Chapter 8

2133 Words
Belle pov Araw ng biyernes " Bell wag kang yumuko para makita mo ang dinadaanan mo. Mamaya mangyari na naman yung nangyari saatin kahapon." " Cecil,..paano ko ipapaliwanag sa kanila yung nangyari saakin?" " Kayo dyan... anong pinagbubulungan niyo? Baka gusto niyo naman akong isali. " singit ni Kristine " Bakit andito ka pa?.. late ka na sa klase mo! " sigaw niya sa pinsan niya. " tsk... whatever pinsan... bye bye!... tabatchoy! " sabay takbo papalayo saamin. " kainis yun...! " Magsasalita pa sana ako ng biglang nasa harapan namin yung tatlo. Si George, Drake at Axel. " Belle, kumusta ang pakiramdam mo? Ok ka na ba?" George " O-Oo, Salamat pala kahapon. " " Wala yun, nagtataka lang kami bakit naligaw ka kahapon? " Kinurot ako ni Cecil, " Ito kasing pinsan ko, akala niya ay sumakay na ako... kaya sumakay siya sa isang Van na---na namamasada. " Ano bang palusot nito? Hindi man lang niya ako sinabihan. " Bago lang kayo dito hindi ba? " Drake " First time lang namin dito sa Manila... laking Probinsya kasi kami....ibang iba sa amin. " Cecil Nasa tabi lang niya ako, at nakikinig sa kanila. " Mahiyain ka Belle? Don't worry hindi naman kami masasama eh. " Drake " Pasensya na, wala kasing lalaki sa bahay namin na siyang kinalakihan ko. Kaya hindi ako sanay" " Tara na guys...." yaya ni Axel sa kasama niya. " Bye girls... See you around." Drake " Cecil... binigay ko naman number ko sayo hindi ba? Tumawag ka lang kung may problema." George Si George ang pinakamabait sa kanila ayon kay Cecillia. Siya nga daw ang nag insist na hanapin ako kahapon. Pumasok kami sa Room na parang wala lang. Nakahinga ako ng maluwag. Nagtataka kami dahil 10 minutes na wala pa ang titser namin sa Philosophy. " Did you hear the news girls...may natagpuan daw na mga statue na tao sa old warehouse malapit sa Trinoma Mall. Tatlo daw sila... hindi malaman kung tao or statue talaga sila." Yvette ang isa sa mga classmate namin. " Statue?.. ano yun? Naging bato ng makita si Medusa?.. nagpapaniwala ka sa mga news... " Lilibeth " Fake news yan girl... para may ma scoop lang sila. " Tina Nagkatinginan kami ni Cecillia. Pumasok si Sir Tolentino. " Sorry class, nalate ako. May kinausap kasi akong pulis regarding sa nangyari sa tatlong lalaki na statue. " Kumabog ang dibdib ko. " Why Sir? totoo talaga yung news kanina? " Bea " Hindi namin alam... may sasakyan kasi sa labas ng warehouse....ayon sa imbestigasyon. Meron isang fingerprint na nakuha sa sasakyan. " " Sir... studyante ba ang nakuhanan ng fingerprint?" Joshua Bumulong saakin si Cecillia. " Kailangan kong lumabas Belle para sundan yung may hawak ng fingerprint mo... " Tinaas ni Cecillia ang kamay nito. " Sir... Excuse po.. Sasamahan ko lang po si Brielle sa clinic...masakit po ang ulo niya. " Nagulat ako dahil akala ko siya lang ang lalabas. " Ok... faster.. magsisimula na tayo ng lesson. Guys! Sit properly....continue na natin ang lesson last Weds. " Nag excuse nga kami... hinanap namin ang embestigador ng may hawak ng ebidensya. Patakbo kaming naghahanap ng makita namin na papasok ang isang lalaki na may hawak na envelop. " Cecil mukhang yun yung fingerprint ko."turo ko sa lalaki. Nagtago kami sa may puno. Mabuti nalang at nasa parking lot ito at walang masyadong tao. " Akong bahala... kailangan kong gawing tinapay ang envelop...pero kailangan natin puntahan yung sasakyan Belle...nandoon pa din ang fingerprint mo." " Mamayang gabi...samahan mo akong puntahan yun.. pero kailangan mo ng gawin ang dapat... Dalian mo!" Kinumpas ni Cecillia ang kanyang kamay tsaka ito pumikit. " Allala la kavoom! " sa kanyang pagkumpas. Nagtagumpay ito. Ngunit hindi namin nakita kung nagbago ang hawak ng lalaki. " Nagawa kaya? " " Oo... magugulat nalang ito mamaya katabi niya ang isang malaking tinapay hahaha ang galing ko!" Nag apir pa kami tsaka bumalik sa klase. Lunch break na ng planuhin namin ni Cecillia kung paano namin maaalis ang fingerprint ko sa sasakyan. Pero ang tanong, nasaan ang sasakyan. Kumakain kami ngunit pinag uusapan pa din namin ang gagawin. " Ang tangek natin... sana pala sinundan natin yung embestigador kanina..." " Pero papaano natin siya susundan?" Napanguso ito at tinuro si George na papalapit saamin. " Hi Cecil, Hi Brielle....." Bakit kaya parati siyang lumalapit saamin? " Ah President... pwede bang humingi ng pabor...? " napalingon ako sa kaharap kong si Cecillia. " Sure ano yun? " umupo ito sa tabi ni Cecillia " Kasi ano--- Kasi dadalawin ko sana yung pinsan ko sa Presinto. Ang kaso hindi namin alam papunta doon. Pwede bang magpabatid doon? Sabi kasi niya nakadestino ito... dadalawin lang sana namin." Ano bang kalokohang sinasabi niya? " Sure... Anong oras ba? " Pumayag siya? " Ngayon na sana.... kasi pag gabi hindi na namin alam pauwi..." " Ok...let's go.... teka hindi naman kayo mag aabsent diba?. " Umiling kaming pareho " Ok good... sasamahan ko na kayo.. " tumayo na ito at tinungo papuntang parking lot. Tumayo kami ni Cecillia. " Sinong pinsan na sinasabi mo?" " may Pinsan akong pulis....dito din sa Manila nakadestino...wala naman akong kontak sa kanya. Pero sabi kapag nagawi daw ako dito ay puntahan lang daw niya ako." " akala ko gawa gawa mo lang... Kinabahan tuloy ako.. " RELAKS!... Ako lang ito.. Hahaha tara na nga...." Sumakay kami sa kotse ni George. Si Cecillia ang nasa harap. " President salamat ha, parati mo nalang kami tinutulungan." Cecillia Maganda si Cecillia kung tutuusin. Hindi naman ito mataba., malaman lang talaga ang pisngi niya at sakto lang ang katawan. Hindi naman totoong parang baboy siya na siyang tinutukso sa kanya. Karamihan na kasi ngayon ay slim ang katawan. Kung tutuusin ay pareho lang kami ng sukat ng bewang, hindi lang kasi siya sanay mag maong ng hapit na hapit sa legs. Tinigna ko si George na pasimpleng sinusulyapan si Cecillia. May gusto kaya ito kay Cecillia? " Walang yun Cecil...sabi niyo nga ay ngayon palang kayo nakapunta dito sa Manila. Kaya need niyo ng guide." tsaka ngumiti ito. " Napakabuti mo talaga President... Sana lahat ay kagaya mo." " Hindi lahat ng tao dito ay mababait, hindi ko din masasabing maraming din masasama. Kaya mag ingat kayo. Puro babae pa man din kayo sa apartment niyo. " " kaya naman namin President...." " George nalang Cecil.... President