Axel pov
" manang, kapag hinanap ako ni daddy sabihin mong lumabas ako."
" sige senyorito."
Sakto naman na dumating sina Drake. Pinilit nila akong isama sa pagbisita sa dalawa.
Flashback
" Sige na Axel, bibisitahin lang naman natin sila." Pamimilit ni George
" Ikaw napaghahalataan na kita. Ikaw ba may tama sa babaeng yun? "
" Axel, may pangalan siya... Brielle ang pangalan niya." Drake
Bakit ba nahuhumaling sila sa babaeng yun.
" May sakit kasi ito kahapon kaya hindi nakapasok. " George
" eh ano naman pakealam ko kung hindi siya pumasok. "
" Oh sige... hindi na kita pipilitin. Sayang! alam mo ba na tiga Bundok Maikli ito."
Napalingon naman ako sa kanya. Bundok Maikli? Ang lugar kung saan kami nag camping noon.
" Fine!... sasama na ako. "
Pinagtawanan nila akong dalawa.
End of flashback
" Sorry dumaan pa kami para bumili ng pagkain para sa kanila.." George
Sumakay ako at nakita ko kung gaano kadami ang pinamili nila.
" Napaghahalataan na kita George,... parang kay Miss Pisngi ata ang lahat ng ito at hindi yung may sakit" biro ko sa kanya.
At ang loko namula naman ito.
" hindi ah !..."
Tumawa naman kami ni Drake. Napansin kong kandong niya ang isang bouquet. Red Roses...
" para naman kayong aakyat ng ligaw."
" Bibisita!" sabay pa ang dalawa.
Nakarating na kami sa lugar. Makitid ang daan at maraming mga bata. Hindi naman matatawag na squatter ang lugar pero marami lang mga tao.
" We're here..." George
Bumaba kami at pinagbubuhat ang mga dala namin. Nasa tapat kami ng gate.... ng masulyapan ni George si Miss Pisngi na nagsasampay sa side.
Lumapit ito sa gate.
" President este George... napadalaw ka"
Ka?? Si George lang ba nakita niya?
Pagbukas niya mukhang nagulat ito.
" Ay may kasama ka pala...--ano yang mga dala niyo?" turo pniya sa mga dala dala namin.
" Pwede mo ba kaming papasukin? hindi gaano kagaan ang mga pagkain na bili nitong si George." pagsusungit ko.
" ay sorry sige pasok kayo..."
Pinapasok niya kami sa bahay nila. Malinis ang loob ng kanilang tahanan.
" Pinsan sino kausap mo!?" sigaw ng babae mula sa kusina.
Nagulat don ito ng makita kami habang hawak hawak ang sandok.
" Ya! may bisita pala tayo.... Hi sainyo!. " masaya niyang bati saamin.
" Hi.." bati din ng dalawa.
" Kristine luto na ba ang turon..? " tanong ni Miss Pisngi.
" Oo sakto luto na..."
" maghanda ka na... Para sa kanila."
" Okidoki!" bumalik ito sa kusina.
" Cecil si Brielle pala? Dadalawin sana namin siya... ok na ba pakiramdam niya?" Drake
" Ah... si Belle? Nasa kwarto niya... Sandali tatawagin ko lang... Umupo muna kayo"
Umupo naman kami.
" Hindi ba awkward na dumalaw, puro sila babae dito.. nakakahiya."
" eto naman parang di sanay... Bibisita nga tayo." George
Sakto namang lumabas ang dalawa mula sa isang kwarto.
Napatayo ako ng makita ko sa kauna unahan ang mukha ng babaeng ito.
Parang nag slow motion ang paghawi ng kanyang buhok.
Ang ganda niya..
" Belle, sina George pala binibisita ka. " Miss Pisngi
" magandang Umaga sainyo." bati niya saamin.
Nakaputing bestida ito na hanggang tuhod. Kitang kita ang mukha nito. Hindi kagaya sa school na halos nakayuko lang ito.
" Maupo kayo... sandali kukunin ko lang yung meryenda. "
Nakatayo lang ito at nakatingin sa baba.
" Brielle.... kumusta na pakiramdam ko?" George
" Belle nalang ang itawag mo saakin George... Ok naman na ako."
" Ah B-Belle para sayo pala ito.." inabot ni Drake ang bulaklak na kanina pa niyang hawak.
" Salamat sayo..."
" may pasalubong pala kami sainyo... mga pagkain. " George
" Naku nag abala pa kayo... pero Salamat na din. "ngumiti ito.
Lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Kakaiba nga ang ganda niya. Parang nakita ko na ito. Hindi ko lang alam kung saan.
" Heto na ang meryenda... "
Turon at Softdrink ang pinameryenda nila sa amin.
Belle pov
Nagulat ako ng sabihin may bisita kami. Paglabas namin ni Cecillia, sina Drake, George at Axel ang nasa sala. Pinakilala din namin sila kay Kristine.
Nagmemeryenda kami ng tanungin ako ni Drake.
" Belle pwede ka ba naming imbitahan sa birthday ko."
Nagkatinginan naman kami ni Cecillia.
" Kailan naman?" si Cecillia na ang nagtanong.
" Sa susunod sabado, mga 6 pm ang simula ng party."
" Naku pasensya ka na Drake... ang totoo niyan ay hindi kami pwedeng lumabas ng gabi. Lalo noong naligaw si Belle..."
" Bakit naman?" George
" Kasi---kasi pinagbabawal saamin ng magulang namin na hindi kami pwedeng lumabas ng gabi. "
Nakita kong kumunot noo si Axel.
" ganun ba? Kahit saglit lang kayo?... kahit isang oras lang... please! " pagmamakaawa ni Drake.
" pero kasi----"
Pinutol ko ang sasabihin ni Cecillia.
" sige pupunta kami pero hanggang alas siyete lang kami ok lang ba?"
" Talaga?... sige ayos lang... Papasundo ko kayo kay George.. "
" Wow hanep ah... " George
" Sus...susunduin mo din naman talaga sila kahit di ko sabihin... diba Cecil?" pabirong sabi nito.
Nakita kong namula si Cecillia at George.
Sabi ko na nga ba eh.
" hoy Axel, kasama ka ba namin? " George
" what?!" sumbat niya.
Ang Sungit talaga.
" Belle gusto mong mamasyal? " Drake
" Bakit? "
" Yayayain sana namin kayong tatlo mamasyal sa bagong Flower Garden sa Tagaytay..."
" Kailan naman?" Cecillia
" bukas sana... susunduin namin kayo ng maaga para makauwi din tayo ng hapon." George
Mukhang walang ideya si Axel sa pinagsasabi ng kanyang mga kaibigan.
" Flower Garden?? " sabay pa naming tatlo.
" OMG!.... Game ako! " masayang sabi ni Kristine
" Pero promise niyo hapon uuwi na tayo ha... " Cecillia
" Promise!... " George
Hindi ako nakaimik ng sulyapan ko si Axel. Nakatingin lang ito saakin.
Yumuko ako sa pagkakahiya. Hindi ako sanay na tinititigan ako.
" Gusto niyo dito nalang kayo mananghalian. May native kaming manok galing sa Probinsya, pinadala ng mga magulang namin." Cecillia
" Talaga ipagluluto niyo kami?" George.
" Oo naman..."
" Tulungan na namin kayo..." alok ni Drake at George.
Sumama sila sa kusina. Napanganga sila ng may makitang manok na nakatali.
" Ah Cecil... buhay pa ang manok! " George.
"Ah Oo naman... kakatayin ko na sana ng dumating kayo..." Cecillia
Natawa naman ako sa reaction nilang tatlo. Parang first time nilang makakit ang manok.
" Ah Cecil tulungan na kita dyan sa manok!"
Lalo akong natawa ng gumalaw ang manok. Napatili ang tatlo na halos napayakap si Drake kay Kristine..
" ahhh!" tili ng tatlo
" Aray!" daing ni Kristine sa pagyakap ni Drake.
Napahawak saakin si Axel sa braso na agad din tinanggal ng magkatinginan kami.
Si George naman napaatras ito sa takot.
" Hahaha grabe kayo... ngayon lang kayo makakita ng manok na buhay?" Cecillia
" ahaha.. hindi naman, mostly kasi saamin patay na ang manok..." George
" Ganito nalang... Belle samahan mo nalang akong katayin itong manok, kayong tatlo mag saing kayo at ihanda niyo itong isasahog sa ulam natin. Si Kristine na bahala sa inyo..."
Binitbit ni Cecillia ang manok. Ako naman kinuha ko ang pinainit na tubig at ang itak.
" be careful ! " napalingon ako kay Axel ng hawakan ko ang itak.
Napatigil naman ang tatlo sa nasabi ni Axel.
" M-matalim yang itak..." dagdga niya.
" alam ko..." sumbat ko. Tinungo namin ni Cecillia ang lababo para katayin ang manok.
Tinuruan ni Kristine mag saing si Drake. Kanina pa. Sila nagbabangayan dahil mali mali itong si Drake. Si George at Axel naman naghihiwa ng sibuyas at sayote para sa tinola.
Sanay kami sa ganitong pagkatay ng manok. Hindi naman kami ganun kaarte. Sinanay din ako nila Inay na kayanin mamuhay na mag isa na hindi kinakailangan ang lalaki para magawa ang isang trabaho. Ang trabaho ng lalaki ay nakakaya na ngayon ng babae.
Nahiwa na namin ni Cecillia ang manok.
" Isasahog ba natin ito lahat?" tanong ko.
" Oo, baka kasi kapag hinati natin kulang saatin."
Sabagay amin kaming kakain. Balak pa man din na hatiin lang namin para may maulam kami bukas.
" Marami namang gulay na pinadala nila saatin... kaya ok lang. Ngayon lang tayo nagkabisita.... mga pogi pa. " natawa nalang ako kay Cecillia. Alam kong crsuh niya si George.
" isalang mo na ang kaserola kristine.... tapos na kami dito.. Lagyan mo na ng mantika.." utos nito kay Kristine
" Ako na magluluto Belle... kunin mo nalang mga isasahog."
Lumapit ako sa mesa para kunin ang mga sahog.
Nagulat nalang ako ng nasa tabi ko si Axel. Kumakabog ang dibdib ko sa paglapit ng mukha niya saakin.
Napapaliyad ako ng hahawakan niya ang mukha ko. Napakipit ako....
" May feather ka sa buhok.. "
Napadilat ako ng ipakita niya ang balahibo ng manok.
" ah s-salamat..." halos mautal na ako.
Agad kong kinuha ang bawang sibuyas at luya.
" nangyari sayo... para kang tumakbo sa kalawakan..." puna saakin ni Cecillia
" w-wala... ito na yung bawang, sibuyas at luya..."
" huhugas ko lang yung ginamit natin.. "
Kinuha ko ang itak at chopping board. Naghuhugas ako ng masagid ko ang talim ng itak. Tumulo ang dugo mula sa aking daliri.
Isang kamay ang humatak sa akin at kinuha ang daliri ko at sinubo niya ito.
Laking gulat ko sa ginawa ni Axel. Hindi pwedeng matikman niya ang dugo ko..
" Huwag!" paghatak ko sa kamay ko.
Nasa labi na niya ang dugo ko.
Hindi pwede...
Agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko. Kinandado ko ito.
Anong gagawin ko?
Maaalala niya ang nangyari sa talon...