ZINN POV
"Ahm guy's my friends call me earlier, gusto nila d'on ako mag-lunch, but I ask them kung puwede ko kayong isama. Puwede naman daw and they prepare a lunch for us." Sabi ko sa kanila pagkatapos ng klase. Lunch break na din at maaga kaming pinalabas dahil may meeting ang mga teacher's.
"Ayy, bet ko yan sis 'di na ako gagastos for lunch. Ano nang hinihintay natin,, let's go!" sabi ni Trisha na na unang lumabas.
"Harris kasama ka." Sabi ko kay Harris na nag-aayos ng gamit niya.
"Sure we will use my car, let's go." Sabi naman niya. Lumabas na kami ng classroom at naglakad papuntang parking lot.
"Zinn!"Sabay kaming napatigil sa paglalakad at napalingon sa tumawag sa akin. Ang grupo na naman nila Ash at syempre kasama siya doon. Inakbayan kaagad ako ni Harris at pinisil niya ang balikat ko. Palapit sila sa amin at kapwa mga seryoso.
"What do you want?" Tanong niya
"Hindi ikaw ang kailangan ko, si Zinn. Puwede ko ba siyang makausap?" Sabi nito at tiningnan ako.
"Ano na naman Ash, hindi ba sabi ko sa'yo ayaw kitang makausap at wala tayong pag-uusapan. Mahirap bang intindihin 'yon?" Tanong ko sa kaniya.
"Zinn, kahit saglit lang please," pakiusap niya. Tiningnan ko ang mga kaibigan ko at si Harris bago siya sinagot .
"I'm sorry, pero may pupuntahan kami. Puwede bang sa susunod na lang?" Tanong ko. Huminga siya ng malalim at tumingin sa akin.
"Okay, mamayang hapon and make sure na darating ka. Magkita tayo sa tambayan namin." Sabi niya at umalis na sila. Bigla akong kinabahan at parang nagsisisi sa sinabi ko.
"Sige, pupunta ako." Sagot ko. Tumango siya at tumalikod na kami para umalis
"Why did you say yes?" Tanong ni Harris. Hindi ko din alam kung bakit ako pumayag.
"Teka sino ba iyong mga 'yon?" Tanong ni Megan.
"Oo nga at bakit gusto kang makausap no'ng Ash?" Tanong naman ni Trisha.
"Ahm e-ex ko si Ash. I try to avoid him, pero binabantayan niya yata ang mga kilos ko. Lalo na at dito din sila pumapasok." Sabi ko .
"Ows, naku mahirap yan sis tapos makipagkita ka pa mamaya paano kung may gagawin 'yong masama sa'yo? I can see in his eyes na may pinaplano siya, tingin ko lang ha. I'm not sure." sabi ni Megan.
"Let's talk about that later. Let's go baka 'di tayo maka abot sa klase mamaya." Sabi ni Harris. Sumakay na kami ng kotse at nagtungo na sa bahay nila Wendy. Pagdating namin sa entrance ng gate bumaba ako at kinausap ko 'yong guard. Buti na lang kilala na nila ako dito.
"Let's go." Sabi ko pagpasok ko sa kotse.
"Saan 'yong house ng friend mo sis?" Tanong ni Trisha.
"Liko sa kanan." Sabi ko. Iniliko naman ni Harris.
"Black na gate," dugtong ko. Nakarating na rin kami at nagbabaan na sa kotse. Kinuha ko 'yong duplicate key ko at binuksan ko ang gate.
"Tara pasok kayo." Sabi ko sa kanila.
"Sis ilan ang nakatira dito? Ang laki ng bahay ah," tanong ni Megan. Napangiti naman ako sa dahil hindi nila alam na amin talaga 'tong bahay na magkakaibigan.
"Actually, dito din ako nakatira dati. No'ng sa St. Benedict pa ako nag aaral, every saturday lang ako umuuwi sa parents ko." Sabi ko sa kanila. Binuksan ko na 'yong main door at mas namangha pa sila.
"Wow, ang laki at ang aliwalas ang gandaa! Omg, mansyon ba 'to?" Tanong ni Trisha. Mangha silang napatingin sa loob at nilibot ng kanilang ang buong silid.
"You're finaly here," sabi ni Wendy na galing kusina. Lumapit naman ako sa kaniya at yumakap.
"Hey buds, where is Audrey and Ella?" Tanong ko.
"Nandito kami, sugod!" Sigaw ng dalawa at patakbong lumapit sa akin. Nagkasundo na naman ang mga utak nito. Pero masaya ako dahil magaling na si Audrey. Niyakap ko sila pareho at hinagod ang kanilang likod.
"I miss you, mukha mo budss ang weird." Natatawang sabi ni Ella.
"Ayyy, may kasama ka pala. Wew, they are pretty like me, and handsome." Sabi ni Audrey. Nilapitan ko sila Megan na medyo lumayo dahil sa dalawa.
"I will introduce you to them. Ahm guy's this is my friend Megan, Trisha and Harris." Pakilala ko sa kanila.
"This is Wendy, Ella and Audrey, my friends too." Pagpakilala ko din sa kanila.
"Welcome to our humble and cozy house, let's eat," sabi ni Audrey. Nagtungo kaming lahat sa kusina at sumalubong sa amin ang masasarap at mabangong ulam. Pinaghandaan talaga nila ang lunch na 'to, espesyal ang mga naka hain.
"Wow ang daming foods, and mukhang masasarap pa." Natutuwang sabi ni Trisha.
"True 'yan master chef namin dito si Wendy." Sabi ni Ella.
Nilingon ko si Harris na kanina pa walang imik.
"Are you okay?" Tanong ko.
"Yeah I'm fine." Aagot niya.
"Kain na tayo baka ma-late kayo." Sabi ni Wendy. Nagsimula na kaming kumain at nagkwentuhan.
"So you mean, doon na nag-aral si Ash ngayon sa school na pinapasukan mo?" Tanong ni Wendy. Tumango naman ako bilang sagot.
"Yes, and 'yon nga gusto niya mag-usap kami mamaya doon sa tambayan nila." Sabi ko.
"At pumayag ka naman?" Tanong niya at tumango ako.
"Bakit ka pumayag? You know him, paano kong saktan ka niya?" Pag alalang tanong ni Ella.
"I don't have a choice," sagot ko.
"I will come with you." Singit ni Harris.
"He didn't say na you will go there alone right?" Dugtong niya. Tumango ako bilang sagot.
"It's dangerous for you, Harris. Ash is a gangster leader, marami siyang kasama. Baka anong gawin nila sa'yo. Kami na lang ang sasama kay Zinn, kilala na kami ni Ash. Kaya alam kong hindi nila kami sasaktan." Sabi ni Wendy.
"Kaya pala parang ang weird kanina no'ng Ash, gangster pala 'yon." Sabi ni Trisha.
"Makakausap niyo ba sila ng maayos. You said that it's dangerous, how sure you are na makauwi kayong safe?" Pag-alalang sabi ni Megan.
"I want to come with you. I want to protect Zinn from them." Pagpupumilit ni Harris. Tiningnan ko siya at hinahawakan ko ang kamay.
"Harris listen, they won't hurt me. I promise that, and please makinig ka nalang ayokong may mapahamak ulit. So please, tatawag agad ako kapag maayos 'yong lakad namin." Sabi ko sa kaniya. Huminga siya ng malalim at tumango.
"Okay but, Can we stay here? hinhintayin namin kayo." Sabi niya. Nagtinginan naman kami nila Wendy.
"Sure para mabawasan ang mga pag-alala niyo." Sagot ni Wendy. Pagkatapos naming mag usap ay nagpaalam na kami sa kanila at babalik mamayang hapon pagkatapos ng klase.
After class nag uwian na at kaming tatlo lang ang dumiretso sa bahay nila Wendy. Hindi na nakasama si Trisha dahil pinauwi siya ng maaga.
Kinagabihan naghanda na kaming apat para sa lakad namin.
"Call me if you need help or anything okay." Sabi ni Harris.
"I'm scared and worried, what if may mangyaring masama sa iyo o sa inyo?" Salubong ang kilay niya at may takot sa mga mata.
"We will be okay, trust me babalik kaming maayos at ligtas. Thank you for your concern." Sabi ko sa kaniya. Niyakap niya ako ng mahigpit at niyakap ko din siya.