ka ng President dyan..." " Nakakahiya kasi na tawagin kitang na George lang... baka sugurin kami ng mga nagkakagusto sa inyo sa school.. " Tumawa naman si George kaya nakitawa na din ako. " Hindi ako ang crush ng campus kundi si Axel. Kaya tawagin niyo nalang akong George... pwede ba yun? " " Sige na nga... Mapilit ka eh" Cecillia Napalingon naman saakin si George. " Sige George..." " Good to hear.... oh nandito na tayo..." " Ah ano... George ok lang ba na hintayin mo nalang kami dito... tatanungin lang namin kung dito siya nakadestino... Saglit lang naman." " OK... Sure." Lumabas kamiat tumungo sa loob. Si Cecillia ang nakikiusap sa mga pulis. " Sir... pwede pong magtanong? Dito po ba nakadestino si Spo3 Huges Morales? " " Ah Oo...ngunit may operation sila... bumalik nalang kayo mamaya. " " Sir pwede magbigay ng note sa kaya. Pinsan po niya ako sa Probinsya namin." Cecillia Tumango naman ang pulis. Iniwan niya ang number nito. Napatingin ako sa side. Nakita ko ang tatlong lalaking naging bato. Tinapik ko siya at tinuro ang mga statue. " halika lapitan natin... " Dahan dahan kaming lumalapit sa mga naging bato. " Mariano, anong nangyari sa mga fingerprint? Bakit nagkaganito? Ako ba niloloko mo?" sigaw ng isang pulis sa isang lalaki. Yung lalaki na nangggaling sa school. " Chief, hindi ko alam kung paano naging tinapay yan. Pinatong ko lang sa tabi ko.. Paglingon ko ay ganyan na ang nakita ko.." " DON'T GIVE ME THAT STUPID ANSWER!... Ipakuha mo ulit ang fingerprint sa sasakyan... kailangan natin yun agad bukas ng umaga,...!" " Sorry Chief...." lupaypay ang balikat ng lalaki. " Cecil mukhang nasa Bodega pa ang sasakyan... puntahan kaya natin ngayon" " Pero papaano?" Hindi ko alam ang gagawin namin. " Cecil...magpapahatid ako kay George. Sasabihin kong hindi maganda ang pakiramdam ko. Pag alis niyo ay pupuntahan ko ang bodega." " Ano?!" Hinatak ko palabas ito. " Pupunta ka mag isa? Baka mapapaano ka? " " Cecil kaya ko... natatandaan ko naman pauwi.. kung maaga ko man magawa ay papasok ako mamaya... Sige na Cecil. " " Sige... sasabihin ko kay George. " Pagbalik namin. Sinabi nga niya na hindi maganda ang pakiramdam ko. Naniwala naman ito. Ang katunayan ay dumaan pa ito sa isang drug store para bilhan ako ng gamot. " Brielle, sure ka na kaya mong mag isa dito?" George " Oo George.... kaya ko. Magpapahinga lang naman ako. Siguro ay dahil kagabi" " Ok... kung may mangyari ay tawagan mo kami ni Cecil.." " Pinsan... magpahinga ka ha... Wag ka ng papasok kung hindi mo pa kaya.." " Wag ka ng pumasok Brielle... magsusubmit nalang ako ng excuse letter mo sa mga tistser mo mamaya..." " maraming salamat George... "ngumiti ako. " Ok... aalis na kami malapit ng time. " Pag alis ng dalawa. Nagbihis ako, ngajacket na may hood. Nagfacemask na din ako para walang makakakilala saakin. Kinuha ko ang folded Bow ko at kumuha ng 3 arrow baka sakaling magkapalpak mamaya. Nilagay ko sa bag ko ang pana. Mabilis kong nakabisado ang daan. Bodega. Nakita kong kararating lang ng lalaki sa bodega. May kasama itong kumukuha ng fingerprint. Mga Soco ito. Nagtago ako sa malaking Drum. " Papaano ako