HER SECRET : CHAPTER 8

3420 Words
Nagising ako sa katok nh pinto. Tiningnan ko ang oras sa phone ko 5:45 na ng umaga, bumangon ako para buksan iyon. "Good morning, how's your sleep?" bungad sa akin ni Harris na ang laki ng ngiti. Doon ko lang naalala na nasa bahay pala nila ako natulog, patakbo akong pumasok sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush, buti may toothbrush na nilagay si Tita. Nakakahiya 'yong itsura ko, hayss. "Hihintayin na kita sa baba, nakahanda na ang breakfast, then uuwi tayo sa inyo para makapagbihis ka," sabi niya at sinara na 'yung pinto. Buti naman at nauna na siyang bumaba. Mabilis akong nagbihis at lumabas na ng kuwarto at bumaba. "G-goodmorning," bati ko sa kanya. "Good morning, here's your breakfast, ako ang naghanda niyan kaya dapat ubusin mo," masayang sabi niya. Marunong pa lang magluto ang lalaking 'to. Tiningnan ko ang hinanda niya, scrambled egg and sandwich at toasted bread. Sinimulan ko na ang pagkain at pinakiramdaman ang lasa. "Hmm, in fairness, masarap ka pa lang magluto. Thank you," masayang sabi ko. "Of course, basta para sa mahal ko. Syempre masarap din akong magmahal," sabi niya. 'Di na lang ako umimik at baka saan umabot ang ka kornihan ng lalaking to. Pagkatapos naming kumain ay nagbihis muna siya ng school uniform. "Ahm, Zinn can you help me for the meeting later?" sabi niya. Papunta na kami ng bahay ngayon. "Bakit naman, puwede ba ako d'on?" tanong ko. "Of course, I'm the president. Ako ang masusunod, besides... You are my fiance and soon to be wife," sabi niya. "Baka nakalimutan mong tayong dalawa pa lang ang nakakaalam," sabi ko. Come on Zinn, pagbigyan mo na lang ako. I want you to be there. Okay?" sabi niya at pinisil ang pisngi ko. "Awh, kailangan talaga mamisil ng pisngi," reklamo ko. "You're cute. I love to touch your cheek and kiss your lips," pilyong sabi niya. Kinilabutan ako at naalala ko ang ginawa niya kagabi. "p*****t," sabi ko. Tumawa lang siya at hininto na ang kotse sa tapat ng bahay. "Were here. Dito na lang kita hihintayin," sabi niya. "Sige. 30 minutes, maliligo pa ako e," sabi ko. "Hmm, okay, papasok na lang ako loob," sabi niya. Bumaba na kami ng kotse at pumasok sa loob. "Good morning, Nay, sila mommy?" tanong ko kay Nanay fe. "Good morning, iha. Maaga silang umalis, 'di ka na nahintay. May meeting sila sa kompanya ninyo," sabi ni niya. "Ahh, okay po," sagot ko at umakyat na sa taas. Mabilis akong pumasok sa banyo at naligo, pagkatapos sinuot ang uniform ko at inayos ang buhok ko, naglagay lang ako ng powder sa mukha at liptint. Kinuha ko ang gamit ko at bumaba na. "Let's go," sabi ko kay Harris. Hindi siya umiimik at nakatitig lang sa akin na nakangiti. "Harris, ma-le-late na tayo," sabi ko sa kaniya at hinampas ko siya. "Ahw, why did you do that?" tanong niya. "Mukha ka kasing maniac," sabi ko at lumabas na ng bahay. "What did you say? Ako maniac? Itong mukhang 'to maniac?" tanong niya. "Nyenyenye, bilisan mo na kasi , ma-le-late tayo, mamaya ka na mag imagine," sabi ko. "Yeah, right. Hmm, I remember last night," pilyong ngiti niya. Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. "Don't talk about it," sabi ko. "You're blushing," pang aasar niya. 