"Hoyy PDA kayo, respeto sa mga single helloowww!" Saway ni Megan, nagtawanan naman kami lahat dahil sa reaksyon niya.
"Tss, tara na baka umusok na ang ilong ni Ash." Sabi ni Wendy.
Nagpaalam na kami sa kanila at lumabas na ng bahay. Gamit namin ang kotse ni Wendy para mabilis. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa amin doon. Maging maayos ba o hindi, bahala na...
"We're here," sabi ni Wendy. Tumingin ako sa paligid ng lumang rest house. Walang tao sa labas, bumaba na kami at naglakad papasok. Binuksan ko ang pinto at nakita namin sila Trevor.
"Ash, nandito na sila." Sabi ni Trevor.
"Finally, akala ko hindi ka na darating, well I was expecting na mag-isa ka lang sinama mo pala sila." Sabi ni Ash na nasa mga kaibigan ko ang paningin niya.
"Just straight to the point Ash. Ano ba ang gusto mong sabihin?" Tanong ko. Umupo siya sa mesa at kunwari nag iisip.
"Well gusto kong bumalik ka sa akin, that's it. Then lalayo tayo at hindi na ako manggugulo." Sabi niya.
"Tsk, baliw ka na ba? Pagkatapos mong pabayaan ang kaibigan namin sa kamay ng mga kalaban mo gusto mong bumalik si Zinn sayo!?" Galit na sabi ni Wendy.
"Look, hindi ko pinabayaan si Frances. Hinanap ko siya, namin, binigyan nila kami ng address kung saan nila dinala si Frances no'ng araw na iyon pero pagpunta namin wala siya do'n." Sabi niya.
"Kasi tanga ka! Naniwala ka kaagad. Ikaw ang nakakaalam higit sa amin kung saan ang kuta ng kalaban mo! Pero dahil sa katangahan mo! Namatay ang kaibigan namin!" Singhal ni Ella.
"Wala ka nang babalikan pa sa akin Ash. Tapos na tayo at kahit anong gawin mo, hindi na ako babalik sa'yo." Malinaw kong sabi sa kaniya
"Bakit Zinn, dahil ba sa lalaking yun?" Tanong niya na ang tinutukoy ay si Harris.
"H'wag mong idamay si Harris dito dahil wala siyang alam." Sabi ko.
"Well sorry, kung hindi ka babalik sa akin sa maayos na pakiusap. Ikaw ang bahala, nasa sa'yo 'yan.
Siguraduhin niyong makalabas ng buhay dito, dahil kung hindi sa akin ka na!" Sabi niya. Pumitik siya at nagsilabasan ang mga bata niya.
"Kayo na bahala sa mga 'yan." Sabi niya sa mga bata niya. Sh*t! medyo madami sila, pero kaya namin 'to. Iba sa kanila may hawak na baseball bat, mabuti na lang sinamahan ako nila Wendy, dahil kung hindi bihag nila ako.
"Sabi ko na nga ba may balak na hindi maganda 'yong lalaking 'yon e, kung hinayaan ka naming umalis mag isa, anong mangyayari sayo?" Tanong ni Wendy sa akin.
"Mag-ingat kayo kailangan maka uwi tayo na walang galos." Sabi ko.
Sumugod ang mga kalaban namin nang hindi kami naka paghanda. Hampas dito, hampas doon, masyado silang mabibilis. Naka tiyempo ako at na agaw ko ang baseball bat ng isa. Bawat may sumugod sa akin pinapatamaan ko ang binti nito hindi ko naman sila kayang patamaan sa ulo.
"Mga mahihina kayo! Hindi ba kayo pinapakain ng amo niyo!?" Singhal ko. Sinipa ko 'yong isa sa private niya bago ko sinuntok. Apat na lang sila, si Louis, Trevor, Alex at Daniel. Pumorma ulit kami, hindi ko binitawan ang baseball bat dahil ito lang ang meron ako. Masiyado akong nagtiwala kay Ash, nakalimutan kong marumi makipaglaro ang taong iyon.
"Easy lang kayo, magpapawis lang naman kami, masyado kayong seryoso." sabi ni Louis.
"Daming kuda, biliss nagugutom ako." Naiinip na sabi ni Audrey.
