Chapter 7

1480 Words
Axel pov " Not again Kianna... lahat nalang ng bago ay sinaksatan mo!." inawat ko siya bago pa niya dagdagan ang sampal sa kaaway niya. " Get off me!... this you see what did she do to me?" Tinignan ko ang babae. Yung babaeng parating nakayuko. " enough Kianna! Kapag hindi ka pa tumigil sasabihin ko sa daddy mo ang mga pinaggagawa mo dito." Natahimik naman ito. Kinuha niya ang bag tsaka umalis. Binangga pa niya ang babae. Aakmang lalapitan ko ng lapitan agad ni Drake ang babae para bigyan ng panyo. " Brielle are you ok? Anong masakit sayo? " Brielle??? " Ok lang ako...kasalanan ko naman bakit siya nagalit... Napalakas ata pagtulak ko sa kanya." " ano bang nangyari at bakit umabot kayo sa ganito?" Pinapanood ko lang sila ng magsalita ang katabi ko. " Kapag nakita ang totoong ganda ni Brielle... lalong pag iinitan siya ni Kianna.. " nalilito man ako ay napatingin ako sa babae. Ano bang ganda ang meron siya na tinutukoy ni George? " kaya ko ang sarili ko George, salamat sa pag-aalala. Cecil tara na. " Papalayo sila ng harapin ako ni George. " Bakit ka concern sa kanya? " tanong ko " Kakaiba kasi si Brielle.... minsan ko lang nakita ang mukha niya hindi pa gaano. Pero si Drake nakita niya. Maganda si Brielle... kakaiba daw ang ganda niya. " " Ano ba maaasahan mo kay Drake...lahat naman ay ganyan ang sinasabi niya kapag tipo nito." " Tara na nga.... " yaya niya. Belle pov " Belle masakit pa ba yung pisngi mo? Namumula pa ito eh. " " hindi na masakit... ok na ako Cecil.. " Dumating na ang titser namin. Hindi pa din nawala sa isip ko ang nangyari kanina. Uminit ang aking mga mata kanina habang sinasampal ako ni Kianna. " Miss Hidalgo.... " Kailangan ko siyang iwasan. Nagiging bato ang isang tao kapag nararamdaman ng akong mata na may pagtatangka saakin buhay. Siniko ako ni Cecillia kaya bumalik ako sa aking diwa. " tawag ka ni Sir..." bulong niya saakin. " Miss Hidalgo... kanina pa kita tinatawag mukhang busy ka sa pagpapantasya dyan.... Stand up and answer my question.." Tumayo naman ako. " if the Words muscle comes from a Latin words Musculus.... then what is the meaning of Musculus ?" "Little Mouse po sir..." " ok very good.... You may seat down.." " what is the largest gland in human body?" tanong niya ulit. Nagtawag ito ngunit walang tumama kaya tinaas ko ang kamay ko. " Yes Miss Hidalgo..." " Liver po Sir..." " Very good.... hello guys iisa lang ba studyante ko?... ok Magbibigay ako ng Assignment sainyo.. " Kinopya namin ang sinusulat niya sa pisara. " Belle, sabi ng kaklase natin absent daw si Sir Ocampo... gusto mo tirintasin ko buhok mo? Nasa harapan na naman kasi... Natatakot ka pa din ba? " Cecillia " parang ganun na nga... kasi kanina akala ko magiging tao na si Kianna. Kaya hindi ako lumaban..." " May babae ka na bang nabiktima?" Tumango ako. Napasinghal lang ito. " bili tayo meryenda... may isaw daw sa labas ng gate.. Masarap daw." Gaya nga ng sinabi ni Cecillia ay masarap nga ang isaw. Nakailang stick na kami ng may biglang tumabi saakin. Siya na naman.. " Manong Edgar... Lima po.. " sabi niya sabay abot ang bayad niya. Napansin ata niyang tinitignan ko ito kaya nilingon niya ako. Napatingin siya saakin. " Halika na Belle..." mabuti nalang at hinatak ako ni Cecillia. " save by the bell..." sabi ko. Hindi naman narinig ni Cecilla. Uwian na ng magpaalam saglit si Cecillia iihi. Alas 7:00 palang kaya Makakaya pa ang oras pauwi. Isang sasakyan na itim biglang huminto sa akin at agad nila akong hinatak papasok ng sasakyan. " Belle! " rinig kong sigaw ni Cecillia. " sino kayo? Anong kailangan niyo saakin?" natatakot kong tanong. Nakamaskara ang kanilang mukha. " Manahimik ka dyan...!" sabi ng lalakong katabi ko. Tinalian nila ako at tinakpan ang aking bibig Dinala nila ako sa isang lumang gusali. " Manong ano na pong oras...? " tanong ko hindi ko kasi makita ang relo ko dahil nakatali ang aking mga kamay palikod. " mag aalas otso na bakit ba?" Hindi pwede ito. Makakapagbiktima ako dito. " maawa na po kayo sa akin... wala naman po akong atraso sa inyo... pakawalan niyo na po ako." " Ano kami bale!... may bayad ang pagkidnap namin sayo..