Chapter 52

2024 Words

Moon Ilang saglit pa kaming nanatili sa labas ni Professor Quintos bago pumasok sa loob. Dumiretso siya sa loob ng kuwarto upang magbihis habang ako naman ay pinuntahan ang aking mag-ama na nag-eenjoy sa pagluluto. Naabutan ko si Irisha na naghahalo ng nilagang baboy na iniluto ni Ishmael. Hawak-hawak niya ang maliit na kamay ng aming anak para masiguradong hindi siya mapapahamak. Napansin agad ni Ishmael ang aking pagdating. Nag-angat siya ng tingin sa akin. Wala sa sarili akong napanguso saka iniwas ang mga mata sa kanya. Mabuti na lang din at nakuha ko na rin ang atensyon ni Irisha. “Mommy! Tingin mo ‘ko! Nagluluto po ako!” natutuwang sabi ng anak. A smile broke across my face. Lumapit ako sa anak at hinalikan nang mabilis ang kanyang pisngi. “Ang galing-galing naman ng baby ko.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD