Belle pov
Hindi ko siya sinundan kaya humiwalay ako sa kanya inis na inis na ako sa kanya, wala naman akong ginagawa sa kanya kung tutuusin. Hmp!
Isang banyaga ang lumapit saakin.
" Hi," bati niya saakin.
Napalingon ako sa likod baka sakaling hindi ako yung kinawayan niya.
I saw you awhile ago, and you have this beautiful pair of eyes, sorry darling, but not only your eyes have this kind of beauty.... By the way I'm Siena Mcfhize owner of SMfhize Model Agency. Here is my card"
Halos hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Model? Agency?
" I'm happy if you accept my invitation to be my new model. " Binigay niya saakin ang isang maliit na papel.
" My I know your name Darling?"
" Brielle Iris Hidalgo...." sagot ko habang nahihiya akong nakatingin sa kanya.
" Belle, andyan ka pala----ay may kausap ka pala.." Cecilia
Kompleto na sila kaya malamang ay uuwi na kami.
" Call me Darling...ok?! Bye for now....bye girls..." Baling niya kina Cecilia
Siniko ko ni Cecilia kaya nawala sa paningin ko sa babae.
" ano yan?" Inagaw niya sa akin ang pira song papel.
" Oh s**t!...Model Agency ito ah...grabe Belle kukunin ko ba niya? Syeet! tibay ng ganda mo ....ako magtatago nito" binulsa na niya ito. Tinignan ko si Axel nakakunot noo na naman siya sa'kin.
Pauwi na kami ng naabutan kami ng traffic kaya kinabahan ako. Alas syete na kasi.
" Bakit di ka mapakali dyan Belle,are you ok!" George nasilip niya pala ako sa salamin.
" A-ano kasi---hmmm" tingin ako ng tingin sa relo ko kung anong oras na
" Natatae na siya..." Nagulat ako sa binigay na rason ni Cecilia nakakahiya kaya napatakip ako ng mukha gamit ang palad ko. Bakit yun pa kasi ...
" Ahh ehh binilisan ko nalang Belle..." Sagot naman ni George .
Pinagpapawisan na ako dahil malapit na ang oras. 7:39 na ilang minuto nalang. Mabuti nalang umuusad na ang mga sasakyan kaya May pag asa pa ako makarating sa bahay.
" p-paki bilisan naman please," nag iinit na ang aking mga mata.
" Belle,..." Tawag sa akin ni Axel napatingin ako sa kanya. Nagtama ang aming mga mata ngunit umiwas agad ako.
" 7: 56 na .... George asan na tayo?" Cecilia
" Papasok na tayo sa kanto niyo ...kaso kailangan nating umikot may lamay dito sa bungad."
Nagkatinginan kami ni Cecilia kaya nalaman na niya ang ibig kong sabihin.
" Stop the car!!!!" sigaw ni Cecilia kaya napapreno bigla si George
" What the hell!" Sabay nilang tatlo.
" Aray nauntog pa ako sa--...bakit ba Cecilia?" Kristine
Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at nagpaalam nalang na maglalakad ako.
" Guys, maglalakad nalang ako ha...di ko na kasi kaya..." Hindi ko na sila hinintay ang sasabihin nila ng tumakbo na ako. Deretso lang ang lakas takbo ko kaya hindi ko napansin na sumunod saakin si Axel.
" Belle wait!" Bakit naman sumunod pa siya nakakainis naman.
1 minuto nalang malapit na ako nakikita ko na ang bahay ngunit hinigit ako ni Axel.
" Belle ...I know hindi ka---"
Winaksi ko ang kanyang kamay at lumayo ako sa kanya.
" Please wag mo na akong sundan .."
20 segundo nasa tapat na ako ng tindahan
15 nasa gate na ako ang kaso walang susi...nakay Cecilia.
10 segundo ng inakyat ko ang bakod sa tapat ng mga halaman. Sanay na akong umakyat maging sa mga puno.
5 segundo nilabasan ko ang susi sa aking maliit shoulder bag ko agad ko itong pinihit
Time's up! Agad kong sinara ang pinto sabay hawak sa aking dibdib hiningal ako sa pagtakbo. Salamat nalang at umabot ako sa oras. Agad kong naramdaman ang pag balik ng aking mata. Sumpa na naman ito.
Tok tok tik
" Belle...buksan mo ang pinto." Axel
" Please,Axel umalis ka na...gusto ko ng magpahinga ."
" Gusto kitang makita kung ok ka lang please open the door.."
" Axel...." boses ni Cecilia.
" Cecil pwede mo bang buksan yung pintuan....si Belle.."
" Ok lang siya Axel ...ganyan talaga siya kapag ganito oras. Tatawag si Anti kasi sa kanya kapag nalaman niyang lumabas ito ng gabi pare pareho kaming mapapagalitan. Baka pabalikin kami sa amin." nagpapasalamat nalang ako dahil magaling gumawa ng paraan para makalusot sa nangyari.
" Bro tara na...hayaan mo na sila. Hindi sila sanay dito sa siyudad. " Drake
" Ihahatid na namin kayo sa gate..." Kristine
Wala na akong narinig kaya sinilip ko sila sa may bintana. Nang marinig ko ang pag alis ng sasakyan nila binuksan ko pintuan.
" Naka jebs ka na Belle?"Kristine
Tumango lang ako.
" Grabeng habulan nangyari sainyo ni Axel kanina. Sundan ka ba naman...na stress ang bangs ko ng isang libo para akong nanonood ng kdrama sa habulan portion." Cecilia
" Ang saya ko kanina...grabe ang dami kong iuupload sa f*******: ko mamaya." ani ni Kristine
" Hala sige,maglinis na tayo ng katawan at makapagpahinga na tayo." Cecilia
Pagpasok si Kristine sa kanyang kwarto ay humarang sa sa'kin ang makulit kong pinsan.
" Anong nangyayari kanina?sumakto ba na pagdating mo dito?"
" saktong sakto... hiningal ako sa pagtakbo, hinigit pa niya ako kaso nainis ako sa kanya."
" Halatang May gusto sayo yung si Axel ..."
" Hindi naman kami pwede Cecil..."
" .....pumasok ka na nga sa kwarto mo " dugtong ko
" Gagawa pa ako ng panghimagas ko..hehehe"
Iniwan ko na siya at pumasok sa aking kwarto. Pagkatapos kong maglinis ng katawan nang tumawag si Inay.
Inay: Anong ginawa niyo maghapon anak?
" Naglinis po kami dito sa bahay Inay..."pagsisinungaling ko sa kanya, mabuti nalang ay gabi ito parating tumatawag para alamin ang maghapon kong gawain.
Inay: di magtatagal ay masasanay ka na dyan sa siyudad.
" Namimiss ko na po ang Bundok...". totoong mamimiss ko ang Bundok Maikli.
Inay: ang bundok lang ba?
Kunyari ay nagtatampo pa ito.
" Kasama na po kayo lahat Inay ..."
Inay: oh sya....magpahinga ka na may pasok pa ka bukas. Anak mag ingat ka parati ,hangga't maari ay wag kang makikipagkaibigan sa mga lalaki. Delikado anak....
" Opo Inay...higa na po ako."
Pagkatapos namin mag-usap ni Inay lumabas ako saglit upang kumuha ng tubig.
Nagulat ako ng madatnan ko pa din si Cecilla sa kusina. Alam kong gumawa ito ng mahika upang makakain na naman ito.
" Hindi ka pa ba nabusog kanina?"
" Konti lang...tsaka tikim lang ito no..." natawa nalang ako sa kanya.
" Tumawag pala saakin si George kanina...si Axel daw gustong kunin ang number mo "
" Bakit daw?"
" Ewan...sabi ko itatanong ko pa sayo."
Naningkit ang kanyang mata na para bang may pagdududa.
" ano na naman..?"
" Gawan kaya kita ng Facebook...ano say mo Belle? "
" Cecil, hindi pwede baka makita ako nila Inay"
" Bakit may f*******: ba si Anti?"
" Ewan ko ..pero makikita ako ng maraming tao...alam mong may social media din ang ibang lahi natin tsak malalaman nila na nandito ako sa siyudad."
" Yun lang ba..di hindi mukha mo ilagay natin sa Profile mo... tapos ibahin natin pangalan mo...hindi yung buong pangalan mo "
Wala na akong nagawa at pinagbigyan ko nalang siya. Kung mabisto man ako nila Inay gagawa nalang ako ng rason
Ginawan nga niya ako ngayon mismo. May kuha daw siya na picture ko na nakasideview kanina sa Tagaytay. lalagyan nalang daw niya ng effect para hindi makita ang kulay ko.
Belle Hidalgo lang ang nilagay niyang pangalan sa account ko.
" Oh,ayan na ha...inadd ko na sarili kong sss,kina Kristine at yung tatlong mokong na din"
" Mokong??"
" Yung tatlong kasama natin kanina..."sabay tawa nito.
Bumalik ako sa kwarto at nagdesisyon na matulog.
Kinabukasan maaga kaming nagising at naghanda sa pagpasok. Nagluto si Cecillia ng baon namin, samantalang si Kristine naman ay tumanggi ito dahil sa Canteen na daw sila ng friendship niya kakain.
" Hayaan mo yang babaeng yan...pairalin niya pagka sosyal niya." Sabi niya sa kanyang pinsan
" bakit kasi nagbabaon pa kayo...hindi na kayo elementary para magbaon baon pa..." maarteng sabi ni Kristine
" Eh kung sabunutan kaya kita dyan...mas sigurado na kami sa luto ko kesa yung luto ng iba hindi naman namin alam kung paano nila niluto...baka nga may nilalagay sila ng something...o kaya isang sakong vetsin para lumasa no.." sagot naman ni Cecilia
Walang araw na hindi nagbabangayan ang dalawa.
Si Kristine hindi naman talaga maarte yan, feeling lang niya. Mabait naman siya...dahil nga bata pa siya ay ganyan siya mag isip.
Mabilis kaming nakasakay ng jeep patungo sa school. Parati kaming maagang pumapasok dahil ilang pa din ako sa maraming tao.
Nacancella ang pasok dahil may orientation daw ngayon para ipakilala ang mga bagong propesor. Nakatambay kami ni Cecilia sa mga dulo ng field kung saan may naglalaro ng soccer.
" Excited pa naman akong ipatsek ang assignment ko ...wala din naman palang klase " yamot nitong sabi habang kumakain ng tinapay. Kaya malaki ang bag ni Cecilia ay mas madami ang pagkain kesa gamit nito sa school.
" Magbasa ka na lang kaya..." Alok ko ang isang libro.
" Tsk ....hindi ka ba nagsasawa sa kababasa ng mga libro na yan Belle?"
" Hindi..."
" Hindi? o May gusto ka lang alamin sa kakayahan mo ..."
Napatigil ako
" Tsk, tama nga ako ...alam mo hindi yang sumpa para pwedeng matigil Belle....alam mong regalo ang naibigay saatin".
Para saakin kasi ay sumpa para saamin, pinagkait nila sa'kin ang makihalubilo sa mga lalaki. Nadadamay ang mga inosenteng tao.
" Gusto ko lang alamin kung paano ko matatanggal ang binigay saakin. "
" Belle, ang sabi saakin ni Inay depende sa nagbigay kung ano ang pwedeng solusyon ng binigay niya. Ikaw lang kasi ang alam kong may ayaw sa niregalo sayo ng mahika. "
Kung ganun ay ang nagbigay ang dapat kong tanungin.
" Hindi na din kasi ako natutuwa Cecil, Nawawalan sila ng ala ala at nagiging bato ang mga lalaki kapag ti na tinitignan ako kaya nga gusto kong mawala ito ng kaso Saan ko siya hahanapin? Hindi sasabihin nila Inay kung sino "
" Mahirap yan...."
" Tara na nga Belle ...umuwi nalang tayo sobrang init .... iilan lang ang puno dito...lahat nalang building"
" Oo nga eh,namimiss ko tuloy ang Bundok Maikli "
Habang hinahanap ko ang cellphone ko sa aking bag ng may bundok saakin. Nabitawan ko ang Bag ko at nagkalat ang mga gamit ko sa semento. Yumuko agad ito para kunin ang mga ito ng mabilis kong pinagpupulot ng mga gamit ko. Mabuti nalang hindi nabasag ang cellphone ko kundi magagalit si Inay.
" I-I'm sorry Miss h-hindi ko sinasad----" hindi naituloy ng lalaki ang sinasabi ng tignan niya ako sa mukha.
Umiwas ako
" It's you.... finally I found you...."