Strength Instead of sitting beside Ishmael inside his car, I sat with Irisha at the backseat. Nakatulog ulit ang aming anak sa gitna ng biyahe papunta sa casa. I thought she wouldn’t be sleepy anymore after meeting her grandfather, pero siguro’y talagang inaantok na siya dahil sobrang lagpas na sa normal na oras ng tulog niya. Kahit na mukhang gustong makasama pa ni Tito Immanuel si Irisha ay sinabihan niya na si Ishmael na iuwi kaming mag-ina upang makapagpahinga. Sinubukan naming ayain ulit si Ate Sheryn sa huling pagkakataon, ngunit nanatili pa rin siya sa ospital. It was almost midnight. Wala na masyadong tricycle na namamasada sa daan. But unlike before, the streets were brighter during the night. Pansin kong nadagdagan ang mga streetlamps lalo na sa dating madidilim na parte sa Sa

