Civil Napalunok ako nang naramdaman ang panunuyo ng aking lalamunan. Dahil wala masyadong nagawa 'yon ay uminom ako ng tsaa saka muling nag-iwas ng tingin. I could hear my heart beating loud in my ears. Huminga ako nang malalim para makalma ang sarili bago nagsalita. "Ano ba'ng gusto mong malaman?" hirap kong tanong sa kanya upang hindi mautal. "Everything," he answered right away. Ngumuso ako. Napakahirap gawin ng sagot niya. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. "Uhm..." Nangapa ako ng puwedeng ikuwento sa kanya. "Irisha's a very sweet girl. Even though she looks delicate, matapang siya. Napaka-active niya at masayahin din. Hindi siya natatakot na sumubok ng mga bagong bagay. She also likes meeting new people." Inisa-isa ko muna ang mga magandang katangian ng aming anak. "Last we

