Belle pov
" Naku po Sir pogi hindi po sinasadya nitong si---" Cecilia
" No, it's fine...sorry din at nabangga ko kayo. Ako nga pala si Jack..." Pagpapakilala niya. Pamilyar ang mukha niya sa akin.
" Ako naman po si Cecilia pero Cecil nalang ....ito naman si Belle ang pinsan ko po "
Nilahad ni Jack ang kanyang kamay saakin at tinanggap ko naman. Nakaramdam ako ng pag init sa kanyang palad.
" Nice to meet you -----" nagulat nalang kami ng sinuntok agad bigla ni Axel si Jack. At nagpalitan sila ng suntok sa harapan namin. Mabuti nalang at walang masyadong tao dahil nasa gymnasium ang mga studyante.
Napatili naman si Cecilia sa nangyari.
" Woi, ano ba kayo tumigil kayo ." Sigaw at pag aaway ni Cecilia
" Axel....Jack...tama tumigil na kayo .." sigaw ko.
" Ayaw niyong tumigil gusto niyo bang gawin ko kayang pandesal na dalawa?!" Galit na sigaw ni Cecilia sa kanila na siyang tigil naman ng dalawa.
Sabay nilang pinahid ang dugo sa kanilang labi.
" Oh takot pala kayo ano!? Tsaka ikaw Axel bakit ka naman nanununtok agad agad ng tao? " Cecilia
" Kaya naman pala ...magkakakilala kayo?" Pagtataka ni Jack.
" Lahat nalang ba aagawin mo sa akin Jack?" biglang kambyo ni Axel sa kanya.
" Wala akong inaagaw sayo Axel....praning ka lang. " Sagot naman ni Jack sa kanya.
" Hep...hep...sandali magkakilala kayo? Magkapatid ba kayo?" Tanong ni Cecilia sa kanila. Agad naman umiral si Axel kay Cecilia.
" Eiw! Hindi ah..." Pagtanggi ni Axel
" Magkasintahan kayo noon?" Tanong ni Cecilia na siyang ikinalingon naming tatlo.
" What?!" Axel at Jack
" Magkakilala kayo?" Ako na ang nagtanong sa kanila.
" Ex- Best friend" Axel
"Mmmmm... Tama siya.." pagsang-ayon ni Jack.
" Eh bakit mo siya sinuntok? wala naman siyang ginagawa?" Lumapit si Cecilia at tinignan yung sugat sa ka labi ni Jack.
Sa akin nakatingin si Axel at hindi inalis ang tingin sa akin.
" Sumama ka saamin Jack gagamutin namin ang labi----" hindi naituloy ni Cecilia ang sasabihin niya ng dumating ang dalawang kaibigan ni Axel.
" ehemmm Cecil....bakit yapos yapos mo ang braso ni Jack?"napamewang na tanong ni George.
Napatingin naman kami sa kina George at Drake na papalapit sa amin.
" eh itong si Axel kasi sinutok si Jack bigla kaya gagamutin namin ni Belle ang sugat niya sa labi."sagot naman ni Cecillia.
" eh pati si Axel may sugat din naman bakit yang si Jack lang gagamutin niyo?" Drake.
Lumapit ako kay Axel at hinawakan ang labi niya. Nanigas naman siya sa kanyang kinakatayuan ng magdikit ang balat ko sa kanyang labi.
" masakit ba?" tanong ko sa kaya.
Umiling lang ito ngunit ang tingin niya sa akin ay sa aking labi.
" ehem....malulusaw siya Axel..." basag ni Cecillia
Ngunit sa halip na lumingon sa kanila ay hindi niya inalis ang tingin sa akin.
" bakit kayo nandito sa labas? hindi ba orientation ngayon?" George
" naiinip kami ni Belle kaya gusto na sana naming umuwi para doon na kumain at makapagpahinga."
" kung gusto niyo ay ililibre ko kayo ng meryenda dyan sa bagong bukas na restaurant malapit lang dito. " yaya saamin ni Jack.
" sa amin sila sasama Jack..." George
" bakit naman kami sasama sainyo?" taas kilay ni Cecillia kay George.
" anong bakit? malamang kaibigan niyo kami at sa amin kayo sasama." sagot naman niya.
" eh new friend namin siya....diba Belle?"
" Ganito nalang sama sama nalang tayong lahat..." Jack
" ay bet ko yan Papa Jack..." maharot nitong sabi kay Jack sabay yakap sa braso nito. Ngunit hinatak naman siya ni George para lumayo kay Jack.
" kung ganun ay tara na...."Drake.
Hindi umangal si Axel kaya hinawakan niya ang kamay ko sabay lakad palayo sa kanila.
" paano mo nakilala si Jack?" pagbabasag niya ng katahimikan sa pagita namin.
Napalingon akosa likod na sumusunod sila saamin.
" hindi ko maalala...parang siya yung nagligtas saakin sa mga humahabol saamin ni Cecillia sa Barangy Fiesta. "
" tapos?"
" anong tapos?" balik tanong ko sa kanya.
" tapos matapos ka niyang iligtas..ano pa sumunod?" hindi nag iba ang awra nito
" wala na...nagpasalamat nalang ako sa kanya at umalis kami." sagot ko.
" wag kang sasama sa kanya mag isa kung niyayaya ka niyang lumabas. Wala akong tiwala sa kanya."
" bakit naman?"
" Basta.... " hindi na ito umimik pa hanggang makarating kami sa parking lot.
Kina Axel kami sumabay at mag isang sumunod sa amin si Jack.
" kawawa naman si Papa Jack...wala siyang kasabay.." malungkot na sabi ni Cecillia.
" malaki na siya kaya na niya sarili niya.." sabat ni George.
" bakit ba inaaway niyo si Papa Jack?"
" hindi naman namin inaaway ah" George
" hindi nga kinakawawa niyo naman... Bakit ba ayaw niyong sabihin saamin?"
Natigilan silang tatlo.
" tsaka na namin sasabihnin..." George sabay lingon kay Axel.
Nakarating kami sa isang bagong restaurant na sinasabi ni Jack. Hinintay muna namin makababa si Jack tsaka kami sabay sabay pumasok.
" wow...ang sasarap naman ng mga cakes na nakadisplay." sabi ni Cecillia naikinatuwa ng kanyang mga mata na may kasama pa itong palakpak .
" let's take sit... ako nalang mag oorder.." Jack
" ikaw nagyaya bro...kaya ikaw talaga ang taya." banat ni George.
Nakita ko namang siniko siya ni Cecillia. Napatingin ako sa kamay na hawak pa din ni Axel. Hindi pa umiinit ang pwet namin ng biglang tumayo si Axel at hinatak ako palabas ng restaurant. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan nila .
" pasok..." utos niya saakin.
Pumasok naman ako at hinintay ko siyang makapasok.
" Axel saan tayo pupunta? bakit tayo umalis doon?"
" ayoko siyang makasama... gusto din kitang masolo dahil naguguluhan ako..." pinaandar na niya ang kanyang sa sasakyan.
" naguguluhan saan?" tanong ko dahil maging ako ay naguguluhan na din.
Hindi na ulit ito sumagot at ipako sa mata sa daan. Hindi ko nalang inulit at hinayaan ko nalang siya. Napahikab ako kaya napalingon siya sa akin.
" Matulog ka muna gigisingin nalang kita pag nandoon na tayo "
Tumango nalang ako at hinayaan ang aking mga mata na kusang pumikit. Hindi ko alam kung ilang oras minuto o oras akong nakatulog.
Haplos sa king pisngi ang gumising sa akin. Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata.
" Nandito na tayo...."
Iginala ko ang aking paningin. Nasa tuktok kami ng burol.
" Nasaan tayo?"
" Ito yung lupa ni Mommy. Binigay niya ito sa'kin bago siya namatay. Bumaba na tayo, maganda doon sa kubo at sa punong katabi nito may duyan kaming nilagay. Magadan ng view sa side doon."
Paglabas ko haplos ng hangin ang dumapo sa aking pisngi at ihip sa aking buhok. Inalalayan niya akong umakyat sa mataas na bahagi ng burol.
"Ang ganda naman dito...."
" You like it?" Nakangiti niyang tanong sa akin.
" Sobra....namiss ko tuloy sa amin."
Pagpasok namin sa kubo malinis ito at may kagamitan din.
" Oo nga pala dito ka muna kukunin ko lang yung basket sa sasakyan" agad itong lumabas kaya umupo muna ako sa kahoy na upuan.
Tinignan ko ang relo ko maaga pa naman pala ...9: 50 palang. Sa pagtataka ko bakit may dalang basket si Axel gayong biglaan naman ang pagpunta namin dito.
" Nakakamiss ang bahay sa bundok Maikli..." bulong ko sa aking sarili.
Maya maya pa'y may dalang malaking basket nga si Axel na hindi ko nagkakamali ay mga pagkain ito.
" Nagugutom ka na ba?" Binaba niya ang basket sa mesa.
" Planodo mo na ba ito?" Tanong ko sa kanya.
Natigilan naman ito at hindi ako matignan ng deretso.
" Oo,alam kong may orientation tayo ngayon at walang pasok. Kagabi ko pa ito nagplano pero hindi kasama si Jack sa planong makikilala mo ngayong araw."
" Pwede ko bang malaman ang tungkol sa alitan niyo ni Jack....gayong sinama mo ako dito.?"
Nangako naman siyang sasabihin mamaya ngunit kumain daw muna kami.