Cecilia pov
Natulala nalang kami sa nangyari. Biglang hinatak ni Axel ang pinsan ko, kinabahan ako lalo. Hindi naman siiguro niya itatanan diba?.
" Saan kaya pupunta ng dalawang yun?" Drake.
Napatingin naman kami sa palapit na si Jack..
" Nasaan si Axel at Belle.?" Jack
" Tinakas ni Axel ..ewan ba namin bigla nalang niyang hinila si Belle at lumabas sila " George
" baka gustong masolo ni Axel si Belle buong umaga ..baka nga gusto pa hanggang gabi eh hehehe" Drake
Napatayo ako sa sinabi ni Drake. Hindi maaaring maabutan si Belle ng gabi....kundi mabibiktima niya si Axel.
" Hindi pwedeng maabutan si Belle ng gabi!" medyo napalakas ata ang reaction ko kaya napatingin sila saakin.
" bakit? may curfew kayo?" Jack
" Oo nga pala kagaya noong nagpunta tayo sa tagaytay...kokontakin nalang natin si Axel na maaga silang umuwi kung saan man sila pupunta." George
Agad kong tinext si Belle na mag ingat siya. Gusto ko man silang sundan ay hindi ko naman allam kung nasaan sila at hndi ko din alam ang pasikot sikot dito sa siyudad.
" Gusto ba ni Axel si Belle?" tanong ni Jack.
Oo nga ...may gusto kaya siya ay Belle?
" siguro...hindi naman ganun si Axel sa ibang babae at base na din sa tinakas niya ito malamang na malaman na tamado ang lolo niyo hahaha" George
" kaw Jack? bakit ka bumalik dito? bakit kausap mo si Belle kanina? " Drake
Kay Jack naman napunta ang tingin namin. Sakto naman na dumating ang pagkain namin. Agad kong nilantakan ang inorder niyang pagkain.
"ang sarap!" yun nalang nasabi ko.
" lahat naman sayo masarap eh..kahit ata pinakulong tubig masarap sayo." pansin sa akin ni George.
" sa masarap naman talaga eh."
" so ano na nga Jack?" Drake
Curious tuloy ako kaya kahit kumakain ako nilakihan ko ang tenga ko para malinaw ang sagap nito. Uminom muna ito ng juice bago ito nagpatuloy magsalita.
" wala naman..gusto ko lang din dito magtapos at pinakausapan ako ni lolo na ako muna papalit na Guidance Counselor ng School. Wala na din kasi gustong maging Guidance Counselor dahil sa mga gulo at mga dumadaming bully ."
" isa naman dyan ang pinsan mong si Kianna eh.." Drake
" isa na din yan...pero may pinakausapan din sa akin si Tito Ben na mahalagang bagay na hindi ko mahindihan." dagdag nito.
" Mula ng mamatay ang Mommy ni Kianna last year naging mas masahol na ito sa mga bagong studyante, ang huling biktima niya ay si Belle." George
Nagulat naman si Jack sa sinabi ni George.
" diba Cecil?" baling sa akin ni George. Tumango lang ako dahil punong puno ang pagkain ang bunganga ko.
" Hindi ko na alam ang gagawin ko maging ang mga ibang Professor ay nagrereklamo na din sila. " Jack
" Ang kinakatakot namin ay baka ikakapahamak niya. Alam natin na ampon lang si Kianna pero tinuring nila tito at tita na totoong anak si kianna." George
" ampon siya??" singit ko sa usapan nila.
Natawa naman sila sa akin.
" kasing bilis ng bunganga mo ang tenga mo sa paghagilap ng tsismis ano?" George.
Magsasalita na sana ako ng makita ako ni Kristine.
" Ate Cecil!!" palapit itong sinisigaw ang pangalan ko.
Napansin naman ni Jack si Kristine.
" kapatid mo?" tanong ni Jack.
" pinsan ko...."sagot ko.
" ang ganda din niya...." puri ni Jack at nakatingin ito kay Kristine.
Kumunot noo bigla si Drake.
" akin yan...." halos pabulong nito ngunit rinig ko.
Natawa nalang sI Jack.
" Bakit Kristine?"
" ate si Ate Belle?"
" ah ano...may pinuntahan lang siya. bakit ba?"
" ate mga magulang niya nasa school kanina...hinahanap si ate Belle.'
Napatayo ako na may pagkain sa bunganga.
" naku lagot...." agad kong tinawagan si Belle ngunit hindi ito makontak.
" bakit anong nangyayari?" Jack
" malalagot kami kapag malalaman nilang may kasamang lalaki si Belle." hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong maglaho pero hindi ako binayayaan ng ganun.
" teka kumalma ka nga....umupo ka muna..tsaka lunukin mo muna nga yang nasa bunganga mo." George
Malaking lunok ang aking ginawa.
" ate anong sasabihin ko sa kanila?" Kristine
" sabihin mo sa bahay nalang sila maghintay...wag mong sasabihin na hindi ko siya kasama ha, baka ilipat tayong shool....sasabunutan kita..." banta ko sa pinsan ko.
" Oo ..akong bahala... pero asan ba kasi siya?" tanong pa niya.
" basta..tsaka bakit kasi hindi sinasabi ni Belle na luluwas sina tita?" naiinis na ako...nababaliw na din....
" ang sabi sa akin ay bumaba daw sila dito sa siyudad para bumili para sa kaarawan ni ate Belle sa sabado. " Kristine
Anak ng lintik bakit naman dito pa sila bibili?
" may problema ba?" Jack
" Oo...bawal sumama si Belle sa lalaki...at hindi pwedeng gabihin si Belle ...kung hindi kaming tatlo ay hindi na magtutuloy sa pag aaral o baka ilipat kami." pagpapaliwanag ko sa kanya.
" hindi ba super OA naman ang rason.?" Jack
" OA talaga pero yun talaga Jack. Kita mo naman ang gandang meron si Belle diba?"
" Oo...pero anong koneksyon sa pagsama sa kanya ng lalaki o makita siyang may kasamang lalaki?" Jack.
Ang dami naman niyang tanong.
" bawal kasi.... kapahamakan ang magyayari."napatakip ako ng bibig. Syeete...nasabi ko ba?
" what?" silang tatlo.
" ate mauuna na ako...iuuwi ko nalang sila. Pero umuwi din kayo agad ha..." maging siya ay kinakabaha.
Pagkaalis ni Kristine hindi na ako nakakain pa. Halos mapudpud ang daliri ko sa kakatipa ng mensahe sa kanya.
" if you want hanapin natin sila..." Jack
" talaga??"
" sasama kami....yung sasakyan namin kinuha ni Axel." George
" sasamahan ko si Kristine sa bahay ----" agad kong pinutol ang sasabihin ni Drake.
'" hindi pwede!!!..bawal...!" sigaw ko sa kanya.
" chill...kelangan sumigaw?" Drake
" sumama ka nalang....tara na..!" dinala ko ang fruiti ko bago lumabas.
Hinintay ko sila sa tabi ng saksakyan ni Jack.
" Jusme! Belle asan na ba kayo??"
Sunod-sunod na silang lumapit saakin.
".so saan natin sila hahanapin?" Tanong sa akin ni George.
" Anong alam ko kung saan sila nagpunta. Tsaka hello!? Wala naman kaming alam dito sa siyudad remember???"
" Kayo wala na kayong alam na pinupuntahan ni Axel?" Tanong ni Jack kina George.
" Aside from the school and their house...may tambayan siya na sinasabi niya na kubo.." Drake
" So saan yun? Tara na puntahan na natin " yaya Kim
" Ang kaso hindi niya sinabi kung saan." dagdag nito.
" Takte naman!! Saan ba niya dinala si Belle!? Kapag ako nainis gagawin ko siyang siopao!!"
"What?!" yung tatlo
"Wala....tara na ...dahil malilintikan kami nito eh..kung kelan naman kasi....tsaka pa sila bababa ng siyudad."
Nagbiyahe kami at pinuntahan ang pwedeng puntahan ng dalawa. Hanggang sa abutan kami ng pananghalian.
" Gutom na ako..." rekalmo ko.
" Parang isang oras at kalahati lang tayo pagkatapos natin nagmery...gutom ka na naman?" George
" Eh hindi kasi ako pwedeng gutumin."
" Sa taba mong yang bawal sayo gutumin?" Drake
Inirapan ko ito sana pala naiwan nalang siya.
" Okay kumain muna tayo bago natin ipagpatuloy paghahanap sa kanila " Jack
" Walang signal mga phone nila" George
" Kainis naman saang ba sa mundong ito ang walang signal??"inis kong sabi.
" Malamang sa mga bundok ..." Drake
" Ang iba naman may signal kasi ang ibang satellite ay sa sa bundok naka stand."sagot ni Jack.
Tama naman kasi siya.
"Gutom na din ako ..." Drake
And ending ay dumaan kami sa isang karinderya dahil gusto ko yung lutong bahay talaga hindi yung sosyal na pagkain na akala mo tikim lang ang serving.
" Sure ka ba na malinis ito?" George
" Oo naman...ikaw judgemental ka..hindi porket mura ang mga pagkain dito marumi...tsaka sa yayamanin na restaurant Naka aircon lang naman. Eh ano ba pinagkaiba ng lasa...kung tutuusin mas masarap pa dito maraming serving doon eh dalawang kutsara lang ata."
Natawa naman si Jack sa sinabi ko.
" Diba tama naman ako papa Jack?" Baling ko sa kanya.
" Wag mo nga tawaging Papa si Jack ano ka niya anak??" Sabat ni George
" Pumasok na tayo at ng makakain, wag niyo akong pagselosan dahil iba ang gusto ko." napalingon naman kami kay Jack.
" Wag mong subukan....mag aaway na naman kayo.." George
"Niño?"
Ngunit hindi na nila ako sinagot. Nag order ako ng pagkain pero siyempre sila magbabayad. Wala naman akong pera.
Pagkatapos namin kumain,nagpahinga kami saglit ng biglang naalala ni George ang isang lugar na binabanggit ni Axel sa kanila.
" Saan banda?" Agad kong tanong.
" Sa Taytay, may kubo doon na parati siyang pumupunta kapag namimiss niya mommy nito. Tsaka ang problema...." pagbibitin niya.
" Mukhang alam ko na...hindi ko alam kung saan." dagdag ko.
" Mukhang alam ko .." Jack
Agad kaming umalis at pinagpatuloy ng biyahe.
" Jusme alas dos na....baka hindi natin sila maabutan."
" Magrelax ka nga...para namang malulusaw si Belle kapag naabutan ng dilim" Drake
" Mas masahol pa sa lusaw .."bulong ko nalang.