'Di ko na siya pinatulan, bahala siya diyan. Pagdating namin sa school mga mata ng schoolmates namin ang nakikita ko. At mga bulungan, hays. "Sis, buti naman at dumating na kayo, kanina pa namin kayo hinihintay," salubong ni Megan. "Megan, we have a meeting later, about the upcoming event of school," sabi ni Harris. Taka namang tumingin si Megan sa kaniya. "What event?" tanong niya. "School anniversary" sagot nito. "Shockss! I've forgot. Okay, okay, what time ba?" tanong niya.. "After lunch or after class," sagot ni Harris. "Hmm, after class na lang para mapag-usapan ng maayos. Okay, i-a-announce ko mamaya," sabi niya. Naglalakad kami papuntang classroom nang biglang may humarang sa amin. Sila Stella at ang mga kaibigan niya, nakabalik na pala siya. "So, the rumors is true, lagi kayong magkasamang dalawa," sabi niya. "What are you talking Stella? Ano naman kung magkasama kami ni Harris?" tanong ko. "You b*tch, na suspend ako because of you and now, you're with Harris. Do you think hindi ko alam? Nabugbog si Harris because of you, 'di ka na nahiya nilalapit mo pa ang sarili mo sa kaniya!!" singhal niya sa akin. "Kung sino man ang nagbalita sa'yo, sana naman kinumpleto 'yong detalye. Pakilala mo sa akin at nang ma-seminar," sagot ko. "Mang aagaw ka!!" susugod na sana siya pero humarang si Harris. "Stop it Stella. Kakabalik mo pa lang dahil na suspend ka, and now here you are again," sabi ni Harris. "Are you defending that girl?" tanong niya. "Yes, and if you will not stop, ako mismo ang magdadala sa'yo sa guidance," sabi ni Harris. "Ha! Really Harris, after all that we're together? Nakalimutan mo 'atang may namamagitan sa atin!" "Yes, I already forget everything about us. Because you cheated on me," sabi ni Harris. "No, that is not true. I broke up with him and now I'm here, ikaw ang pinili ko," sabi niya. "It's too late Stella. I don't love you anymore. At hindi ako tanga na magpaloko sa'yo ulit," sabi ni Harris. "Hay naku! You know Stella, 'wag muna ipagsisikan ang sarili mo sa taong ayaw sa'yo. Malinaw naman na wala nang feelings ang cousin ko for you. So move on, d'on kabna sa lalaki mo," singit ni Megan. "Shut up! Alam mo pareho lang kayo ng babaeng to e, ang hilig umepal," singhal niya kay Megan. "Ang gondooo ko namang epal. Ayy naku, buti na lang naghiwalay kayo ng pinsan ko, 'di rin naman kayo bagay," pang-iinis ni Megan. "What did you say?" gigil na tanong nito. "Ayyy, bingi mo gurl," sagot niya. "Let's go. Baka mahuli tayo sa klase," sabi ni Harris at paalis na sana kami pero hinila ni Stella ang kamay ko. "'Di pa tayo tapos," sabi niya at sasampalin niya sana ako. "Try to slapped her, ako ang makakalaban mo," sabi ni Harris. Hinawakan niya ang kamay ko at nagtungo na kami sa classroom, naiwan namang tameme si Stella. Pagdating sa classroom naghintay na lang kami ng teacher. Magkatabi kami Harris ng upuan, hawak ang kamay ko na parang wala ng planong bitawan. "Good morning, class," sabi ni Miss Claire English teacher namin. "Good morning, Miss Claire." bati naming lahat. "Have a sit. Class I have announcement. Our school anniversary is coming. Me and my co-teacher in English have an idea. Every section or classroom, should have a representative for the essay making contest. And we will choose one student to represent. In your section, I already chose, Miss