---" naputol ang sasabihin niya ng may sumingit na kanya. " ok na daw... pahirapin na daw natin siya... Hahaha" Napatingin ako sa lalaking may hawak hawak na kahoy. Dyos ko po! " pakawalan niyo....mas masarap saktan ang babae kapag lumalaban.." sabi pa ng isa. Nang makalagan naman niya ako ay agad ko siyang tinulak ng malakas. " yan ang gusto ko sa babae eh... palaban...!" Aakmang hahampasin niya ako ng tinadyakan ko siya sa tiyan. Natutuo ako ng self defense sa bundok. Pero hindi ko alam kung kaya ng pwersa ko ang lakas nila. Sinakal ako ng isa. " tanggalin mo ang butones niya....pahihirapan ka namin Miss hahaha" Napatingin ako saglit sa aking relo. Alas otso na... Nag init ang aking mata kaya pumikit ako. Tatanggalin na sana niya ang butones ko ng dumilat ako at saktong tinignan niya ako. Wala lang limang segundo ay naging bato ito. Kaya nabitawan ako ng sumasakal sa akin. " A-anong klaseng nilalang ka?." paatras na siya. Inayos ko ang buhok ko upang makita niya. Napamulagat siya ng makita ako sabay na naging bato ito. Ang hindi ko inaasahan ay ang ikatlong kasama nila. Hinampas niya ako sa likod ng kamoy kaya napaupo ako sa sakit. Sinabunutan niya ako at hinila patayo. Hinawakan ko ang kamay niya na sumasabunot saakin at pinilit tinatanggal. Siniko ko siya pataas sa kanyang leeg. Sa kanyang pagkabitaw sa akin. Siya naman pagharap ko sa kanya. At siya'y naging bato. Nanghihina akong lumabas ng gusali. At nakit ang sasakyan nila. Kinuha ko ang bag ko sa loob. Tinawagan si Cecillia. " C-cecil tulungan mo ako" Cecillia : Jusme! Belle saan ka ba? Kanina pa ako natataranta ng makita kang tinangay kanina...kasama ko sina George. " Kailangan mo akong sunduin dito Cecillia... hindi ko alam kung nasaan ako..." Cecillia: Paano ba yan... Maging ako ay wala akong alam sa lugar dito... Teka at magpapatulong ako. Naririnig kong may kausap siya. Cecillia : Belle andyan ka pa? Pumunta ka daw sa pinaka highway ng lugar... tumingin ka sa mga karatulang pwedeng pagkitaan sayo. At pupuntahan ka namin. Habang daldal ng daldal si Cecillia, pilit kong iniinda ang likod ko. Nahihilo ako ngunit kailangan kong makalayo. Naiiyak na ako sa kalagayan ko. Nakarating din ako sa main high way. Cecillia : Nasaan ka na? " Hindi ko alam dito pero may sa kaliwa ko may nakikita akong Trinoma ang nakasulat." Cecillia : May nakikita daw siyang Trinoma... Belle dyan ka lang wag ka ng maglalakad. Pupuntahan ka namin. Kinakabahan din ako sa kasama ni Cecillia. Ayoko ng may mabiktima pa ako. 10minuto na ang nakakalipas naghihina na talaga ako. Nalobat ang phone ko kaya mas lalo akong natakot. Isang ilaw ng sasakyan ang nakita ko. Si George ang una kong naaninagan kasabay niya si Cecillia. " Brielle.." " Belle...." Tumayo ako ng biglang umikot ang paningin ko. Hindi ko namalayan na patumba na ako. Isang bisig ang sumalo sa katawan ko. Hindi ko nakita kung sino.... Nagising ako ng makita sa tabi ko si Cecillia. " Belle... Kumusta pakiramdam mo? Tinakot mo ako kanina... buti nalang nakita ako nila President....." Pinilit kong bumangon. " Cecil... yung dumakip saakin...nabiktima ko sila. Hindi ko sinasadya..." nanginginig kong sabi sa kanya. " Buti nalang sa kanila masasama silang tao... kung ako nakasama ay ginawa ko silang palaka. " Biglang pumasok si Kristine. " Belle... gising ka na pala. Sakto nakaluto na ako. Ano bang nangyari sayo kanina pagdating niyo buhat buhat ka ni Oppa Axel.. " derektang sabi ni Kristine Nagulat ako ng banggitin niya ang pangalang Axel. " A-Axel?" Tinignan ko si Cecillia. " Kasi Belle...magkasama sila ni President kanina...humingi ako ng tulong sa kanila... Mabuti nalang nawalan ka ng malay" Alam ko na ang ibig niyang sabihin. " Naks.... Lakas maka F4 Belle ha..." " Lumabas ka na nga...at aalalalayan ko na si Belle...." pagtataboy niya ito " Siya ang sumalo sa akin kanina?" " Oo... Ang bilis nga niya... kung hindi ka niya nasalo... bumagok ang ulo mo." Hinawakan ko ang dibdib ko. Kaya pala kanina para akong binubuhat na sa kalawakan. Para akong nakangiti habang binubuhat. " Teka Cecil... Hindi naman ako nakangiti kaninang binuhat niya diba? " " Hindi naman bakit? " Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. " Wala..." " uy..! May something ata ah..." Inirapan ko ito. " Kumain na tayo ng bumalik ang lakas mo.." Iniisip ko kung paano ako magpapasalamat bukas sa kanila.... Lalo na sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD