Ingay ng phone ko ang nagpagising sa akin, kinapa ko iyon at sinagot.
"Hello? sagot ko habang ng hihikab.
"I'm sorry, did I disturb you?" tanong sa kabilang linya. Tiningnan ko ang caller. Si Harris pala....
"No, it's okay. Kumusta ka?" tanong ko.
"I'm fine, by the way. Mom wants to invite you for dinner, makakapunta ka ba?" tanong niya.
"Yeah, sure, what time?" tanong ko.
"7pm, susunduin kita," sabi niya.
"No need, Harris, tiyaka 'di ka pa makapag-drive so, magpapahatid na lang ako sa driver namin," sabi ko.
"Okay, sige, see you later," saad niya.
"Okay, see you too," sabi ko at pinatay ko na 'yung tawag. Tumingin ako sa relo ko, ala una na pala ng hapon. Sila Wendy kaya gising na? tanong ko sa sarili. Pumasok ako sa banyo at nag-ayos. Kinuha ko ang mga gamit ko para umuwi na.
"Oyyy akin na yann," rinig kong sabi ni Ella.
"Patingin muna kasi, yiiiieeee, pumapag-ibig ang lola natin!" pang-aasar ni Audrey.
"Oyyy, tama na yann baka magising si Zinn," saway ni Wendy.
"Ehemm. Ahm, kailangan ko nang umuwi," sabi ko sa kanila.
"Ehh? Uuwi ka na? Akala namin bukas pa," sabi ni Wendy.
"Hindi puwede, Dad is coming home and Harris called me, he invited me for dinner sa house nila," sabi ko.
"Ahh, okay, okay kain ka muna buddss," sabi ni Ella. Tumango ako, nilapag ko ang gamit ko sa sofa at pumunta sa kusina para kumain.
Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako.
"Ikumusta mo na lang kami kay Harris ha," sabi ni Wendy.
"Yeah , sure. See you tomorrow," Sabi ko sa kanila.
"Okay buds, take care," sabi nila at nag-group hug kami.
Lumabas na ako ng bahay at pumara ng taxi.
Pagdating ko nasa garage ang kotse ni Daddy, nandito na pala siya. Patakbo akong pumasok sa loob.
"Dadd," tawag ko sa kaniya. Nasa salas sila ni mommy nag-uusap.
"Lauriett, anak. Mabuti naman at nandito ka na. We have something to tell you," sabi niya. I kiss and hug him, na miss ko si Dad, sobrang busy niya this past few weeks.
"What is it Mom, Dad?" tanong ko.
"Anak, we told you last time that your engagement will be next month, right?" tanong ni Mommy.
"Yes,po," sagot ko.
"Well, we want to move it this coming Saturday," sabi mommy. Bakit ang bilis?
"But, why Mom, Dad? Why such on hurry?" tanong ko.
"Plano talaga namin next month anak kung hindi pa matatapos ang project ng Daddy mo sa tagaytay. But it's completely done, we are not busy, we have our time for that day. Next month kasi aalis ang Dad mo," sabi ni Mommy.
"Did Tito and Tita know about this? " tanong ko.
"Yes anak, actually they invited you for a dinner," sabi ni Mom.
"Yeah, Harris called me," sagot ko.
"I'm sorry kung hindi kami makasabay may aasikasuhin pa kami ng Dad mo, for your engagement," sabi ni Mom.
"It's okay Mom. Ahm, aakyat na po ako. Welcome home Dad. I miss you," sabi ko kay Daddy at niyakap ko siya ng mahigpit.
"I miss you too anak, my Angel," sabi niya. Kumalas na ako at umakyat na sa taas para magpahinga.
Mamaya na lang ako maliligo, iidlip lang ako ng dalawang oras. Nagpa-music ako at nahiga sa kama, nag-set din ako ng alarm clock.
After two hours...
I turn off my phone and get up. Naghanap ako ng masusuot sa closet ko. Pinili ko yung bagong nabili kong dress na kulay black and white. Pumasok na ako sa banyo at naligo.
Couple of minutes, inaayos ko na ang sarili ko sa harap ng salamin ko. Kaunting powder and lip balm lang ang nilagay ko. Kinuha ko ang sling bag ko at nilagay ang phone and wallet.
"Mom, Dad?" katok ko sa kuwarto. Mayamaya bumukas iyon.
"Anak, wow, you look gorgeous on your outfit anak. Mana ka talaga sa akin," sabi ni mommy. Ngumiti ako sa kaniya...
"Thank you Mom. I gotta go, papahatid ako kay Kuya Ben," paalam ko.
"Yeah sure, your Dad is sleeping, ako naman may tinatapos sa work. Take care and send our regards to your Tita and Tito," sabi ni Mom.
"Sure Mom, no problem. I Love you, bye," sabi ko at humalik ako sa pisngi niya.
"I love you too, anak," sagot ni Mom.
Bumaba na ako at tinawag si Kuya Ben. On the way na kami nang mag-text ako kay Harris.
"I'm on my way," text ko.
"I'm waiting, here outside," reply nya. Lihim akong napangiti. Mayamaya pa nasa tapat na kami ng bahay nila at nakita ko siyang nakasandal sa gate. Pinagbuksan ako ni Kuya Ben at bumaba na ako. Sinalubong naman niya ako at inalalayang pumasok.
"Thank you for coming. Mom is waiting for you," sabi niya.
"Your welcome, na late ba ako? " tanong ko.
"No, tama lang ang dating mo. By the way, you look gorgeous," sabi niya na may pakindat pang kasama.
"Hmm, thanks," nakayukong sabi ko. Pumasok na kami sa dinning area nila.
"Ohh, she's here. Lauriett, welcome to our house iha. Thank you for coming," sabi ni Tita at niyakap niya ako.
"Thank you for the invitation, Tita," nakangiting sagot ko.
"Come, the dinner is ready, I cook your favorite dish, Harris told me na favorite
mo ang mga ito so, I cook it for you," natutuwang sabi ni Tita.
"Thank you, Tita, I appreciate it by the way, good evening, Tito Rico," bati ko Kay Tito Rico.
"Good evening iha, have a sit," sabi niya . Umupo naman ako, katabi ko si Harris katapat namin ang Mom niya at sa side namin si Tito.
"Let's eat," sabi ni Tita.
Tahimik lang kaming kumain, subrang sarap ng luto ni Tita. At halos lahat nga ng paborito kong ulam niluto niya. May dessert din siyang hinanda.
"Ehem, Zinn iha, I bet your parents told you about the engagement party this coming Saturday." sabi ni Tita Hannah. Dessert na lang ang kinakain namin ngayon at nagkekwentuhan kami.
"Saturday Mom?" takang tanong ni Harris.
"Yes anak, tapos na daw ang project ng Tito Terence mo sa tagaytay kaya gusto nilang I move sa sabado ang engagement." sabi ni Tita.
"Well, it's okay for me. Mas maaga mas maganda besides pareho lang naman 'yun. Magsasama pa rin kayo sa iisang bahay." sabi ni Tito.
"You seemed so excited." sabi ni Harris.
"Is there anything wrong Harris?" tanong ni Tito.
"No Dad," sagot niya.
"Don't worry, aalalayan naman namin kayo. Hindi namin kayo hahayaan na lang." sabi ni Tita, tahimik na kami at kumakain ng dessert.
"So, puwede ba naming malaman ang status ninyong dalawa ngayon?" biglang
tanong ni Tita.
Nagtinginan kami ni Harris at napalunok ako.
"Ahm ehem, where getting to know each other, Mom and we're friends of course." sagot ni Harris.
"That's good, well it's better if more than that," ngiting sabi ni Tita. Tahimik lang ako habang inuubos ang dessert ko pero kinakabahan.
"Harrington School anniversary is coming, what is your plan Harris since you are the SSG president. Do you have any idea?" tanong ni Tita.
"Ahm not yet Mom but tomorrow, I will set a meeting and ask Lola for her support for the event." sagot niya.
"How about you iha? Do you have any suggestions for the event?" tanong ni Tita sa akin. Napaisip naman ako kung ano ang ma i-suggest ko.
"Ahm, Debate and Quiz bee po, Tita." sagot ko.
"That's a good idea, matagal na ring walang naganap na debate at quiz bee sa school. Actually mas kaabang-abang ang dalawang 'yan, maliban sa sports." sabi ni Tita.
"You are right hon. What do you think Harris?" singit naman ni Tito.
"Yeah, I agree with it. And a contest, I think two days celebration is enough for the event. First day the debate and quiz bee, then second day is sports and contest." sabi niya.
"What kind of contest?" tanong ko.
"Ahm, any suggestions?" tanong niya.
"Why me?" tanong ko.
"Why not?" pabalik niyang tanong.
"Oh come on, Harris bakit ako? That is your obligation, your responsibility. It's supposed to be that you have an idea." sabi ko.
"I'm just asking your suggestion, what is wrong?" tanong niya.
"Nothing, but it's not me who can decide here. First of all I am not your officer." sagot ko.
"I was just asking Zinn." sabi niya.
"And now you are mad?" sabi ko.
"No I'm not," deny niya
"Yes you are." giit ko.
"Ehem..." ubo ni Tito.
Sabay kaming umayos ng upo at tumingin sa kanila na may tanong sa mga mukha.
"I'm sorry Tito, Tita." paumanhin ko nang marealize ko na nasa harapan pala kami ng pagkain at sa kanila.
"Are you fighting?" tanong ni Tita.
"No Mom, I'm sorry." sagot ni Harris.
"You can talk about that in your meeting tomorrow Harris. Ngayon pa lang pag isipan mo na ang mga event na gagawin sa araw na 'yan." sabi ni Tita
"Yes Mom, I will." sagot niya.
Tumingin ako sa relo ko kung anong oras na. Ang bilis 'di ko man lang namalayan na 10pm na pala.
"What's wrong?" tanong ni Harris.
"I think I should go home, it's 10pm already." sagot ko.
"Oh, I'm sorry iha nakalimutan ko din. But, you can sleep here anak. May bakanteng kuwarto naman dito." sabi ni Tita.
"Naku Tita, uuwi na lang po siguro ako. May taxi pa naman po siguro." sagot ko.
"There is no taxi here at this time. Bukas ka na lang umuwi delikado na sa labas." sabi ni Harris.
"Stay here iha, bukas ka na lang umuwi ng umaga. Hannah prepare her room." sabi Tito.
"But Tito." sabi ko.
"Don't worry I will call your parents." sabi ni Tito.
"Aayusin lang namin ang tutulugan mo iha, Harris ikaw muna ang bahala kay Zinn." paalam ni tita.
"Sa salas muna tayo, may katulong naman na magliligpit." sabi ni Harris. Nagpunta kami sa salas nila habang hinihintay namin si Tito na kausap si Mommy.
"Zinn, you can stay here bukas ka na lang umuwi sabay na kayo ni Harris. Your mom says okay so no problem." sabi ni Tito.
"Thank you Tito," sabi ko.
"No problem, hindi ka na iba sa amin, you are part of our family." sabi ni Tito na nakangiti sa akin.
"So maiiwan ko na kayo, aakyat na ako sa kuwarto namin. Harris, ikaw na ang bahala kay Zinn okay." paalam ni Tito.
"Yes Dad goodnight." sagot niya.
"Goodnight Tito." sabi ko.
"Goodnight too, both of you." sagot ni Tito at umakyat na siya sa taas.
"Iha, okay na ang room naayos ko na at may pamalit ka na din doon. Sige na umakyat ka na at magpahinga may pasok kayo bukas. Harris ikaw na bahala kay Zinn okay." sabi ni tita pagbaba niya.
"Thank you Tita Hannah nakakahiya po, pero salamat po." nahihiyang sabi ko.
"Ano ka ba no problem okay, isa pa like what your Tito Rico said, you are part of our family so don't be shy," nakangiting sabi niya.
"O-opo, sige po aakyat na po ako. Goodnight Tita." paalam ko .
"Goodnight too iha,"
"Goodnight Mom," sabi ni Harris kay Tita Hannah.
"Goodnight," sagot naman niya.
Umakyat na ako sa kuwarto ko at naupo sa kama.
"Hmm, okay ka lang ba dito?" tanong ni Harris.
"Yeah thanks, Matulog ka na din," sabi ko sa kanya.
"Inaantok ka na ba?" tanong niya.
"Nope, why?" sagot ko.
"Ahm, I just want to talk about us." sabi niya.
"You mean, about your plan of courting me?" tanong ko. Tumango siya bilang sagot. Tumabi siya akin at hinawakan ang kamay ko.
"I'm serious and sincere about my feelings for you Zinn. I know it's too early and so fast but I can't stop it. I-i can't stop my feeling, Everytime na nakikita kita gusto ko lagi na lang kitang kasama. I think I don't like you, I-i think.. I love you.." sinsero niyang sabi na nakatitig sa aking mga mata. Kita ko kung gaano ito ka seryoso at ramdam kong totoo ang mga sinasabi niya. Nagwawala ang puso ko sa loob na parang gustong kumawala. Pakiramdam ko kinikiliti ako sa tiyan sa mga katagang binitawan niya.
"Zinn?" tawag niya sa pangalan ko na nagpabalik sa akin sa huwisyo.
"H-harriss, ahmm... H-hindi ko alam ang sasabihin ko. I'm sorry, n-nagulat lang kasi ako." na uutal na sabi ko.
"I'm sorry kung nagulat kita I understand and I am willing to wait for your answer." sabi niya sa akin. Ngumiti kami sa isa-t isa at dahan dahang lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Hindi ako makagalaw, para akong napako at hinihintay lang ang susunod niyang gagawin. Hanggang sa naramdaman ko ang malambot niyang labi na lumapat sa labi ko...
Bigla akong natauhan at humiwalay ako sa kaniya.
"I-im sorry, m-matutulog na ako." nauutal na sabi ko, nanlalamig ang katawan ko at subrang bilis ng t***k ng puso ko. He kiss me so gentle and his lips is so soft. Ano bang pinagsasabi ko? Saway ko sa aking sarili.
"If you need anything, nasa kabila lang ako. Goodnight wife." sabi niya at hinalikan ako sa noo at mabilis na lumabas.
Ang walang hiya hinalikan na nga ako sa labi humirit pa sa noo.
Mabilis akong pumasok sa banyo para magpalit. Napatitig ako sa aking sarili sa salamin, at naalala ko ang halik na yun.
Gusto ko na rin ba siya?
Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Harris Harrington, am I inlove with you?
Mga tanong ko sa aking sarili na hindi ko alam ang sagot. Humiga ako sa kama at ipinikit ang aking mga mata, doon ko lang na-realized na nakangiti na pala ako.