Wallace, to be our representative," sabi niya. Nagulat naman ako at napaupo ng maayos. "Miss, a-ako po" paglilinaw ko. "Yes, Miss Wallace. Since you are my best student in English subject here in our class in your section, ikaw ang napili ko," sabi niya. "But, Miss," tatanggi pa sana ako. "No but's Miss Wallace. I already decided." sabi niya. At wala na nga akong nagawa kun'di umo-o. Nagsimula na ang klase namin. Discuss Discuss Discuss Dismissal... Pagkatapos ng klase ay papunta na kami sa student council office para sa meeting, nauna na si Harris doon at naghintay. Nag-text na ako sa kaniya na malapit na kami. "Sis, if you need help sa essay andito lang kami ha," sabi ni Megan. Nasa harap na kami ng office nila. "Oo naman, but don't worry I can handle," sagot ko. Binuksan na ni Megan ang pinto at... "We're... Oh em..." 'di natapos ni Megan ang sasabihin niya dahil sa nasaksihan namin. Naghahalikan si Harris at Stella... "Sh*t! Z-zinn..." sambit ni Harris sa pangalan ko. "Akala ko ba meeting. Bakit may naglalampungan dito?" sabi ni Megan. "I-its not what you think. L-let me explain..." sabi Harris na halatang kabado. "Let's start the meeting para maka-uwi na tayong lahat," sabi ko. Hindi ko magawang tingnan si Harris, habang si Stella naman parang wala lang nangyari. Mabilis naming tinapos ang meeting, puro lang ako oo sa mga tanong nila,. "I have to go, nasa labas na ang sundo ko," paalam ko kila Megan. "Sasabay na kami palabas sis. Tara," sabi ni Megan at naglakad na kami. "Zinn," tawag ni Harris. "Zinn wait," tawag niya ulit. "Please wait, let me explain," hawak na niya ako sa kamay ngayon at nakaharap sa kaniya. "Explain for what Harris? Tapos na ang meeting, nand'on ako to assist you and share my idea. Ano pang e-explain mo?" tanong ko. "About what you saw," diretsong sabi niya. Napabuga ako ng hangin at pumikit saglit para kumalma. "Harris, look, I don't care of what I saw. It's clear, malinaw 'yong nakikita ko. At 'di ko na kailangan ang explanation mo dahil wala ka namang dapat na ipaliwanag," sabi ko. "Zinn, it's not what you think. Please listen," sabi niya. "Enough Harris, enough. 'Wag mo 'kong kinukulit baka masapak kita," Sabi ko at tinalikuran siya. "Ako na maghahatid sa'yo, mag-uusap tayo," sabi niya at kinuha ang gamit. "Harris ano ba? Give me my things," sabi ko. "Not until you come with me and talk to me," sabi niya . Naiinis na talaga ako sa lalaking to. "Sabing akin na e," Hinila ko siya paharap at sinapak. Kinuha ko ang gamit ko na nagkalat sa daan. "Oh my god, Harris!" sigaw ni Stella at lumapit kay Harris para alalayan itong tumayo. "How dare you!" singhal niya sa akin at sasampalin sana ako. Napigilan ko ang kamay niya at mahigpit na hinawakan. "Dont you dare lay your dirty hands on me!" madiin kong sabi at pabatong binitawan 'yon. "You freak! How dare to punch him!" sabi niya. "How dare you too! 'Wag mo 'kong babanggain! Makikita mo hinahanap mo! sabi ko. Tinalikuran ko na sila at nagmadaling sumakay ng kotse. Nanginginig ako sa galit at inis. Bakit ba kasi ganito ang nararamdaman ko? Nagseselos ba ako? Bakit ako nasasaktan? tanong ko sa aking isipan. Pagdating ng bahay dumiretso ako sa kuwarto at pabagsak na nahiga sa kama. Nakatitig ako sa kisame at naalala ko ang paghalik ni Harris sa akin at ang sinabi niya. Naalala ko din ang nakita ko kanina, 'di ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Tumunog ang phone ko, kinuha ko iyon sa bag at tiningnan kung sino ang tumawag. Si Megan, ayaw ko sanang sagutin pero kailangan ko ng makausap, kaya sinagot ko ang tawag niya. "H-hello," sabi ko. "Sis, Are you okay?" tanong niya. Bumuntong hininga ako at ramdam ko ang pangingilid ng luha ko. Pinigilan ko 'yon at nagkunwaring okay. "Yeah, I'm fine. I'm sorry for what I did kanina," sabi ko. "It's okay. I understand...nagulat ako but I know why you did it," sagot niya. "Megan," sambit ko. "Hmm, siss, tell me. 'Wag kang mahiyang mag-open up sa akin," sabi niya. "Megan, bakit ako nasasaktan?" sabi ko. "Omg. Sis, seriously? Nasasaktan ka kasi nakita mong naghalikan si Harris and Stella right?" tanong niya. "Y-yes, pag-amin ko. "Nakss, sabi ko na e, you know what, natural lang 'yan. Kahit ako nga nainis ako e. Malandi talaga ang babaeng 'yon," sabi niya. "Megan, anong gagawin ko? I don't understand, naiinis ako at nasasaktan. At..." putol ko sa aking sinabi. "At?" tanong niya. "At... n-nagseselos," sabi ko. "Ayooonnnnn! Naku, naku, I knew it. Hindi mo naman sasapakin ang pinsan ko kung 'di ka nagselos e, and kita ko sa mga mata mo na nasasaktan ka. Kahit 'di mo sabihin, ramdam ko," sabi niya. "Ang tindi naman ng pakiramdam mo, pati feelings ko alam mo," sabi ko. "Oo naman no ako pa. Hmm matanong kita," sabi niya. "Ano 'yon?" tanong ko. "Are you inlove with my cousin?" tanong niya. Natigilan ako at di ko alam ang isasagot ko. "Actually... may sasabihin ako sa'yo bago ko sagutin 'yang tanong mo," sabi ko. "Ano 'yon? Bilisan mo na e-excite ako. Ayyy wait. Sa messenger tayo mag-usap isama natin si Trisha," sabi niya. Pinatay niya ang tawag at nag-request ng video call sa mess. ko, sinagot ko 'yon at sinagot din ni Trisha. "Hey, hey! What's up sisters! May chismis?" bungad niya. "Oo sis, may chismiss itong sisterit natin," sagot ni Megan. "Ayy tologo vahh? What is it?" tanong niya. "Say it sis, makikinig kami," sabi ni Megan sa akin. Huminga muna ako ng malalim. "Kahapon, Tita Hannah invited me for dinner," panimula ko. "Si Tita? Harris mother?" tanong ni Megan. "Yes. And 'yon, pumunta ako. Nagkwentuhan kami. Then, a couple of time, hindi ko namalayan ang oras 10pm na pala. Uuwi sana ako pero pinigilan ako nila Tita and Tito. Doon nila ako pinatulog," kwento ko. "And, next, what happen?" tanong nila. "I don't have a choice. Wala na ring taxi. So doon ako natulog. And may nangyari," sabi ko. . Nagdilat sila ng mata at parang iba ang iniisip. "What's that looks? Ang dumi din ng utak ninyo, hayss" sabi ko. "Complete the story, sis para 'di kami mag-green," sabi ni Trisha. "Okay. Nasa kuwarto na ako na hinanda ni Tita na tutulugan ko. And Harris was there too. Nag-usap kami. Ahm, honestly, may inamin sa akin si Harris before, and gusto niya na manligaw sa akin. And kagabi iyon ang napag-usapan namin. He said, he don't like me, but, he loves me," sabi ko. "Kyaaaahhhhhhh! Oh my God.. seriously?! Yiiieeeee, sabi ko na e. Hindi talaga ako nagkakamali sa nararamdaman ko," kinikilig na sabi ni Megan. Para silang isda na nawalan ng tubig. "And what is your answer?" tanong nila. "Sabi ko pag-iisipan ko. And..." putol ko. "And, ano? Sis, alam mo pabitin ka," naiinis na sabi ni Trisha. "He kiss me," sabi ko. "What?" sabay nilang tanong. "He kiss me," sagot ko.. "Ha?" tanong ulit. "He kiss me," sagot ko. "Ayyy anak ng tipaklong! Sarap kausPero... Waahhhh! aaacckkk! Sis kinilig buong pagkatao ko my ghad!" sabi ni Megan na gumulong pa sa kama niya. Gano'n din si Trisha. "And anong feeling? My ghad nakatikim ka na ng heaven sis, omg. Anong lasa?" tanong ni Trisha. Jusko naman talaga. Kung pati sila Wendy ay kausap ko hotset inabot ko. Kinwento ko pa ang nangyari, at pati 'yong nararamdaman ko sinabi ko. "Ito lang ang maipapayo namin sis, ask him kung bakit naabutan natin silang naghalikan, siya ba ang humalik o si Stella. Hindi natin alam ang istorya sa likod ng halikan nila. What if si Stella ang humalik kay Harris 'di ba?" Sabi ni Megan. "Tama," sang ayon ni Trisha. "Hindi ba nakakahiya?" sabi ko. "Hindi naman siguro, isa pa, may right kang magtanong 'noh. He already said, that he loves you, so may commitment na kayo, malabo pa nga lang," sabi ni Megan. "Oo nga sis, walang masamang magtanong at magsabi ng nararamdaman. As long as, alam mo kung saan ka lulugar. Nanligaw na siya sa'yo tapos nag-I love you, cheating 'yon," sabi naman ni Trisha. "Bukas ko na lang siguro siya kakausapin. Nahihiya ako, nasapak ko siya, alam kong 'di niya inasahan 'yon," sabi ko. Na konsensya pa ako. Bakit kasi ako nagpadala sa emosyon. "It's up to you. Pero try mo lang tawagan, I'm sure sasagot 'yon," sabi ni Megan. "Sige, I try," sagot ko. "Okay. Babyee na at matutulog na ako. See you tomorrow. Labyouu," paalam ni Trisha. "Goodnight, sis," sabay naming sabi ni Megan. "Oh pa'no, ako din matutulog na. Ikaw naman kausapin mo si Harris para maging okay na kayo," sabi ni Megan at pinatay na niya ang call. Nahiga ako sa kama at tiningnan ang phone ko. Nagdadalawang isip akong tawagan si Harris.. Pinindot ko ang number niya at tinawagan 'yon. Mayamaya pa nag-ring at sinagot niya. "Hello, Zinn," sabi niya. Nataranta ako at pinatay ko 'yong tawag. "Ayss, ano ba kas? Nahihiya ako sa kaniya," sabi ko. Nag-ring ang phone ko at siya ang tumatawag. Pinindot ko ang answer.. "Zinn, 'wag mo naman akong p*****n. Please let's talk," sabi niya . "I-im sorry," 'yon lang ang lumabas sa bibig ko. "Lumabas ka," sabi niya. Nagtaka naman ako. "Anong lumabas?" tanong ko. "I'm here, sa labas ng bahay niyo," sabi niya. Napatayo ako at sumilip sa bintana, nandito nga siya. "Okay, okay, wait lang," sabi ko at nagmadali akong magpalit ng damit. Patakbo kong binaba ang hagdan at lumabas ng gate. "Harris," tawag ko. "Zinn," sabi niya at lumapit siya akin sabay yakap ng mahigpit. "I'm sorry. I'm so sorry. Hindi ko siya hinalikan. She kiss me. Na-uusap lang kami tapos sabi ko na nasa labas na kayo bigla na lang niya akong hinalikan. 'Di ako nakakilos agad dahil sa nabigla ako. I'm sorry Zinn.. I'm sorry, please forgive me," sabi niya habang nakayakap sa akin. Gumagalaw ang balikat niya, umiiyak siya. "Harris," sabi ko. Kumalas siya sa akin at tumingin sa mga mata ko. "Ako dapat ang mag-sorry. Hindi kita dapat sinapak. I'm sorry," sabi ko. "No. I deserve it. Napakag*g* ko, sinaktan ko ang feelings mo," sabi niya. "Shhhh.. tama na. Napatawad na kita. I'm sorry din," sabi ko sa kanya. "Thank you. Mahal kita Zinn, mahal na mahal," sabi niya sa akin. Tumitig ako sa mga mata niya, kita ko ang sensiridad doon. Panahon na siguro para sabahin ko sa kaniya ang tunay na nararamdaman ko. "Harris, I have something to tell you," sabi ko. "What is it?" tanong niya. "I... I like you too," sabi ko. Matagal siyang 'di nakapagsalita at nakatitig lang sa akin. "Harris?" tawag ko sa kanya. "Say it again," sabi niya. "No. I won't repeat it," sabi ko at tumalikod sa kaniya. May naghahabulan na naman sa puso ko, kulang na lang lumabas sila. "Zinn, humarap ka sa akin," sabi niya . "Sinabi ko na kaya 'di ko na uulitin," sabi ko. Hinila niya ang kamay at napaharap ako sa kanya, saktong naglapat ang mga labi namin. Hindi ako nakagalaw, para akong pinako sa kinatatayuan ko. Dahan-dahang gumalaw ang labi niya at napapikit ako. He kiss me so gentle, ang init ng mga labi niya. Pinaghiwalay namin ang aming mga labi at habol ang hininga sa isa't-isa. "I love you so much Zinn. I promise, ikaw lang ang babaeng mamahalin ko," sabi niya. "I l-love you too, Harris." sagot ko. Ngumiti siya at niyakap ako ulit ng subrang higpit. "Thank you. I do my best to take care of you," sabi niya. "I do my best too as your girlfriend," sagot ko sa kaniya. Humiwalay siya akin at tinitigan ako sa mukha. "Can I kiss you again?" sabi niya. Hinampas ko siya sa braso. "Hoyy, namimihasa ka na. Umuwi ka na anong oras na," taboy ko sa kaniya. "No," sabi niya at niyakap ako sa beywang. "Harris, kailangan mo nang umuwi. At baka maabutan tayo nila mommy dito," sabi ko. "Okay lang. I will tell them that we are officially couple at madaliin na 'yong kasal," sabi niya. "Kasal agad, engaged pa lang ang puwede, bata pa tayo para ikasal," Sabi ko. "Yeah. And I can't wait. Makakasama na kita sa iisang bahay. You are my wife and I am your husband," sabi niya. "Ang bilis naman, husband and wife agad?" protesta ko. "Anong gusto mo?" Tanong niya. "Couple, magjowa. Nag-aaral pa lang tayo, masyado pang maaga para mag asawa," sagot ko. "Okay. Uuwi na ako, but answer my question first," sabi niya. "Ano 'yon?" tanong ko. "Nagseselos ka ba kanina? Kaya mo 'ko nasapak?" tanong niya. 'Di ako nakasagot at umiwas ng tingin. "Naiinis ako sa'yo, sa inyong dalawa actually. Ikaw, sinabi mo na mahal mo 'ko tapos nanligaw ka. Tapos makikita ko kayong naghalikan, syempre hindi ko 'yon nagustuhan, para kasing, hindi pa nga kita sinagot, pero niloko mo na ako," paliwanag ko. "So you're jealous?" tanong niya. Tiningnan ko siya... "Oo, na nagseselos na ako, happy?" sabi ko. Sumilay naman ang mga ngiti niya sa labi. "Nakakatakot ka pala kapag nagseselos, " sabi niya. Inirapan ko siya at 'di na nagsasalita. "Sige na, umuwi ka na mag-iingat ka okay? Goodnight," sabi ko sa kaniya. "Yes, of course. I'll pick you tomorrow. I love you," sabi niya. "Sige, I love you too. Sige na umuwi ka na, papasok na ako sa loob," sabi ko. "Okay. Get inside. Then aalis na ako," sabi niya. I give him a smack kiss at pumasok na sa loob. "Goodnight," sabi ko bago sinara ang gate. Bumusina siya at umalis na. Patakbo akong umakyat sa kwarto ko at pabagsak na nahiga sa kama. Pakiramdam ko nagwawala ang puso ko sa emosyong nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD