ZINN POV
Malapit na kami sa entrance ng school nang maisip ko na hanggang sa entrance na lang ako.
"Kuya Ben, sa entrance na lang po ako." sabi ko sa driver.
"Sige po maam." sagot ni niya.
Huminto na 'yung kotse at bumaba ako. Naglalakad ako sa hallway ng school ng mapansin kong nagkagulo sa quadrangle. Mabilis akong lumapit sa mga istudiyanteng nagkumpulan.
"Excuse me, excuse me, anong nangyayari?" tanong ko sa isa sa mga students.
"Hindi ba ikaw si Zinn?" tanong nila.
"Oo ako nga," sagot ko.
"Si Harris pinagtulungan ng apat na lalaki." sabi nila at agad akong kinabahan.
Alam kong si Ash ang may pakana nito. Mabilis kong hinawi ang mga istudiyante. Hindi nga ako nagkakamali, sila Louis ang bumubugbog kay Harris.
"Tama na yaannn ano baa! Tigilan niyo ang pinsan ko!" umiiyak na pakiusap ni Megan. Binato ko kung saan ang bag ko at sinugod ko sila. Hinila ko ang uniform ni Louis at Daniel at binalibag ko sila kung saan. Sinunod ko si Trevor at sinuntok ko siya sa mukha at sinikmuraan. Hinarap ko naman si Alex at tinadyakan ko siya. Para silang nakakita ng multo, walang gumagalaw at umiimik. Dahan-dahan akong lumuhod at tiningnan ang itsura ni Harris.
"Harris, harris, nandito na ako. Ililigtas kita," sabi ko sa kaniya at niyakap ko siya. Duguan ang mukha niya at putok ang labi niya. Tumulo ang luha ko at na buhay ang galit sa pagkatao ko.
"Wala man lang bang umawat sa inyo?" tanong ko sa mga nakapaligid. Walang umimik at nakayoko lang sila.
"Megan!" tawag ko.
"Kunin niyo si Harris at dalhin niyo sa clinic." sabi ko. Agad naman silang lumapit at binuhat nila si Harris.
"Z-zinn, 'wag mo na silang gantihan p-please." hirap na pakiusap ni Harris. Hindi ako umimik.
"H-hindi natin iiwan si Zinn. Ayokong p-pumunta sa clinic na 'di siya k-kasama. " sabi niya.
*Clap clap clap.* palapak ng kung sino.
"Wow, so dramatic! Ang sarap panoorin, babae na pala ngayon ang nagliligtas sa lalaki?" sabi ni Ash. Hinarap ko siya at naikuyom ko ang mga palad ko sa galit.
"Napakademonyo mo talaga! Akala ko ba titigilan mo'ko! Pero ano to? Ha!? Pinabugbog mo ang walang kalaban-laban na tao diyan sa mga aso mo!" singhal ko sa kaniya.
"Tsk tsk tsk... Lauriett Zinn, baka nakalimutan mo. Hindi ako basta-basta tumatanggap ng pagkatalo at mas lalong ayoko na tinatanggihan ako. Kung sumunod ka lang sana sa gusto ko, eh 'di sana walang masasaktan na iba." sabi niya.
"Walanghiya ka!" susugurin ko sana siya pero humarang ang mga alagad niya. Pinalibutan nila ako ngayon. Sabay silang sumugod at yumuko ako para makaiwas. Hinawakan ko ang dalawa at pinagbangga. Tinuhod ko naman ang isa at binato sa kasamahan niya..
"Hep hep hep!" Nahinto kami sa isang boses babae.
"Tsk tsk tsk, ang daya naman. Isa laban sa apat, babae pa. Ano na Ash? Nababakla ka na ba?" sabi ni Wendy. Nandito sila? Anong ginagawa nila dito? Tanong ko sa aking sarili.
"Hey buds need help?" tanong ni Ella. Itsura pa lang nila halatang gustong makipag basag ulo. Si Audrey naman busy sa lollipop niya. Tinanguan ko sila at agad naman silang lumapit.
"Ang ganda naman ng pag-welcome sa amin ng school na'to. Girls ready?" tanong ni Wendy.
"Ready!" sagot ng dalawa. Isa laban sa isa na ngayon. Nagkarambulan na sa quadrangle...
"Prrrrrrrtttt, prrrrrrrtttt" pumito ang guard at natigil kami. Kasama nila ang school principal.
"What's going on here!?" galit na tanong niya.
"For God sake, babae at lalaki nagsusuntukan?" galit na sabi niya.
"Go to my office now!" sabi niya.
"Mr. Harrington, what happen to you?" tanong niya kay Harris.
"Binugbog po siya ng mga lalaking 'yan Dean." sagot ni Megan na nakaturo kila Ash.
"What!?" sigaw niya.
"You!?" turo niya sa mga estudiyante.
"Go back to your room now!" agad namang nagtakbuhan ang mga estudiyante pabalik sa kanilang classroom.
"And the rest of you, follow me at my office and bring Harris to the clinic!" sabi niya sa amin. Sumunod kami sa kaniya at kinausap ko naman sila Wendy.
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko kila Wendy.
"Buds, hindi ba obvious? Syempre para mag-aral." sagot ni Ella.
"Kailan pa kayo lumipat?" tanong ko.
"No'ng friday kami nag-enroll through online tapos sabi ngayon daw kami magre-report. Eh 'di naman namin akalain na rambulan ang sasalubong sa amin." sagot ni Wendy. Hindi man lang nila ako sinabihan.
"Tsk, bakit 'di niyo sinabi?" tanong ko.
"Para surprised, kaso kami ang na-surprise." sagot ni Audrey.
Nasa loob na kami ng office, salubong ang kilay ni Dean na nakatingin sa amin.
"Set down." sabi ni Dean.
"Can you explain to me of what happen?" sabi niya na nakatingin sa amin.
"Miss Wallace, ikaw ang magsabi." sabi niya sa akin.
"Dean, I don't know what really happened. Naglalakad na ako sa hallway papunta sana sa room namin. But I saw students at the quadrangle and I'm curious kaya nagtanong ako then one student answer me na binugbog si Harris ng apat na lalaki. Kaya nagmadali akong lumapit at sumingit sa mga nagkumpulan. Nakita ko si Harris na pinagtutulungan nila walang kalaban laban. Kaya di na ako nagdalawang isip hinila ko ang uniform ng dalawang yan! " sabi ko at tinuro ko si Louis at Daniel.
Inilibot niya ang kaniyang paningin sa aming lahat. At huminto iyon sa grupo nila Ash,
"And you? The four of you?" turo niya sa mga lalaki.
"What my grandson did to you, para bugbugin niyo siya?" tanong niya. Hindi sila umimik.
"No one will answer? " tanong niya ulit.
"D-dean," singit ni Trisha. Nasa kanya ang atensyon naming lahat at naghihintay sa sasabihin niya.
"I was there po the whole time. Sabay po kaming tatlo pumasok. And then hinarang nila kami. Tapos galit po yung Ash kay Harris, sinisisi niya si Harris sa pagtanggi ni Zinn sa kanya. Then the next is nagkainitan na po sila. Hinatak po nila si Harris papuntang quadrangle and pinabugbog niya sa apat na yan," kwento ni Trisha.
Napahawak sa kanyang noo si Dean.
"This is the first time that happened in our school, at ang apo ko pa ang pinagdiskitahan ninyo! I won't tolerate this, I want to talk your parents tomorrow. Including you Miss Wallace." sabi niya. Tumango lang ako at yumuko.
"The three of you, I think you are the transferee. Bakit kayo nasali sa gulo?" tanong ni Dean kila Wendy.
"We are so sorry Dean, we are just helping our friend. Pinagtulungan siya ng apat na lalaki. Sorry for our behavior, it won't happen again," paghingi ng tawad ni Wendy.
"Hays! Fine but, I am giving you a warning. Next time that you, all of you will involve again in this kind of trouble. I will not hesitate to kick you out in our school. Do you understand?" sabi niya.
"Yes Dean," sagot namin.
"You may leave, and Miss Wallace, maiwan ka dito may pag-uusapan tayo," sabi ni Dean. Lumabas na silang lahat at kami na lang ni Dean ang nasa loob.
"So, you are my grandson's soon to be fiance. You know what, Miss Wallace, from the start alam ko na, na balak i-arrange marriage si Harris sa anak sa isa sa business partners ng anak ko. And ikaw nga yun, well 'di ko naman mapigilan ang anak ko sa mga desisyon niya dahil ako din naman ang nagturo sa kanya. Harris parents was fix marriage too, ako ang masusunod sa lahat noon kahit na buhay pa yung lolo niya. My first meeting with you noong kinuha mo ang class schedule mo dito. I said to myself na mukhang palaban kang babae which is hindi ako nagkamali. You are strong and tough woman, you amazed me." Huminga muna siya ng malalim ..
"Thank you, thank you for protecting my grandson. But, please don't put your self in trouble again, hindi magandang tingnan sa isang babae ang nakikipagsuntukan sa mga lalaki." Sabi niya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti siya. Sinuklian ko din siya ng ngiti at tumango.
"Yes Dean, I won't promise but I do the best I can. I'm sorry for my behavior and for the disappointment," sagot ko sa kanya.
"It's okay, I will forgive you, again. You may go now, I'm sure hinahanap ka na ng apo ko. Send my regards to him and dadalawin ko siya mamaya after this paperwork," sabi niya. Tumayo na ako at nag-bow bago lumabas.
"Thank you Dean and alis na po ako," sabi ko at lumabas na ng office. Patakbo akong pumunta sa clinic. Pumasok ako at hinanap ko si Harris.
"Siss, dito," tawag ni Megan. Hinawi ko ang kurtina at nakita ko si Harris na tulog pa rin. Ang daming ng pasa sa mukha.
"How is he?" tanong ko.
"Hindi pa siya gumigising mula kanina. Sabi ng nurse hayaan na lang daw para makapagpahinga yung katawan niya dahil sa bugbog," sagot ni Megan.
"Thank you," sabi ko at niyakap ko siya.
"No problem, sorry kung wala kaming nagawa. Hindi kami makalapit kanina habang binubugbog nila ang pinsan ko," sabi niya .
"Shhh, don't worry ipaghihiganti ko siya. 'Wag mo sisihin ang sarili mo, babae ka lang at 'di mo sila kaya. Kahit sino sa inyo. Mas magaling sa pakikipaglaban ang mga yun," Sabi ko.
"Thank you. Ahm bibili lang ako ng snacks para makakain tayo. Ibibili ko na rin ng soup si Harris," paalam niya.
"Sige, salamat," sabi ko at lumabas na siya. Tinitigan ko ngayon ang mukha ni Harris, kahit mag mga benda ito makikita mo pa rin ang kaguwapohan niya.
Napangiwi ako sa mga naiisip ko, .
"I'm sorry," sabi ko habang himas-himas ko ang buhok niya.
Pagbalik ni Megan kasabay niya ang mga kaibigan ni Harris at si Trisha. Dala ang mga pagkain.
"How is he? 'Di pa siya nagigising?" tanong ni Nathan.
"Hindi pa, hayaan na lang natin para makapagpahinga, matindi yung sinapit niya," sabi ko na nakatingin sa mahimbing na natutulog na si Harris.
Zinn, sorry nga pala, sorry kung wala man lang kaming nagawa, gustuhin man naming umawat pero hindi kami makalapit," sabi ni Vincent.
"'Wag na nating pag-usapan yun, tapos na rin naman. Pasalamat na lang tayo dahil hindi malala ang pagkabugbog ni Harris. Actually, ako ang dapat sisihin nito," sabi ko.
"Bakit naman ikaw? Wala ka naman kanina. Nakakahiya 'yung kami 'yung lalaki pero wala kaming nagawa para sa kaibigan namin. Tapos ikaw na babae, nagawa mo silang pagsusuntukin ng walang pagdadalawang isip." sagot ni Nathan.
"Dahil ako naman talaga ang may kasalanan. Dahil sa akin kaya siya nabugbog. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakaling may masamang mangyari sa kaniya." sabi ko.
"Ano nga pala ang pinag-usapan niyo ni Dean? Hindi ba pina iwan ka niya?" tanong ni Trisha. Tumingin silang lahat sa akin at hinihintay ang sagot ko.
"Ahm, it's not important. Sinabi niya lang sa akin na nakakaapekto sa performance ko ang behavior ko. And she's not aware of my attitude. My parents and Harris parents are friends and business partners. Kilala din ni Dean ang mga magulang ko. Hindi niya lang inaasahan na ganito pala ako, na may side ako na nakikisali sa gulo. This is not my first time na masali sa gulo. And she didn't expect this to me." sabi ko sa kanila.
Hindi ko na sinabi ang totoong pinag usapan namin ng Dean dahil hindi pa nila alam ang totoong relasyon namin ni Harris. Hindi ko din alam kung kailan namin iyon sasabihin sa kanila.
"Ahh, gano'n ba paano 'yun? Ipapatawag din ba ang parents mo? " tanong nila. Tumango ako.
"Oo, involved ako eh," sabi ko.
"Eh yung tatlong babae mga kaibigan mo 'yung mga 'yun?" tanong ni Vincent.
"Yeah, buti na lang exempted sila sa pagpapatawag ng parents. Pero may warning na sila kay Dean." sagot ko.
"Ang angas nga ng mga kaibigan mo eh, pare-pareho kayo ng galaw. Ang astig, naisip ko tuloy magpaturo sa kanila. Para naman kapag may makalaban kami, makaganti kami." sabi ni Nathan.
"Nag-aral kasi kami ng taekwondo dati sa dating school. May training kasi noon at kasama kami, kaya may alam kami." sabi ko.
"Wow, parang gusto ko na magpaturo, lalo na yung tornado kick, galing nung may red ang buhok." sabi ni Christof.
"Susss, may gusto ka do'n noh?" tukso namin.
"W-wala ah, humanga lang ako sa moves niya. Crush lang parang gano'n." sagot niya .
"Wala 'to, binata na ang bunso natin. Na inlove na." sabi ni Nathan. Nagtawanan naman kami sa tinuran niya
"Tss, ang iingay," napatigil kami no'ng marinig namin ang boses ni Harris. Nilingon namin siya, nakatingin siya sa amin na nakakunot ang noo.
"Broo!" sabi ng tatlo at lalapit na sana sa kanya pero hinarang niya ang paa niya.
"H'wag kayong lumapit, masakit pa ang katawan ko." sabi niya.
"O-okay," sagot ng tatlo at lumayo. Ako na lang ang lumapit sa kaniya at inalalayan ko siyang umupo.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ko.
"Masakit, masakit dito, dito, dito at dito. " turo niya sa mga may benda.
"Kailangan ng kissperin," dugtong niya. Naghiyawan naman sila dahil sa paglalambing niya.
"Naks, dumada-moves ang hari ng mga pogi. Pero ako muna ang mas guwapo ngayon kasi puro benda ang mukha mo." sabi ni Vincent.
"Tss, gwapo your face." Sabi ni Harris.
"Puro ka naman kalokohan e, oh ito kain ka muna para makainom ng gamot." Sabi ko habang hinahanda ang pagkain niya.
"At kami naman ay babalik na sa klase namin. Tara na si Zinn na ang bahala kay Harris." sabi ni Megan at tinulak palabas ang mga kasama. Hinarap ko si Harris hawak ang bowl ng soup.
"Kailangan mo 'tong ubusin para makabawi ang katawan mo tapos inumin mo 'tong gamot." sabi ko. Sinubuan ko siya dahi pati kamay niya ay may benda.
"You know what?" putol niyang sabi.
"What?" tanong ko. .
"I'm lucky, I'm lucky because I met you. Maybe it was a destiny, that arrange marriage was the reason why we meet." Sabi niya.
"And because of that nandiyan ka sa higaan na 'yan. Nabugbog ka dahil sa akin, kung hindi tayo nagkakilala, hindi ka mapapahamak." Sabi ko.
"Don't blame your self Zinn, masyado lang sigurong na apektuhan si Ash sa'yo. Maybe hindi niya matanggap na hawak ka na ng iba." sabi niya. Hindi na ako umimik at patuloy lang ako sa pagsubo sa kaniya.
"Ihahatid ka na lang namin sa bahay niyo, tapos ipakuha mo na lang ang kotse mo. Hindi ka rin naman makapag-drive dahil may benda ang mga kamay mo." Sabi ko sa kaniya.
Tumango lang siya at inayos ang kaniyang sarili. Inalalayan ko siyang makatayo hanggang sa paglabas ng clinic.
Wala ng masyadong estudiyante na nakakalat sa hallway paglabas namin. Diretso na kami sa gate ng school, tinawagan ko na rin ang driver namin. Pagdating sa gate kinausap ko 'yung guard at pinagbuksan kami. Sinalubong kami kaagad ni kuya Ben at inalalayan naming maka upo si Harris sa loob ng kotse.
"Anong nangyari sa'yo iho? Bakit puro benda ang mukha mo?" Tanong niya.
"May bumugbog po sa kaniya sa loob ng campus." sagot ko.
"Ayy naku, kabataan talaga ngayon wala nang maayos na nagagawa." Sabi niya .
"Kuya Ben sa Villa subdivision po tayo," sabi ko.
"Sige po Miss Zinn." Sagot niya.
Habang nasa biyahe iniisip ko kung paano ko ipaghihiganti si Harris. Sumusobra na talaga sila mga walang awa! Humanda kayo Ash sa underground tayo magtutuos! Sabi ko sa aking sarili.
Pagdating namin sa bahay nila Harris inalalayan ko siyang makababa ng kotse hanggang makapasok sa kanilang bahay.
"Thank you... ahm uuwi ka na ba?" Tanong niya.
"Babalik ako sa campus, sayang kung aabsent ulit ako, kaya mo na ba ? Puwede namang dito muna ako maaga pa naman." sabi ko .
"Thank you but you have to go back sa campus. May katulong naman na mauutusan ko kaya okay na ako dito, thank you." Nakangiting sabi niya.
"Okay sige, tatawagan kita kapag nasa school na ako. Aalis na ako," paalam ko sa kaniya.
"Sige take care and 'wag ka na makipag-away. Please." Sabi niya.
"I can't promise, sige na alis na ako. 'Yung gamot mo ha." Sabi ko sa kaniya. Lumabas na ako ng bahay nila at sumakay sa kotse.
"Kuya Ben balik tayo sa school," sabi ko.
"Sige po Miss Zinn." Sagot niya. Pinaandar na niya ang kotse at pabalik na kami ng school. Tinext ko naman sila Wendy na mag-uusap kami mamaya.
Pagdating ko ng campus, naglakad na ako papuntang cafeteria, doon ko na lang sila hinhintayin malapit na rin naman ang labasan for lunch.
Nakita ko ang grupo ni Ash na papasok sa cafeteria, sinundan ko lang sila ng tingin. Hindi siguro nila ako napansin. Nakita ko na rin sila Wendy at sila Megan na papalapit sa akin.
"Budss," tawag nila. Tinanguan ko lang sila at nagsi upoan sila sa tapat namin.
"Anong o-order-in natin? Nagugutom na ako." Reklamo ni Audrey.
"Lagi ka namang gutom," sagot ni Ella sa kaniya.
"Kami na lang o-order, anong gusto niyo?" presinta nila Megan.
"Kayo na lang siguro mag-decide, masasarap naman siguro ang foods dito eh. Kung ano ang order niyo gano'n na din sa amin." Sagot nila Wendy.
"Sige, sige wait lang," sagot ng dalawa.
"Wait sasama ako, baka 'di niyo kayang dalhin lahat." Sabi ni Audrey. Umalis na sila at pumila.
"So ano na ang plano mo?" Tanong ni Wendy.
"Kailangan nilang pagbayaran ang pagbugbog kay Harris." Sabi ko na nakatingin sa grupo nila Ash.
"What do you mean?" Tanong ni Ella.
"Kakalabanin natin sila sa underground." Sabi ko .
"Whatt? Are you insane? Buds lalaki sila, lima sila at apat lang tayo. Paano natin sila matatalo?" Tanong ni Wendy.
"She's right, alam mo naman siguro kapag nasa underground na iba ang laban doon. Walang awa ang grupo ni Ash kapag nasa underground ang laban." Sabi ni Ella.
"I know, pinag-isipan ko na rin 'yan. And I will make a deal with him." Sabi ko.
"Deal? Anong deal?" Tanong ni Wendy.
"Kapag napabagsak natin ang apat, automatic talo sila at hindi na nila tayo guguluhin lalo na si Harris." Sabi ko.
"And kapag tayo ang natalo? Don't tell me makipagbalikan ka sa kaniya?" Tanong ni Wendy at tumango ako bilang sagot.
"Are you crazy Zinn? Nag-iisip ka ba? Alam mo bang pabor sa kanila 'yan?" Kunot noong tanong ni Wendy.
"Puwede naman kayong umatras kung ayaw niyo. Hindi ko kayo pipilitin, isa pa laban ko 'to kaya ako ang tatapos nito." Sabi ko.
"Hindi naman sa gano'n 'yun, paano na si Harris?" Tanong niya. Bumuntong hininga ako.
"Ano ba sa tingin mo? Na hahayaan kong matalo tayo? Na magpapatalo tayo?" Tanong ko.
"So you're saying na babalik tayo sa dating tayo gano'n ba?" Tanong niya. Tumango ulit ako.
"Fine, susuportahan ka naman namin at sasamahan no, 'di ko lang kaagad na gets." Sabi niya. Dumating na rin sila Megan dala ang lunch namin. Kumain na kami at nagkuwentuhan.
"So kumusta si Harris? Nakita ba siya ni Tita?" Tanong ni Megan.
"Hindi mga katulong lang nila." Sagot ko.
"Hays, for the first time ngayon lang 'yun nabugbog ng gano'n." sabi ni Megan. May gumuhit na konsensya sa puso ko, hindi siya mabubogbog kung 'di dahil sa akin.
Habang tinatapos namin ang lunch namin, biglang may nag kasagutan sa table nila Vincent. Tiningnan namin kung sino, sila Ash na naman. Agad akong tumayo at pumunta sa puwesto nila.
"Oh ano ha!? Lalaban kayo!? Kagaya lang din naman kayo ng Harris na 'yun, mga duwag!" Singhal ni Ash sa kanila.
"Ano na naman to ha?" Singit ko. Tiningnan nila akong lahat at namuo na naman ang tensyon.
"Tingnan mo nga naman, ano Zinn magpapaka-hero ka na naman kagaya kanina. Alam mo ang yabang mo na eh, ano dahil ba kasama mo na rin yang grupo mo!?" singhal niya .
"Ano ba Ash, 'wag mo na silang idamay dito. Wala naman silang ginagawa sa'yo 'di ba? Binugbog niyo na si Harris, ano pa bang gusto mo?" Tanong ko.
"Ha? Kailangan ko pa bang ulit ulitin Zinn!? Alam mo kung ano ang gusto ko! Kung ayaw mong madamay 'yang mga kaibigan mo!" madiin niyang sabi.
Tumingin ako sa paligid, ang lahat ay nakatingin sa amin. Hindi puwedeng dito ko sasabihin.
"Mamayang hapon, pagkatapos ng klase, hintayin niyo kami sa labas." Sabi ko at tinalikuran na sila.
Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Naglakad ako pabalik ng classroom, dumating na din ang teacher namin at nagsimula na ang klase.
Discuss...
Discuss...
Pagkatapos ng klase niligpit ko agad ang mga gamit ko. Usapan namin nila Wendy na sa labas na kami magkikita.
"Zinn tara na." Tawag nila Megan. Lumabas ako ng room at naglakad na kami papuntang gate.
"Kung ano man ang pag-uusapan niyo nila Ash, sana maging okay na. Nag-aalala din kaya kami sa'yo." Sabi ni Trisha.
"H'wag kayong mag-alala, sisiguraduhin ko pagkatapos nito hindi na sila manggugulo sa atin at sa grupo ni Harris." Sabi ko sa kanilang dalawa.
Nasa labas na kami at tanaw ko na sila Ash na naghihintay sa amin, sila Wendy naman ay hinihintay din ako.
"Sige na, umuwi na kayo ako na ang bahala." sabi ko kila Megan at Trisha. Niyakap nila ako bago sila umalis, kinayawan din nila sila Wendy. Pinuntahan ko na sila at sabay kaming lumapit sa puwesto nila Ash.
"Ash." Tawag ko.
"Hmm, so ano ang sasabihin mo nagbago na ba ang isip mo? Zinn? " Tanong niya.
"Hindi, pero may sasabihin ako. Iyon ay kung payag ka at kayo." Sabi ko . Sumeryoso naman ang mga mukha nilang tumingin sa akin.
"Ano 'yun?" Tanong niya.
"Hinahamon namin kayo sa underground battle." diretsong sabi ko. Nagtawanan sila na akala nila ay nagbibiro ako.
"Seryoso ako, pero may kapalit 'yun," dugtong ko. Umayos sila at seryosong tumingin sa akin.
"At anong kapalit?" Tanong niya. Tumingin ako kila Wendy bago ko sinagot ang tanong niya.
"Let's make a deal. Kapag natalo namin ang apat sa inyo. Automatic talo kayo, lalayo na kayo at hindi na kami guguluhin lalo na si Harris.
Kapag natalo niyo naman kami, makipagbalikan ako sa'yo." sabi ko sa kaniya. Sumilay ang ngiti niya sa kaniyang mga labi.
"Hmm, mukhang maganda 'yan. Pero, sa tingin mo ba kaya niyo kami? Isipin mo Zinn babae kayo at apat lang kayo. At alam mong wala akong sina-santo." Sagot niya. Minamaliit niya ba kami?
"H'wag na nating isipin pa ang mga 'yan. Ang sagot mo ang kailangan ko. Deal o no deal?" Tanong ko.
"Deal, kailan ang laban?" Tanong niya.
"Sa sabado," sagot ko.
"Okay, see you then." Sabi niya. Pagkatapos naming mag usap umalis na kami nila Wendy.
"Kinakabahan ako sa gusto mong mangyari Zinn. Paano kung matalo tayo? Babalikan mo talaga siya?" Tanong ni Ella.
"Kung si Ash magaling makipag laro. Puwes mas gagalingan ko." Sagot ko. Natahimik naman sila at tinitigan ako.
"Tss, alam ko na 'yang pinaplano mo. Hahamunin mo si Ash ng one on one kapag natalo tayo. Tama ba?" tanong ni Megan. Tinitigan ko siya at ngumiti ako, nahulaan niya ang plano ko.
"Sabi ko na e kilala na kita Zinn alam kong hindi ka rin basta-basta nagpapatalo. Hay nako, ihanda na lang natin ang ating mga sarili sa darating na sabado." Sabi ni Wendy.
Pagkatapos naming mag usap kaniya-kaniya na kami ng uwi. Pagdating ko sa bahay umakyat agad ako sa kuwarto at nahiga sa kama.
Katok sa pinto ang nagpagising sa akin. Nakatulog pala ako, bumangon ako at binuksan ang pinto.
"Mommy, kayo po pala, pasok po," sabi ko. Pumasok naman siya .
"Anak, your school principal call me earlier. Pinatawag niya kami ng Dad mo, but your Dad is not here nasa tagaytay siya for one week dahil tinatapos na 'yung project doon. Anak what happen? Nakipag-away ka daw sa mga lalaking schoolmates mo?" Tanong ni Mommy. Yumuko ako at kinabahan din, ano ang sasabihin ko?
"I-im sorry Mom, hindi ko lang kasi napigilan ang sarili ko. Pinagtulungan nila si Harris," sabi ko.
"Anak, I know you, you care too much with the people around you. But anak, it's not your responsibility to protect them and bring yourself into trouble. Alam kong may kaya kang e-defense ang sarili mo. But anak, please as your mother, don't put yourself in danger." Sabi niya. Napayuko ako at na guilty dahil sa ginagawa ko. Hindi nila alam na isa akong gangster kaya ganito ako .
"Mommy, I'm sorry, I'm sorry. I won't promise but I do my best that this is the last," sabi ko sa kaniya. Hinawakan niya ang mukha ko at tiningnan ako sa mata.
"Aasahan ko 'yan. We love you anak, ayaw naming mapahamak ka kagaya sa nangyari sa isa niyong kaibigan noon. I feel the pain of her parents, and I know that until now, the pain is still fresh in your heart. Nakita kita kung paano ka naapektuhan. At ayokong umabot tayo sa point na 'yun anak. Hindi namin kakayanin ng Daddy mo." Sabi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit.
"I'm so sorry Mom. I'm sorry, I love you and I love Daddy too. I promise, hindi na mangyayari 'yun." Sabi ko sa kaniya habang yakap ko siya.
"Magbihis kana sumunod ka sa akin sa baba nakahanda na ang pagkain." Sabi ni Mommy. Agad akong pumasok sa banyo at nag hilamos. Nagbihis din ako at bumaba na para kumain.
Habang kumakain kami ay nagtanong si Mommy sa kalagayan ni Harris.
"What happen to Harris? Is he okay?" Nag-alalang tanong ni Mommy.
"Yes Mom, hinatid namin siya ni kuya Ben sa bahay nila para makapagpahinga." Sagot ko.
"Kumusta naman kayong dalawa? Okay na ba kayo?" Tanong ni Mommy.
"Yes Mom, we're doing good po." Sagot ko.
"That's good, I hope one day mas maging okay pa ang relationship ninyo. Next week na ang engagement niyong dalawa." Excited niyang sabi.
"We're working on it Mom, don't worry." Sabi ko sa kaniya.
Pagkatapos naming kumain nagpaalam na si Mommy na matulog. Ako naman dumiretso sa kuwarto ko, naligo muna ako bago matulog.
Nakahiga na ako sa kama at nakatitig sa kisame, iniisip ko kung ano ang mangyayari sa sabado. Ang hirap at nakakalitong isipin, pero kailangan kong harapin ang laban na ito.