Sabay silang sumugod at ngayon kalaban ko si Trevor. Hinampas ko siya ng baseball bat pero nakailag siya. Ngumiti siya sa akin ng nakaloko nang mahawakan niya ako sa braso. Inikot ko ulo ko at pinatamaan ko ang mukha niya sa buhok ko kaya nabitawan niya ako. Kinuha ko ang pagkakataon at tinadyakan ko siya. Tinulungan ko sila Wendy na ngayon ay isa na lang ang kalaban.
"Tsk ang weak niyo naman. Ano na Alex, hindi ka ba susuko? Tulog na ang mga kasama mo oh," turo ni Wendy sa mga kasamahan niya.
"Duwag lang ang sumusuko tanga!" Singhal niya. Binigyan siya ng tornado kick ni Audrey at tulog na bumagsak sa sahig.
"Weew, malakas ata 'yon, sorry." Sabi niya at nagtawanan kami.
"Mukhang umurong ang buntot ni Ash. Nawala siya sa pwesto niya, tss duwag talaga!" Sabi ni Ella.
"Tara na, nagugutom ako." sabi ni Audrey na nakahimas sa tiyan. Lumabas kami sa rest house at pinaharurot ang kotse. Alas dose na pala ng hating gabi. Pagdating namin sa bahay pumasok kami at naabutan naming tulog na sila Megan.
"Harris, Harris..." gising ko sa kay Harris. Nagising naman siya at bigla niya akong niyakap.
"Thank God you're back and safe, I'm so worried." Sabi niya sa akin.
"Sabi ko naman na babalik kami na ligtas di ba." Sabi ko sa kaniya at hinaplos ko ang mukha niya.
"Zinn, may guest room sa taas doon mo sila patulugin bukas na kayo umuwi." Sabi ni Wendy.
"Sige, matulog na kayo. Ako na ang bahala sa kanila." Sabi ko. Tumango naman sila at na una nang umakyat.
"Are you okay? May masakit ba sayo?" Tanong niya at sinuri ang mukha ko.
"I'm fine, walang nasaktan sa amin." Sabi ko.
"Nag-usap lang kayo?" Tanong niya.
"Nakalaban namin ang mga bata niya. Pero hindi naman kami nasaktan. Baguhan pa lang siguro ang mga 'yon," sabi ko.
"Nakipag-away kayo?" Tanong niya.
"We have no choice, gusto niyang makipagbalikan ako sa kaniya. Pero tumanggi ako, kapag natalo namin ang mga bata niya makaka uwi kaming ligtas. Kaya wala kaming nagawa kundi ang labanan sila." Sabi ko sa kaniya. Kabado na ako, paano kong tatanungin niya kung sino ba talaga ako?
"Zinn tell me, g-gangster ka rin ba?" Tanong niya. Napatingin ako sa kaniya at napalunok. Hindi ko alam ang isasagot ko.
"H-hindi, hindi ako gangster o kami. Nakapag-aral lang kami ng Taekwondo sa dating school. Pang-self defense, kaya may alam kami sa pakikipaglaban." pagsisinungaling ko sa kaniya. Huminga siya ng malalim... ramdam kong hindi siya naniwala.
"Fine, I won't force you for telling the truth. There is a right time for that." Sabi niya tumayo na siya at umakyat na sa taas.
"Harris." Tawag ko sa kaniya. Hindi niya ako nilingon at nagtuloy lang siya paakyat ng kuwarto. Nasapo ko ang noo ko, at nakagat ang labi ko.
"I'm sorry, ayoko lang na madamay ka at malaman mo ang totoo." Sabi ko sa sarili ko. Pumasok na ako sa kuwarto ko at naligo, nagbihis ako ng pantulog at nahiga na sa kama.
Kinabukasan, nagising ako ng alas dose ng tanghali. Naghilamos ako at inayos ang aking sarili, paglabas ko sa kuwarto naabutan ko sila Wendy na nagkekwentuhan. Hinanap ng paningin ko sila Harris pero 'di ko sila nakita.
"Ehem hi, ahm sila Harris?" Tanong ko.
"Oh hi buds, umuwi na sila. Nag-away ba kayo? Para kasing wala sa mood Harris." Tanong ni Ella. Napayuko ako at umupo sa bakanteng sofa.
"May tinanong kasi siya sa akin na hindi ko sinagot ng totoo." Sabi ko.
"Tungkol ba kagabi?" Tanong ni Wendy. Lumingo ako...
"No, tinanong niya ako kung gangster ba ako o tayo," sabi ko. Natahimik naman sila na nakikinig.
"Hindi ko masabi sa kaniya ang totoo dahil baka madamay siya." Sabi ko sa kanila.
"Isa pa, kita niyo naman kung anong reaksyon ni Ash kagabi hindi ba, baka si Harris ang pag-initan niya." Pag alalang sabi ko.
"Pero buds, I think you should tell him the truth para aware siya. Hindi ba sabi mo baka pag-initan siya ni Ash. So it's better na sabihin mo sa kaniya. Don't worry nandito kami para tulungan ka." Sabi ni Wendy. Napa isip ako sa sinabi niya, siguro nga tama siya. Darating ang araw malalaman niya pa rin 'yon.
"S-sige, kakausapin ko siya. Sasabihin ko ang totoo." Sabi ko sa kanila.
Pagkatapos kong kumain sabay na kaming lumabas ng bahay, uuwi kasi sila sa pamilya nila at ako naman uuwi sa bahay.
Tinawagan ko si Megan para yayain silang mag mall, usapan kasi namin na mag mall ngayon.
"Hello Megan?" Sabi ko.
"Hello sis, buti napatawag ka. Ano tuloy ba gala natin?" Tanong niya.
"Oo naman, kita na lang sa mall. Megan si Harris?" Tanong ko.
"Si Harris, nando'n sa bahay nila, dadaanan ko na lang. Ahm sis, nag-away ba kayo?" Tanong niya.
"No, hindi naman. Actually gusto ko din siya makausap." Sabi ko.
"Sige, sasabihin ko sa kaniya. See you later, maghahanda na ako and tatawagan ko din si Trisha." Sabi niya.
"Sige, thank you bye." Binaba ko na 'yong phone at naligo. Nag black pants lang ako at white t-shirt na may print. Nilugay ko ang buhok ko at pulbo. Sumakay na lang ako ng taxi dahil wala si kuya Ben.
"I'm here sa Starbucks," text ko kay Megan.
"On the way na kami. Kasabay na namin si Trisha." Reply niya. Maya, maya pa nakita ko na sila, tumayo ako at lumabas para salubungin sila.
"Wow, you look pretty sis simply lang ang suot mo pero lakas ng dating ha." Komento ni Trisha. Nginitian ko na lang siya at tumingin kay Harris pero sa ibang direksyon siya nakatingin.
"Saan niyo gusto unang pumunta?" Tanong ko.
"I need new clothes, masikip na sa akin 'yong iba kong damit eh." Sagot ni Trisha.
"Doon tayo sa pinsan namin sis, mga bago lagi ang dress niya and other things." Sabi ni Megan.
"Sasama kayo?" Tanong ni Megan.
"Hindi na, may pag-uusapan kami ni Harris." Sabi ko. Tumango naman sila at umalis na.
"Harris?" Tawag ko sa kaniya.
"What?" Cold niyang sagot.
"I have something to tell you," lakas loob kong sabi. Tumingin naman siya sa akin at hinila ako.
"Teka, dahan-dahan naman," sabi ko.
"I'm sorry," sabi niya at binitawan na ang kamay ko. Andito kami sa may play ground area ng mall.
"What do you want to say?" Tanong niya. Huminga muna ako ng malalim bago siya hinarap at hinawakan ko ang kamay niya.
"Harris I'm sorry, sorry kung hindi ako naging honest sa'yo. Baka kasi iwasan mo 'ko, or lumayo ka. Harris I-i am a g-gangster." Na uutal kong sabi. Yumuko ako dahil 'di ko kayang salubungin ang tingin niya. Hinawakan niya ang mukha ko at inangat 'yon. Nagtama ang mga mata namin at ngumiti siya.
"I know, I just want to hear it from you. You have no idea how worried I am last night. I accept you for who you are, just be honest with me. Ayokong magmukhang tanga na lang pagdating ng araw. Paano kong mapahamak ka, wala man lang akong kaalam-alam sa mga nangyayari sa'yo. I'm worried, I'm scared, lalo na at may mga taong gumugulo sa'yo." Sabi niya.
"I'm sorry, natatakot kasi akong umamin at sabihin sa'yo ang totoo. At ayoko din na mapahamak ka, o kayo." Sabi ko sa kaniya.
"Shh, it's okay don't worry we will protect each other. Hindi ko hahayaang makuha ka ng lalaking 'yon. Alam kong nag-alala ka sa akin o sa amin. But please, don't be selfish about this thing, dahil tayo lang ang magtutulungan. And don't worry dahil sekreto lang natin 'to. I won't tell anyone, even to our parents." Sabi niya.
"Thank you, I'm sorry ulit 'wag ka na magalit ha," Sabi ko. Tinawanan naman niya ako.
"I'm not, nagtampo lang ako. Ilang linggo na lang fiance na kita, and we will live in one house. Tapos may tinatago tayo sa isa't isa. Dapat maging open tayo." Sabi niya.
"I'm sorry promise wala na akong itatago sayo. I will be honest to you." Sabi ko. Niyakap niya ako at niyakap ko din siya.
"May sasabihin din ako sa'yo,. I mean, may aaminin ako sa'yo." Sabi niya pagkatapos namin magbitaw sa isa't isa.
"Ano 'yon?" Tanong ko.
"Remember the day na nag-date tayo. We have a deal right?" Sabi niya. Tumango lang ako.
"I want you to know that, I will make it official. I want to court you officially." Sabi niya.
Kita ko sa mga mata niya ang sincerity. Alam kong seryoso siya pero hindi pa ako handa.
"Harris, puwede ko bang pag-isipan muna?" Sabi ko sa kaniya.
"Sure no problem. Hihintayin ko hanggang sa makapag-decide ka na. For now, let's go dahil naghintay na sila Vincent sa atin doon sa restaurant." Sabi niya at tumayo siya, inalalayan naman niya akong makatayo at naglakad na kami papunta sa restaurant. Tinawagan ko na din sila Megan at sinabi kong hihintayin namin sila sa restaurant.
"Hey dre," tawag ni Nathan.
"Kayo lang dalawa?" Tanong ni Christof.
"Nagshopping pa 'yong dalawa." Sagot ko.
"Hi, Miss beautiful," bati sa akin ni Nathan. Nginitian ko lang siya at naupo sa tabi ni Harris.
"Hindi pa ba tayo o-order? Hindi pa kasi ako nag-lunch." Tanong ni Christoff habang himas ang tiyan.
Napalingon kami sa lakas ng tawa ng dalawa habang papasok sa restaurant. Pati ibang customer's napatingin sa kanila. Agad naman silang nag sorry.
"Tsss," singhal ni Vincent.
"Siss, sayang 'di ka sumama. Hinanap ka ni ate Hazel." sabi ni Megan.
"Bakit daw?" Tanong ko .
"Don't know walang foods?" Tanong niya.
"Marami ka naman sigurong pera, libre mo kami." Sagot ni Vincent. Tiningnan siya ni Megan.
"Porke namili ng damit much money na. Fyi, card ni mom ang gamit ko." Sagot nito.
"Eh ba't nagtataray ka?" Tanong ni Vincent.
"Bakit sa akin ka magpapalibre, ikaw ang lalaki!" Sabi ni Megan. Tahimik lang kami habang nakikinig sa debate ng dalawa.
"Hep hep hep! Shut up, alam niyo kayong dalawa. Para kayong aso't pusa. Kung magbabangayan kayo doon kayo sa labas, iingay niyo." Saway ni Trisha. Natahimik naman silang dalawa pero masama pa rin ang tinginan.
"Haysss, alam niyo.. diyan nagsimula ang lolo at lola ko," sabi ni Nathan.
"Lolo't lola ko din." Sagot naman ni Christoff.
Mayamaya pa dumating na 'yong in-order namin ni Harris.
"S-sinong umorder?" Tanong nila.
"Kami," sabay na sagot namin ni Harris.
"Owh, ba't di namin napansin?" Tanong ni Nathan.
"Busy kayo sa dalawang nag-debate. Let's eat," sabi ko.
Tumalima naman sila at tahimik kaming kumakain.
Pagkatapos naming kumain, nag usap kami kung saan pupunta.
"Sa amusement park na lang. Masaya do'n." Sabi ni Trisha.
Sumang ayon naman ang lahat at lumabas na kami ng mall. Sumakay na kami sa kotse ni Harris at nagtungo sa park kasunod naman namin ang sasakyan nila Vincent.
"Were here!" Masayang sabi ni Trisha. Minsan may pagka childish 'tong isang 'to. Bumaba na kami at pumunta sa
park. Ang daming rides.
"Guyss, rides tayoo taraa!" Excited na sabi niya.
"Anong una nating sasakyan?" Tanong ko.
"Rollercoaster." Sagot nila. Ako na hindi pa naka sakay ay nagdadalawang isip.
"Are you scared?" Tanong ni Harris. Tumango ako.
"Hindi pa kasi ako nakasakay diyan eh," sabi ko.
"Don't worry ako ang bahala sa'yo. Let's go?" Sabi niya. Nag aalangan man ay sumama ako sa kanila pumuwesto na kami at nakahanda na para umandar ito. Maya, maya lang naramdaman ko na ang pag andar, napapikit ako at mahigpit na nakahawak sa kamay ni Harris. Hanggang sa na feel ko nang nasa tuktok na kami. Binuka ko ang mga mata ko at napatingin ako sa baba.
"Omgeee!" sabi ko at kasabay no'n ang pag andar pababa at mabilis ang pag-ikot ng rollercoaster.
"Ayoko naaa! Bababa na ako! Oh my godd!" sigaw ko. Habang si Harris naman tawa ng tawa. Paghinto ng rollercoaster ay umikot ang paningin ko, nahilo ako at parang bumaliktad ang sikmura ko. Hanggang sa sumuka ako ng sumuka at nanghihina.
"Omg, si Zinn!" Sigaw ni Trisha.
Agad nila akong inaalalayan at inabutan ng tubig.
"Sis are you okay?" Tanong ni Megan. Nagpalingo lingo ako . Grabe ayoko na mag rides. Sabi ko sa sarili ko.
"Guys, kayo na lang muna sasamahan ko si Zinn dito." Sabi ni Harris.
"Sige dre sasamahan din namin 'yong dalawa." Sabi nila. Umalis na sila at sinundan sila Megan.
"Feel better?" Tanong ni Harris.
"Nahihilo pa ako. Ayoko na bumalik dito." sabi ko. Tinawanan naman niya ako.
"Ganiyan talaga pag-first timer." Sabi niya. Pinisil pisil niya parin ang mga daliri ko.
"Do you want to eat ice cream?" Tanong niya. Tumango lang ako, tumayo siya at lumapit sa ice cream vendor.
"Here, hindi ko alam kung anong favorite flavor mo kaya same na lang sa akin ang binili ko." Sabi niya.
"Favorite ko 'to," sabi ko.
"Rocky road?" Tanong niya. Tumango ako at sinimulan nang kainin ang ice cream ko.
Bumalik na rin sila Megan at halatang mga pagod.
"Wahhh, nakakapagod pero super enjoyy." Sabi ng dalawa.
"Nasaan ang tatlo?" Tanong ko. Nagtawanan ang dalawa at nag high five pa.
"Iniwan namin sa loob ng horror house." Natatawang sagot ng dalawa. Nagtinginan na lang kami ni Harris. Mayamaya pa dumating na 'yong tatlo, si Christof naka sakay sa likod ni Vincent.
"T**na, bumaba ka na diyan duwag nasa labas na tayo." Sabi ni Vincent. Pilit tinatanggal ni Vincent ang kamay ni Christoff na naka pulupot sa leeg niya.
"Ayaw, dito lang ako." Pagmamatigas nito.
"Tanggalin niyo 'tong tarsier na 'to baka maibalibag ko 'to." Sabi ni Vincent. Lumapit si Harris at Nathan at pilit inaalis si Christoff sa likod niya.
"Christoff, bibili kami ng ice cream." Sabi ko. Tumingin siya sa akin at ang laki ng ngiti, umalis na siya sa likod ni Vincent at lumapit sa akin.
"Tara, tara gusto ko ice cream." Sabi nito na parang bata at hinila ako papunta sa ice cream vendor. Binilhan ko silang lahat at kumain kami sa tabi.
Alas siyete na nang magpasya kaming umuwi. Hinatid nila ako sa bahay at umuwi na din sila.