda. Mukhang kukulangin kami ng oras dahil sa ulan kanina.
Pare pareho kaming gutom kaya walang tsikahan muna ang naganap. Bago sa panlasa ko ang bulalo na ulam namin ngayon masarap siya at sakto sa klima dito sa Tagaytay.
" Cecil, partner ulit tayo mamaya sa Sonya's garden ha..."
" Wala ng partner- partners...magkakasama na tayo " Drake
" KJ naman nito...." bulong ni George pero narinig ko naman.
Nakatingin saakin si Axel kaya tinanong ko kung bakit bigla nalang itong tumayo at nag walkout.
" isa din yun...mister walkout hahaha" biro ni George
" alas tres na... Tara na para hindi tayo magabihan." sabi ko nalang.
" may curfew talaga kayo?" Drake
" Oo, hindi naman kami kagaya niyo na ok lang magabihan at kahit ata hindi umuwi ay ok lang, may pakealam kasi magulang namin kaya may curfew." napayuko naman si Drake sa sinabi ni Kristine. Nasaktan siya alam ko.
" tara na... " yaya ko nalang para hindi na sila magbangayan.
Sa Sonya Garden nabuhayan naman sina Cecillia dahil sa magagandang bulaklak, sumusunod lang ako sa kanila napagod kasi ang mga paa ko sa akyat panaog kanina.
" ate...help mo ako.." kalabit saakin ng isang batang lalaki. Umupo ako para magpantay kami.
" nawawala ka ba?" sa tanstsa ko at nasa apat na taon na ito. Binuhat ko ito.
" halika at hanapin natin ang mama mo..."
" wag ka na mag cry ha..." tumaha naman ito at napatingin siya saakin.
" beautiful po ikaw..."
" salamat... Ang pogi mo din.. " sabay pisil sa kanyang pisngi.
" Can I marry you when I grow up...?" nagulat ako sa sinabi niya hahaha ang bata bata pa niya alam na niya yung kasal.
" when you grow up, I want you to become a good man. Be nice to lady and respect them ok? "
" ok.. Can I kiss you instead?" request niya.
Hinayaan ko nalang siyang ikiss ako sa pisngi dahil wala naman kaso iyun saakin.
" tsk.. Pati bata..." napalingon kami sa nagsalita.
" Is he your husband? "
" naku hindi,.. he's a friend. "sabi ko
" I'm not her friend kid... " sagot naman ni Axel kaya napahiya ako sa bata.
" he's disrespectful man..." maging ako ay nagulat sa sinabi ng bata. Alam kong papatulan ni Axel ang bata kaya nilayo ko konti ito.
" Kane...! " napatingin kami sa babaeng patakbo saamin.
" mama....!" sigaw ng bata.
Agad siyang nagpunta sa mama.
" I thought I lost you.." niyakap niya ang anak tsaka bumaling saamin.
".... salamat sa pagtulong sa anak ko."
" Wala pong ano man Misis..."
" Mama pag Big na ako I'll marry her.." sinuway naman niya ang anak.
" ako nga pala si Belle ito naman ang anak kong si Kane..." hala magkapangalan pala kami
" Belle din po ang pangalan ko. "
" see Ma.. I told you, I'll marry a girl just like you.. " sabat ng bata.
Hindi ko napansin na nasa likod ko pa rin si Axel.
" Hay naku anak... Ate Belle has already boyfriend...." sabay tingin sa likuran ko.
" he's not her boyfriend Ma... "
" Pasensya na sa anak ko Belle ha...sige na aalis na kami. Salamat ulit sainyo."
" Wait Ma... Can I kiss Ate Belle for last one..?.." request na naman niya.
" anak,... "
" ok lang po...bata pa naman siya.." sabi ko nalang.
" soon I'll find you and be my bride... " mukhang seryoso ang bata sa sinabi niya. Ramdam ko sa puso niya itatatak niya ang mukha ko. Kaya kailangan kong maalis sa kanya ang ala ala niya saakin.
" sure..." sagot ko nalang.
" Pati bata... Tsk!" bulong na naman niya.
Inambangan ng suntok ni Kane si Axel na parang naghahamon ng suntukan. Tinignan lang siya ni Axel ng masama.
" pati bata papatulan mo talaga?." natatawa kong baling sa kanya.
" bakit natutuwa ka pa dyan?" Hindi ko siya pinansin at hinarap si Kane at ang mama niya.
" Soon... I know you'll be a good man to your woman Kane." kiniss ko siya bg tatlong segundo sa kanyang labi.
Maya maya at humikab na siya.
" Ma I'm sleepy..." sabi niya sa mama niya at nagbabye na din ang mama niya saamin.
I'm so sorry Kane...
Haharap na sana ako ay nabungo ko ang isang matigas na pader,, pero hindi pader. Tumingala ako dahil One inch nalang ang pagitan namin ni Axel.
" Bakit mo hinalikan ang bata sa lips? Dapat kapag ganung edad sa pisngi lang dapat." napakunot noo ako
" eh bakit ka naman galit saakin? Inaano ba kita at pati bata pinapatulan mo!"
Napahilamos nalang siya at iniwan niya akong naka nganga sa kinatatayuan ko.
Siya lang ang hindi ko mabasa...