makakalapit?" tanong ko sa aking sarili. Mukhang bantay nila ang saskayan. Binuksan ko ang bag ko, at nilabas ang pana. Nilagyan ko ng langis ang dulo ng palaso. At sinindihan ito. " Patawad ngunit kailangan kong gawin ito...." Inasinta ko ito kung saan nakatapat ang lagayan ng gasolina ng sasakyan . Nasa sasakyan ang dalawa na nag uusap, ang sasakyan ng lalaki kanina. Aakmang bababa ang dalawa mula sa kanyang sasakyan ng tinarget ko ang sasakyan. Sumabog ito bigla sa aking pagtama. Hindi naman nasaktan ang dalawa, ngunit nakaalarma ata sila na may nagpasabog kaya agad kong binalik ang pana sa aking bag. At umalis sa lugar na yun. Sa pagsakay ko ng jeep. Pinagpapawisan ako. Ngayon ko lang ginawa ang ganung bagay. Pinagbabawal ang ganun gawain sa aming lahi. Ngunit hindi pwedeng mabunyag ang lihim ko. Pagdating ko sa bahay. Tinext ko si Cecillia na nagawa ko na. Alas dos palang naman kaya nagpalit ako ng pambahay. Tumawag naman si Inay para kamustahin ako. Mukhang naka amoy sila sa nangyari sa akin. " Inay..." Brianna: anak, napanood namin sa balita.. Napapikit ako, anong sasabihin ko? " Inay... patawad!. may tatlong lalaking dumukot saakin kahapon,hindi ko sila kilala... nay maniwala kayo saakin. Naabutan kasi ako ng oras kaya nangyari iyon... " Brianna : Anak, sinaktan ka ba nila? " hindi Inay...hindi ko lang kasi mawari bakit nila ako dinukot.. Brianna : Ano ang ginawa niyo? " Inay...ginawan po namin ng paraan para hindi nila ako makilala... kanina ay nakuha nila ang fingerprint ko sa sasakyan na ginamit sa pagdukot sa akin. Gumawa ng paraan si Cecil ngunit kailangan kong gawiniyon para hindi nila makuha muli.." Brianna : ano ang iyong ginawa Belle? " Inay..... Pinana ko ang sasakayan upang sumabog... Wala namang nasaktan Inay... patawad po" Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Inay. Brianna : Belle... mag iingat ka ha. Malayo ako sayo. Hindi kita maprotektahan. " Inay kaya ko na po ang sarili ko. Nandito naman si Cecil... tsaka gusto kong makapagrapos Inay sana ay hindi mo hahadlangan..." Brianna : hindi anak... alam ko na pangarap mong makapagtapos. Gaya ng ibabg bata. Hindi kita pipigilan. Pero kung kailangan niyo ng tulong ay tumawag ka lang saakin... nandito lang ako para sayo anak.. " salamat Inay...magpapahinga na po ako. Ikamusta niyo nalang po ako kina Lola..." Brianna : makakarating.... sa iyong kaarawan ay makakasama na ang mga lolo at tiyuhin mo. " Talaga Inay?...excited na po ako... hindi man lang ako nakapag paalam noon sa kanila. Kung kelan pwede ko na silang makita " Brianna : hindi na din sila mapirmi para makita ka anak... Luluwas kami sa iyong kaarawan. Sige na anak mag pahinga ka na... magsisimula na din ang klase ko. " Sige po Inay..... Natutuwa ako dahil sa wakas ay makikita ko na sila. Hindi na puro boses ang naririnig ko sa kanila. Magig kay Lolo ay excited na din ako... si lolo ang gumawa ng akong pana... siya ang isa sa mga mahusay sa aming lahi ang paggawa ng palaso at pana. Isang text ni Cecil ang nagpakaba saakin -Belle, tauhan ni Kianna yung nagdukot sayo. Siya ang salarin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD