Bago ako nahiga sa kama tinawagan ko si Harris.
"Zinn, buti naman at napatawag ka," bungad niya.
"I'm sorry kung ngayon lang kita natawagan, kinausap ako ni Mom," sabi ko
"What she said?" tanong niya.
"Hindi na raw dapat ako nakipag-away dahil babae ako. At 'wag ko daw ilagay sa kapahamakan ang sarili ko. Hindi naman daw masama ang tumulong pero kung ako rin naman ang mapahamak, it's better to stay away from trouble," sagot ko.
"Haysss, that's what I told you. By the way, nagalit ba siya? Si Tito?" tanong niya.
"Nope. Si Daddy wala siya, nasa Tagaytay isang linggo siya d'on. Kung nandito si Dad I'm sure, sermon ang aabutin ko," sagot ko.
"You're lucky. Hmm, sila Dad naman pupunta sa school bukas, gusto nilang ipa-expell ang mga nambugbog sa akin," sabi niya.
"Galit ba sila?" tanong ko.
"Sa mga nangbugbog sa akin? Yes. Gusto ka rin nilang makausap buka."
Kinabahan ako, nakakahiya, anong isasagot ko sa mga tanong nila kung sakali?
"O-okay, no problem, hindi naman siguro nila ako sasabonin 'di ba?" tanong ko.
"Hmmm... I guess, sa-shampoo-hin lang," sagot niya.
Napaikot ang mata ko sa ere at natampal ang noo.
"Harris, I'm serious," sabi ko.
"Kidding... I miss you Zinn," sabi niya bigla.
Nabigla ako at lumundag ang puso ko sa mga katagang iyon. Hindi ko alam ang ire-react ko o sasabihin ko. Para akong kiniliti sa tiyan.
"Ahm, m-matutulog na ako. Maaga pa ako bukas. Goodnight." Iyon na lang ang tanging nasabi ko.
"Hmm, okay. Goodnight, see you in my dreams," sagot niya at pinatay na ang tawag.
Pabagsak akong nahiga sa kama. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ang bilis ng t***k ng puso ko. Kinapa ko pa, damang-dama ko ang pagtibok nito, parang sasabog.
Aysss, makatulog na nga lang.
Kinabukasan...
Sumabay si Mommy sa akin papuntang school.
"Anak, your Tita Hannah and Tito Rico was there too. I hope, if may itatanong man sila sa'yo sagutin mo ng maayos and tell them the truth, okay?" sabi ni Mom.
"Yes, Mom, no worries," sagot ko.
Pagdating namin sa school sabay na kami ni Mommy papuntang office.
"Good morning, Dean," bati ni Mommy.
"Good morning, Dean," bati ko naman kay Dean.
"Good morning, take a sit. We will wait for the others," sabi niya sa amin. Umupo kami ni Mommy. Mayamaya bumukas ang pinto at pumasok si Harris kasama ang magulang niya.
"Good morning," sabi nila Tita at Tito.
"Good morning, have a sit," sagot naman ni Dean.
"Good morning kumare. Good morning,Zinn iha," bati nila sa amin.
"G-good morning, Tita and Tito," sagot ko. Tumingin ako kay Harris at nakangiti lang siya sa akin. Yumuko na lang ako.
Bumukas ulit ang pinto at pumasok ang grupo ni Ash, kasama ang 'di ko kilalang lalaki. Sino siya? tanong ko sa aking sarili. Pansin ko kaagad ang mainit na tingin ni Ash kay Harris.
"Good morning, Dean. I am Mr. Gilbert Santiago, guardian and Ash, Uncle," pakilala nito.
"Good morning, Mr. Santiago. Have a sit.
So, good morning, everyone. I am Mrs. Blesilda Harrington, school principal.
We are all here to clear this mess and to end this problem. Bullying is normal, we all know that. But, when it goes too far and ends up beatings, that is not bullying.
My grandson here, was beating by this four transferee students. I know my grandson, gumagawa man 'yan ng kalokohan sa school na ito ay hindi nauuwi sa bogbogan. At mas lalong hindi ko siya kinakampihan kapag alam kong siya ang nagsimula.
But, what happened to my grandson is not fair. Look at him, may benda ang mukha. Sinong magulang ang matutuwa sa nangyari sa kaniyang anak?
I will give the decision to his parents, whatever it is, I have nothing to do with it," sabi ni Dean sa aming lahat.
Tahimik lang ang lahat, walang nagsasalita o umiimik. Pero ramdam ko ang tensyon sa bawat isa. Lalo na sa grupo ni Ash, masama ang tingin niya kay Harris. Gano'n d
rin si Harris sa kanila. Si mommy naman tahimik lang.
"I already make a decision,Dean," sabi ni Tita. Nabaling sa kaniya ang tingin ng lahat.
"I want them to expelled." Huminga ako ng malalim, kita ko ang pagdilim ng awra ni Ash.
"Mrs. Harrington, hindi ba pweding bigyan niyo muna ng warning ang mga batang ito? Alam kong nararamdaman mo, naintindihan kita. Pero puwede naman sigurong hindi sila i-expell bagkos ay bigyan sila ng warning at i-suspendi," saad ng Uncle ni Ash.
"Mr. Santiago, walang kapatawaran ang pagbugbog nila sa anak ko na walang kalaban-laban at walang rason kung bakit. Kung bakit kailangang umabot sa ganiyan. Kaya pasensya, pero iyon ang gusto naming mag-asawa," singit ni Tito Rico, na nagpipigil sa kaniyang galit.
"Alam ko, alam ko. Pero puwede naman nating pag-usapan ng maayos ito na hindi naaapektuhan ang kanilang pag-aaral sa iskwelahang ito," sagot ng lalaki.
"Hindi kami sasang-ayon sa gusto mo Mr. Santiago. Our decision is final!" sabi ni Tita Hannah
"Quiet!" singhal ni Dean.
"Mr. Santiago, tinanong mo ba ang mga alaga mo kung anong rason nila kung bakit nila binugbog ang aking apo?" tanong ni Dean. Kinabahan na ako ng sobra. Nanginginig na ang kalamnan ko sa mga nangyayari.
"I'm sorry Dean. But yes, nakausap ko sila. Nagkainitan sila dahil sa isang babae. Dahil sa babaeng 'yan," sagot ng Tito ni Ash at tinuro ako. Napako ang tingin sa akin ng lahat.
"Miss Wallace, maari mo bang sabihin kung bakit ikaw ang tinuturo nila. Kahapon ay gano'n din ang sinabi ni Trisha, dahil sa'yo kaya nabugbog ang aking apo. Ano ba ang ginawa mo at umabot sa ganito?" sarkastikong tanong niya sa akin.
"Dean?" singit ni Mommy.
"M-mom, it's okay. Sasagutin ko ho ang katanungan ninyo, Dean. At para maging malinaw sa lahat. Lalo na sa iyo Ash," sabi ko .
"E-ex ko po si Ash," panimula ko. Huminga ako ng malalim at tinuloy ang aking sasabihin.
"No'ng nilipat ako ng parents ko sa school na'to, naging pabor sa akin 'yon dahil maiiwasan ko na siya. Bakit? Dahil sa isang bagay, bagay na sumira sa aming magkakaibigan na sinira niya," sabi ko at doon tumulo ang mga luha ko .
"Alam mo kung bakit ako lumayo sa'yo Ash. Iyon ay dahil nawalan kami ng kaibigan. Galit na galit na galit ako sa'yo dahil ikaw ang dahilan ng pagkamatay ng isa sa mga kaibigan ko. Pero pagkatapos ng isang taong 'di mo pagpapakita sa amin, kayo ng barkada mo. Bigla kang bumalik, at ginugulo ang tahimik kong buhay na pilit kong inaayos. Nakiusap ako sayo na 'wag na 'wag mong gagalawin ang mga kaibigan ko pero hindi ka nakinig. Gusto mo 'kong makipagbalikan sa'yo at kapalit nito ay ang pagtigil mo sa panggugulo sa kanila. Akala ko nagkaintindihan na tayo. Pero anong ginawa mo? Pinabugbog mo pa si Harris na wala namang kasalanan sa'yo. Sabi ko sa'yo na 'wag mo siyang galawin, pero ginawa mo pa rin!" kwento ko at hindi ko na pinigilan ang sarili kong umiyak. Hindi ko namalayan na dumating pala ang mga kaibigan namin. Tiningnan ko lang silang lahat na walang imik.
"Hindi mo alam kung gaano kasakit sa amin ang araw-araw na pagmasdan sa loob ng kabaong ang kaibigan namin. Na kahit galit sa amin ang magulang ni Frances ay kinapalan namin ang mga mukha namin. Na kahit kami ang sinisisi nila na imbis ikaw, ikaw ang dapat sisihin pero 'asan ka? Nawala ka na parang bula. At ngayon bigla kang lilitaw at guguluhin ako. At ano sa tingin mo? Magpapaloko ako sa'yo ulit? Sana hindi ka na lang bumalik, sana tuluyan ka na lang lumayo at naglaho. Baka sakali. Baka sakaling mapatawad kita." Hinayaan kong tumulo ang mga luha ko dahil sa halo-halong emosyon.
"Hindi ko ginusto ang nangyari kay Frances, Zinn. Kung puwede lang na maibalik ang oras sana nga ako na lang. Hindi ako lumayo para takasan ang nangyari, lumayo ako dahil hindi ko kayang harapin ang realidad na wala na siya," sagot niya.
"Pero sana nagpakita ka pa rin at humarap sa magulang niya. Ash, ikaw lang makapagturo kung saan at sino ang naglapastangan sa kaniya. Ikaw lang, pero na saan ka?! Hustisya Ash, hustisya ang sinisigaw ng mga magulang ni Frances. Kung sana hinarap mo sila noon at sinabi sa kanila ang lahat at ang katotohanan, sana nakamit na nila ang hustisyang 'yon at siguro o baka sakaling napatawad kita!" singhal ko. Wala na akong pakialam sa paligid o sa lugar kung na saan kami ngayon.
Hindi ko na kaya pangpigilan ang sarili ko. Gusto kong ilabas lahat ng galit at sakit na matagal ko ng kinimkim.
"Iha, 'wag mo naman isisi lahat sa pamangkin ko ang nangyari, isa pa matagal na 'yon isang taon na ang nakalipas," singit ng Uncle niya. Napapikit ako at hinarap ang Uncle niya.
"Sino ho ba ang nagbigay ng permiso sa inyo para sumabat sa usapan?" walang galang na tanong ko sa kaniya.
"Zinn anak, tama na," awat ni Mommy.
"I'm sorry Mom," sabi ko.
"Pero bakit ang anak ko ang sinaktan niyo? Anong kasalanan niya sa inyo?" tanong ni Tito. Tumingin ako sa kanila.
"Dahil mahilig siyang makisali," sagot ni Ash.
"Pero iho, kailangan bang bugbugin niyo ang anak ko ng ganito?" tanong ni Tito.
"He want me to stay away from Zinn, pero 'di ko siya pinakinggan at nakipagmatigasan ako. That's why, they did this to me," singit ni Harris.
"Pero hindi pa rin iyon sapat na rason. Iho, hindi mo pagmamay-ari ang anak ko para palayuin mo ang mga taong lumalapit sa kaniya. At wala kang karapatang manakit na kahit sino," singit ni Mommy
"Quiet, quiet, quiet! This is enough. I don't care about your personal issues. Hannah, are you sure with your decision? Ipapa-expell mo ang mga batang ito?" tanong ni Dean.
"Yes Dean, my decision is final. End of conversation," sagot ni Tita.
"Well, if that's what you want. Fine, we won't argue with you. Let's go kiddos," sabi ng Uncle ni Ash.
"No uncle, hindi kami aalis!" sabi ni Ash.
"Alam niyo, nakakatawa kayo. Itong babaeng to," natatawang sabi niya at dinuro ako.
"Hindi niyo naman kilala ang babaeng 'yan. Maging ang magulang niya hindi alam ang tunay na pagkatao ng babaeng 'yan. Hindi man lang kayo nagtataka kung paano niya kami nagagawang kalabanin o saktan ng gano'n-gano'n lang, kung tutuusin babae lang siya," sabi niya .
"Akala mo kung sino kang malini. Akala mo kung sino kang anghel, pero ang totoo, nagbabalat kayo ka lang!" galit na sabi niya. Para akong binuhusan ng tubig sa mga sinabi niya. Napasinghap ang mga kaibigan namin , maliban kina Wendy at Harris.
Natahimik ang lahat ng bigla na lang sinampal ni Mommy si Ash.
"Wala kang karapatang pagsabihan ang anak ko ng ganiyan. Ako ang ina niya at nagpalaki sa kaniya, kilala ko ang anak ko!" gigil na sabi ni Mommy.
"Talaga lang po, Mrs. Wallace. Ito ang tandaan ninyong lahat lalo ka na Zinn, darating ang araw na kamuhian ka nila," Sabi niya .
"'Wag po kayong makinig sa lalaking 'yan. Obsessed lang siya sa kaibigan namin. Hindi niya kasi matanggap na mas pinili ni Zinn si Harris kesa sa kaniya. Look how desperate are you Ash, hindi ka ba naaawa sa sarili mo? Sisiraan mo ang isang tao dahil lang sa kabiguan mo? Hindi ka pa rin nagbabago, selfish ka pa rin!" singit ni Wendy.
"Sige lang Wendy, pagtakpan niyo pa ang isa't isa, tandaan niyo. Walang sekretong hindi na bubunyag, malalaman din nila ang totoo, tandaan niyo 'yan!" sabi niya.
"That's enough, Ash, let's go!" sabi ng Uncle niya.
"Let's end this issues. All of you, go back to your class. Sumasakit ang ulo ko sa inyo!" sabi ni Dean.
Lumabas kaming lahat ng tahimik. Umalis na sila Harris kasama ang magulang niya. Si mommy naman aalis na din.
"Anak, kailangan ko nang umalis. May meeting pa akong pupuntahan. Mag-iingat ka okay?" sabi niya.
"Okay Mom, take care." sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi.
"Sige anak. Ahm, aalis na ako. Kayo na bahala sa anak ko, 'wag na kayong makipag-away naintindihan ninyo?" bilin ni Mommy
"Yes po, Tita, take care," sagot nila.
Hinatid namin si Mom sa labas ng school, pag-alis niya nagtungo na kami sa classroom namin.
"Hayssss, ka-intense 'yong eksena sa office," sabi ni Trisha.
"Oo nga e, 'di ko in-expect na gano'n ang maabutan ko pagpasok," sagot naman ni Megan.
"By the way, saan nga pala ang classroom niya?" tanong ng dalawa kila Wendy.
"Katabi lang sa classroom niyo." sagot nila.
"Hindi ko pa kayo kilalang tatlo. I'm Trisha nga pala," sabi ni Trisha at inabot ang kamay.
"Ayy oo nga, I'm Wendy, this is Ella and Audrey." pakilala ni Wendy .
"Hoyy, buds okay ka lang ba? Ang tahimik mo," tanong ni Wendy.
"I'm fine, may iniisip lang ako," sagot ko .
May gumugulo sa isip ko. Hindi ko maiwasang hindi isipin ang mga sinabi ni Ash kanina. Sa totoo lang, kinabahan ako, at natatakot na baka magkatotoo ang mga sinabi niya. Hindi pa ako handang umamin. Paano ko sasabihin sa kanila? Ilang araw na lang sabado na. Hindi ko alam kung mananalo ba kami sa laban. Pag natalo kami, wala akong choice kun'di ang tuparin kung ano 'yong kasunduan namin.
"Miss Wallace," bumalik ako sa realidad nang tinawag ako ng teacher namin. Hindi ko man lang namalayan na nasa loob na kami.
"Y-yes Maam," sagot ko.
"You are too occupied. Is there something bothering you. Kanina pa kita tinatawag, at kinalabit ka na ng mga katabi mo pero 'di mo napansin," sabi niya.
"I'm sorry, ma'am," yun na lang ang nasabi ko .
"Okay. Let's proceed," sabi niya .
Discuss!
Discuss!
Natapos ang klase na wala akong naintindihan.
Araw ng sabado, nagising ako ng alas onse ng umaga. Dumiretso ako sa banyo at naligo. Pagkatapos nagbihis ako ng panglakad, hinanda ko na rin ang gamit na dadalhin ko. Pupunta na lang ako sa company para makapag paalam ng personal kay mommy.
" Nay Fe,, aalis po ako, pupunta po ako sa bahay ng kaibigan ko. Dadaan na rin ako sa office ni mommy para magpaalam ng personal. " paalam ko.
" Ganun ba iha,, hindi ka ba kakain, nakapagluto na ako ng pananghalian. " sabi niya.
" Hindi pa po ako nagugutom Nay,, dun na lang siguro ako kakain. Uuwi po ako bukas. " sagot ko.
" Oh sige iha, magpaalam ka lang sa mommy mo para hindi siya mag alala. " sabi niya.
" Opo,, sige po nay tuloy na ako. " paalam ko.
" Sige iha, mag iingat ka. " sabi niya.
" Opo. " sagot ko . Lumabas na ako ng bahay at pumara ng taxi.
Papunta na ako kay mommy, tinawagan ko muna si Wendy para ipaalam na papunta na ako.
" Wendy,," sabi ko nang masagot niya ang tawag.
" Oh, hello buddss,, anong oras ka pupunta dito..? " tanong niya.
" I'm on my way,, dadaan lang ako sa office ni mommy para magpaalam. " sabi ko.
" Ahh, okay buddss, sige hihintayin ka namin. " sagot niya.
" Sige sige.. byee.. " sabi ko at pinatay na ang tawag.
Huminto na ang taxi sa tapat ng company. Nagbayad ako at bumaba na.
" Good morning Miss, pwedi ba naming makita ang I.D mo..? " tanong ng guards. Hindi na pala nila ako kilala, kinuha ko ang school ID ko at pinakita sa kanila.
" Ayy,, sorry maam,, naku anak ka po pala ng may ari nitong kompanya. Pasensya na po kung hindi namin kayo nakilala, laki niyo na po maam.. " sabi ni Manong Dante.
Ngumiti na lang ako sa kanya. Ang tagal na niya bilang security dito sa company namin.
" Haha,, okay lang po Tay Dante, medyo nagka edad na rin ho kayo. Kaya na intindihan ko po. " sabi ko sa kanya.
" Hehe, pasensya na talaga iha. Sige na pumasok kana. Welcome back. " sabi niya.
" Salamat po. Sige po maiwan ko na kayo. " sabi ko.
Pumasok ako sa loob at dumiretso sa elevator. Pinindot ko ang 5th floor kung saan ang office ni mommy. Pagbukas ng elevator tumingin sa akin ang mga empleyado .
" Sino siya.?" sabi nung isa.
" Don't know, angganda niya di ba..?" sabi nung isa. Tuloy lang ako sa paglalakad at dumiretso sa table ng secretary ni mommy.
" Ehemm,, excuse me.. " sabi ko. Mukhang di niya ako na mumukhaan.
" Yess Miss, how may i help you..?" tanong niya.
" I want to talk my mother, nasa loob ba siya.?" tanong ko. Medyo na shock siya ng banggitin ko si mommy.
" Omg,, Miss Lauriett..? " tanong niya . Natawa naman ako sa expression niya . Tinaggal ko ang salamin ko at tumingin sa kanya.
" Omg,, hala maam, sorry.. hindi agad kita namukhaan, ang laki na kasi ng pinagbago mo. At ang tagal mong di nakapasyal dito. Naku lagot ako sa mommy mo. " sabi niya.
" Ano ka ba, okay,. Ahm si mommy ..?" tanong ko ulit.
" Ayy nasa loob may mga pinipermahan... Oyyy kayo diyan,. Ito si Miss Lauriett Zinn Wallace, anak ni Madam at Sir Wallace. " sabi niya sa mga kasamahan niya.
" Naku.. anak pala nila Madam. Good afternoon po maam. Sorry po, hindi po kasi namin alam. " paumanhin nila. Napangiti naman ako sa pinapakitang kagalangan.
" It's okay,. Good afternoon din. " sabi ko at binigyan ko sila ng matamis na ngiti.
" Ate, papasok na ako ha. " sabi ko.
" Ahh, sige sige, maam, " sagot niya.
Kumatok muna ako sa pinto bago buksan.
" Come in.." sabi ni mommy. Lihim akong napangiti.
" Good afternoon madam. " biro ko. Napaangat naman siya ng tingin.
" Oh my god,, anak,, what are you doing here.? Bakit may dala kang bag.?" sabi niya at nilapitan ako.
" Hi mom,, " sabi ko at hinalikan ko siya.
" Hello,, sagutin mo muna tanong ko, what are you doing here and why do you have a backpack. " tanong niya.
" Mom,, ahm.. I need your permission. " sabi ko.
" Permission for what..? " tanong niya .
" Can I sleep over at my friend's house, kila Wendy again. " sabi ko.
" Hmm,, okay no problem,, basta umuwi ka bukas okay, darating ang Dad mo." sabi niya.
" Sure Mom, no worries,. Thank you. " sabi ko at niyakap ko siya.
" Your welcome,. Take good care okay, and behave. " sabi niya.
" Yes mommy,, so I have to go. Hinihintay na nila ako for lunch. " paalam ko.
" Okay,, take care. " sabi niya at hinalikan ako.
" Yes Mom. Byee,, I love you. " sabi ko.
" I love you too sweetie. " sagot niya. Lumabas na ako ng office.
" Bye Ate Juliet." sabi ko.
" Bye Miss Zinn,, " sagot niya. Pumasok na ako sa elevator at pinindot ang ground floo.
Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa subdivision..
Tinext ko si Wendy.....
" I'm on my way.." text ko.
Iniisip ko ngayon ang laban mamayang gabi. Kailangan manalo kami.
Kinagabihan,,,
Naghanda na kami,. Siniksik ko sa secret pocket ng coat ko ang mga gagamitin konsa laban kung sakaling wala ng choice,. Kanya kanyang paghahanda kami. Kapwa seryoso at nakatuon sa paghahanda. Hindi basta basta ang kalaban namin ngayong gabi.
WOLF GANG,, sila ang nangunguna sa rank ng mga lalaking gangster, . Kami naman sa mga babaeng gangster, at ngayon lang ito mangyayari.
Sisiguraduhin ko ang panalo ngayong gabi ay sa amin.
" Ready?? " tanong ko tatlo.
" READY..!!" sagot nila.
" Let's go.." sabi ko at naunang lumabas ng bahay at umangkas sa aking motor.
Sumunod naman silang tatlo at sumakay sa kani kanilang motor. Sabay na ming pinaandar at ako ang naunag lumabas.
Maya maya pa nasa kalsada na kami at mabilis ang takbo namin . Hindi naman ma traffic kaya mabilis kaming nakakalusot. Hindi nagtanggal ay narating na namin ang Underground Arena. Marami nang tao sa loob. Andito na rin ang grupo ni Ash. Sabay kaming pumasok lahat.
" Andito na ang DAG. " sabi nila.
" Ang aastig talaga nila. Siguro magaganda din sila. " sabi nung isang lalaki.
" Oo nga noh, hindi man lang natin nakikita ang mga muka nila dahil sa mga mask nila. " sagot ng isa.
"Kanino kayo pupusta mga tol?" tanong nung lalaki.
"Syempre dito sa mga babae. Alam ko mananalo sila. 'Wag nating maliitin ang mga babae tol, hindi sila mangunguna sa rank ng mga babaeng gangster kung mahina sila." sagot nung isa. Nakikinig lang ako habang hinihintay ang anunsyo ng emcee.
Nagpustahan sila ng pera at material na bagay, .
"Good evening Lady's and Gentlegangsters?!" sabi nung emcee. Nagsimula nang mag ingay ang arena.
"Alam kong excited na kayong lahat sa laban ngayong gabing ito. At malamang sa malamang, nagpupustahan na ang iba sa inyo." sabi niya.
"Well, ngayon lang to mangyayari. Ang ka una unahang laban ng babaeng gangster's at lalaking gangster's. Marahil ay karamihan sa inyo ay nagtataka. Ang dalawang grupong nangunguna sa rango ay maglalaban. Lima laban sa apat. Sino ang mananalo? Ang Dark Angel o ang Wolf Gang? Handa na ba ang lahat?" tanong niya. Umingay naman ang buong arena at hindi na makapaghintay.
"Buds tara na." sabi ni Wendy. Pumasok na kami sa pinto papuntang battle area.
"Handa na kayo?" tanong ko .
"Handa na. Manalo man o matalo." sagot nila. Nag group hug kami at hinanda na ang aming mga sarili.
"Hindi na natin patatagalin pa, simulan na ang laban. Let us call on...the Wolf Gang!" sabi ng emcee, pumasok sa battle area ang grupo ni Ash. Naghiyawan naman ang mga tao, halatang madami silang tagahanga.
"At tatawagin naman natin ngayon ang Dark Angel Gang" sabi ng emcee.
Pumasok kaming apat at mas lalong umingay ang arena. Isa isa kong tiningnan ang grupo ni Ash. Natural lang ang mga kilos nila na parang hindi nila kilala ang mga kalaban nila.
Tiningnan ko naman ang mga kasama ko, parang wala lang din sa kanila.
"And now let's the battle beginnn!" hudyat ng emcee.
Pumorma kaming apat. Naka tuon ang atensyon ko sa dalawang taong magkatabi. Si Ash at Louis. Alam kong silang dalawa ang makakalaban ko, kaya hinanda ko na ang sarili.
Sumugod silang lima sa amin at sabay kaming umilag sa unang atake nila. Ngayon nagkapalit kami ng sitwasyon.
Isa laban sa dalawa. Huminga ako ng malalim at pumikit. Naramdaman ko ang paglapit ng isa sa kanila . Nahawakan ko ang kamao at minulat ko aking mata. Gulat na napatingin sa akin si Louis.
Napa smirked lang ako at dahan dahang kumilos. Susuntukin niya ulit ako pero nasalo ko pa rin.
"Tsk, ako naman!" sabi ko at tinadyakan ko sabay pinaikot at pabatong binitawan papunta kay Ash.
Si Ash naman ngayon ang lumapit at umaatake sa akin. Iniilagan ko lang siya at tinatawanan.
"Nababakla ka na ba Ash? Tsk," sabi ko sa kaniya at mabilis ko siyang siniko sa sikmura sabay tuhod sa kaniyang mukha. Pumorma ulit ako. Ngayon sabay silang umilag at inaatake nila ako pareho. Natamaan ako sa tiyan at napa atras ako.
Aatakehin na sana ako ni Louis pero umikot ako at siniko ang likod niya. Hinarap ko si Ash at pinag sisipa ko siya. Natamaan ko siya sa tiyan at dibdib na ikinatumba niya.
"Tingnan natin kung maiilagan mo pa 'to Black." sabi ni Louis. May hawak siyang kutsilyo.
Sinugod niya ako at nailagan ko naman 'yon. Hinawakan ko ang kamay niya at pilit na inaagaw ang kutsilyo.
"Hindi mo ako matatakot sa kutsilyo mo." sabi ko. Dinukot ko ang punyal ko at sinugatan ko siya sa braso.
"Ahhggghh!" impit niya.
"Akala mo ba ikaw lang ang may ganiyan? Bobo!" singhal ko.
Ngayon naman, si Ash ang kaharap ko. May hawak siyang dalawang punyal.
Mabilis siyang sumugod at inaatake ako. Nailigan ko 'yun, pero nawalan ako ng balanse. Natumba ako at mabilis niya akong nilapitan.
"Ano na Zinn, sumuko na lang kayo kung gusto niyong maka uwi ng maayos at walang nasasaktan!" bulong niya.
"In your dreams!" Sabi ko at sinugatan ko siya sa mukha.
Gumulong ako para makaalis sa kaniya. Tumayo ako at sinalubong naman ako ng sipa ni Louis. Napasubsob ako sa sahig at napa ubo.
Subrang sakit ng pagka sipa niya. Nahirapan akong tumayo. Hindi... hindi puwedeng matalo kami. Huminga ako ng malalim at tumayo. Tiningnan ko ang mga kasama ko. Pagod na rin sila, pero napatumba na nila ang isa sa kasama ni Ash. Lihim akong napangiti at na buhayan ng pag asa. Ngayon ako naman...
Kinuha ko ang punyal na nakatarak sa hita ko at hinawakan ko ng maayos. Sisiguruhin kong isa sa kanilang dalawa ang hindi na makakalaban.
" T*****a nakatayo ka pa!? " singhal ni Ash.
"Anong akala mo sa akin mahina? 'Wag kang atat magsisimula pa lang ang tunay na laban." sabi ko sa kaniya. Napatda naman siya, akala niya siguro susuko kami ng gano'n lang.
"Ano sugod!" paghahamon ko.
Sinugod nila ako at mabilis kong inilagan ang suntok ni Louis at hinawakan ang braso niya sabay sipa sa dibdib ni Ash. Bumagsak siya sa sahig, hinarap ko naman si Louis at mahigpit kong hinawakan ang braso niya tinuhod ko siya sa sikmura at sa mukha niya. Bagsak sa sahig at wala ng malay. Ngayon dalawa na ang napabagsak namin lumapit ako kay Ash at sinakmal ko siya.
"Ngayon ko ipapakita sa'yo ang tunay na laban!" madiin kong sabi. Hinawakan ko siya sa leeg at pinapatayo.
"Isa sa dahilan kung bakit ako nakipaghamon sa inyo ay dahil gusto kong iparanas sa iyo ang naranasan ng kaibigan namin!" sigaw ko sa kaniya.
Sinugatan ko ang magkabilang pisngi niya.
"Para sa mga pasa ni Frances sa mukha!" gigil na sabi ko.
"Ahhhhggg,, hayop kaaa!" sigaw niya.
"Matagal ko ng alam!" sagot ko.
Sinunod ko naman ang mga braso niya,
"Ahhhhhggg!" sigaw niya.
"Ano Ash, masakit ba!?" tanong ko.
"H-hayop ka," sabi niya. Tinawanan ko lang siya at para na akong demonyo sa galit ko.
"Namnamin mo ang galit ko!" Gigil na sabi ko.
Sinugatan ko naman ang mga binti at hita niya.
"Ahhhgggghhhh...haaaa, t-tama naaa!" sigaw niya.
"Hindi pa ako tapos, alam mo kulang pa 'to kung tutuusin gusto kitang gilitan sa leeg at panoorin na unti unting mamatay!" madiing sabi ko.
"Itong huling gagawin ko, para sa pagbugbog niyo kay Harris!" sigaw.
Itinarak ko ang punyal niya sa kanyang kamay. Napasigaw siya sa sakit at mas diniinan ko pa.
"Ahhhggggghh... napaka hayop mo!" sigaw niya.
Hindi ako nakuntento, pinag sisipa ko siya gaya ng ginawa nila sa akin hanggang sa mawalan siya ng malay.
Lumapapit ako sa kasama ko at sabay naming pinabagsak ang dalawa nilang kalaban.
Natapos ang gabing 'yun na nabahiran ng dugo ang kamay ko.
"Zinn, pinatay mo ba si Ash?" tanong nila.
"Hindi pinatulog ko lang." sagot ko at sinuot na ang helmet ko. Pinaandar ko ang motor ko at na una sa kanila.
Dumating ako sa bahay na hindi ko man lang napansin. Binuksan ko yung gate at pumasok, maya maya pa dumating din sila Wendy.
"Hay, nakarating din kanina pa ako nagugutom, guy's kain tayo," yaya ni Audrey.
"Sige, magluto ka ng hotdog may slice bread pa naman at cheese." sagot ni Ella.
"May drinks?" tanong ko.
"Drinks? You mean beer?" tanong ni Wendy. Tumango ako bilang sagot.
"Meron pa yata, 'di ko sure check niyo na lang sa ref." sagot niya.
Pumasok kami sa kusina at nagluto na si Audrey. Hinanda naman namin ang slice bread at cheese. Tiningnan ko naman kung my drinks pa sa ref. Meron pang lima, kinuha ko 'yun at ang yelo. Binuksan ko 'yung isa at tinungga ko.
"Ehem, nagsi celebrate ka ba buds?" Tanong ni Audrey.
"No, gusto ko lang uminom. Pangpatulog." Sagot ko.
"Hindi ko inasahan na matatalo natin sila. Akala ko nga tayo ang matalo. Walang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang usapan niyo." sabi ni Ella.
"Me too, at muntik na akong sumuko kanina. Pagod na ako, pero nung mas na unang bumagsak si Daniel doon ako nagkaroon ng lakas ulit. Hays, pero si Ash sa tingin mo buds titigil na siya?" Tanong ni Audrey.
"Ang usapan ay usapan, kung patuloy pa rin siya sa panggugulo, hindi niya ako titigilan o tayo. At mas lalong hindi niya titigilan si Harris. " sagot ko .
"Tama, kaya dapat may closure kayo na maayos." Sabi ni Wendy.
Siguro naman maging okay na ang lahat...