Chapter 6
-Kristine-
“Good morning, Tin” Masayang bati sa akin ng mga kasamahan ko habang papasok ako sa loob ng restaurant na pinagtatrabahuhan ko.
“Hi good morning to all of you too.” Ganting pagbati ko sa mga ito, yumuko pa ako sa kanila para makita ang aking paggalang at saka ako tumuloy sa sarili kong locker para narin magpalit ng uniform. Isa akong dishwasher dito at mahigit sa isang taon na rin akong nagtatrabaho, nag-aaply lang ako dito ng makita kong nangangailangan sila ng dishwasher mdjo mababa lang ang sahod ko kumpara sa mga waitress na andito. Pero naisip kong ayos na rin kaysa naman sa wala. Sa unang taon ko dito sa New York at ipinanganak ko na rin ang kambal at sobra talagang hirap mabuti na lang talaga at hindi ako pinabayaan ni Rose ang kaibigan kong nasa Japan. Ito ang nagsustento sa lahat ng pangangailangan ko dito sa ibang bansa, maging ang mga anak ko ay binigay niya ang mga pangangailangan hanggang sa magsilaki ang mga ito ay si Rose at ang asawa nito ang patuloy paring sumusuporta sa amin.
Mabuting kaibigan si Rose, pareho kaming lumaki so Kombento at mga ulila na rin kami sa mga magulang kaya naman noon pa man ay makatuwang na rin kaming dalawa sa bawat-isa. Nauna itong mag-asawa sa akin nakilala niya sa isang dating apps ang hapon na si Ottoko Yanaki isang Japanese, at business man sa bansang Japan. Masuwerte ang naging buhay ng kaibigan ko sa ibang bansa, mabait at mapagmahal ang asawa nito maging sa kanilang mga anak. Kabaligtaran naman ng naging buhay ko sa piling ni Mannix. Pero ganon pa man ay masasabi kong naging masaya ako sa piling niya kahit na sandaling panahon lang meron kami nito.
“Hi Tin, here are the dishes to wash, I'm sorry it's a lot. There are also many people outside so you might have overtime now.” Nag-aalalang sambit ni Melody sa akin isa sa mga kasamahan ko dito.
“It's okay, it's a job so I understand.” Pinasaya ko pa ang boses ko para hindi ito mag-alala sa akin. Mababait ang mga kasamahan ko dito, halos lahat sila ay ako ang inaalala alam kasi nilang walang kasama ang mga bata kaya kapag nagkakaroon ako ng overtime ay makikita na sa kanila ang pag-aalala. Kaya kahit mahirap ang trabaho ko ay ayos lang din sa akin, dahil sa mga taong nakapaligid sa aming mag-iina. Halos mamanhid na ang kamay ko sa kakahugas, kahit may suot akong gloves sa kamay at tumatagos parin ang lamig ng tubig lalo pa ngayong nalalapit na ang pasko. Ilang taon na rin akong nagdidiwang dito ng pasko kasama ang aking mga anak at kahit masaya ang pasok dito, namimiss ko pa rin ang pagdiriwang ng pasko sa pinas.
Pasado alas dos ng madaling araw na ako nakauwi, at inabutan kong natutulog na ang aking mga anak. Hinalikan ko ang mga ito sa kani-kanilang mga pisngi at saka inayos ang mga kumot ng mga ito. Nagpunas pa ako ng luha dahil sa hindi ko mapigilang malungkot sa buhay na kaya kong ibigay sa mga ito. Wala akong karangyaan na tulad ng kanilang ama, siguro kung kasama lang naming si Mannix at hindi mararanasan ng mga anak ko ang mag-isa at walang nag-aasikaso. Pinagdarasal ko lang na bigyan pa ako ng lakas na makayanin ko pa ang lahat ng hirap na nasa aking balikat dahil alam kong magiging kawawa lang ang aking mga anak kung sakaling magkakasakit ako. Pagkatapos kong mag-ayos ng aking sarili ay nahiga na rin ako sa tabi ng mga ito, pagod na rin ako at kailangan ko na rin magpahinga dahil bukas ay sa hotel naman ako papasok bilang isang janitress.
Ang totoo lang ay pagod na ang katawan ko pero alam kong hindi pa ako pwdeng sumuko. Kaya kahit mahirap ay laban lang ako. Alam kong sa huli ay makakaginhawa rin kami ng aking mga anak. Sa susunod na taon ay kailangan na nilang mag-aral kaya naman todo na ang pag-iipon ko dahil nahihiya na ako sa mga binibigay na tulong ni Rose para sa mga anak ko. Nagiging abuso na ako kung pati ang pag-aaral ng kambal ay sa kanya ko pa rin iaasa. Nagising akong may humahalik sa pisngi ko, napangiti na lang ako dahil alam kong si Sunshine ang panay ang halik sa akin.
“Good morning, Mama.” Masayang bati ni Sunshine at saka niyakap ko ng sobrang higpit. Ganito ito tuwing umaga kaya naman kahit pagod ako sa magdamag sa trabaho ay ayos lang basta ba ganito ang makikita po paggising ko.
“Good morning, my baby” Nakangiti kong sagot dito at hinalikan ko ito sa kanyang mapupulang pisngi. Natawa naman ito kaya binuhat ko na rin ito para luambas na rin dahil tiyak na nasa kusina na si Sky at nag-aayos ng aming umagahan. Tanghali pa naman ang pasok ko sa hotel kaya ayos lang na magsaya muna ako habang kasama ko ang aking mga anak na kumakain ng masarap na umagahan. Itlog at ham ang niluto ng panganay kong si Sky, samtalang si Sunshine naman ay nagtimpla ng gatas para sa akin. Walang umiinom sa aming ng kape dahil alam nilang bawal iyon sa batang tulad nila, kaya pati ako ay nadamay dahil may kasunduan kami na iinom lang ako ng kape kapag pwde na rin sa kanilang dalawa. Kaya naman wala akong nagawa dahil kung minsan ang batas sa aming pamamahay ay galing sa dalawang boss ko.
“Mom, is it Wednesday today.?” Tanong sa akin ni Sunshine.
“Yes baby, why.? Tanong ko dito. Nagkatinginan pa ang dalawa at saka sabay na tumawa.
“Mom, can't you take us to the hotel on Wednesday, just promise we'll be on one side and I'll watch over Sunshine so your boss doesn't make us angry.” Sagot naman ni Sky sa akin. Napatango naman ako dahil naalala kong tuwing Wednesday ay isinasama ko pala sila dahil dayoff iyon ni Mr. Santi, kaya kahit papaano ay pwde silang magstay sa locker room ko. Doon lang sila maglalaro saka apat na oras lang naman ang trabaho ko don at pagkatapos ay pwde na kaming umuwi.
“Ok, as long as it's like before, it's not allowed to be naughty and messy, is that clear?” Masayang sambit ko dalawang ito. Nagtatalon pa ang mga ito at tuwang-tuwa dahil makakasama naman sila sa hotel, maganda kasi roon at isa ay may malaking fountain sa labas ay sa may garden ay pwde silang maglaro habang hinahantay ako ng mga ito. Kilala naman ito ng mga guard don at hindi naman ng gugulo ng guest ang mga anak ko kaya ayos lang minsan kung isasama ko ang mga ito. Masaya kaming kumain ng agahan at pagkatapos ay inayos ko na ang mga dadalhin namin at sandaling oras lang ay aalis na rin kami.