bc

MY SAVIOR IS MY EX-HUSBAND

book_age18+
1.2K
FOLLOW
10.1K
READ
family
HE
second chance
single mother
heir/heiress
like
intro-logo
Blurb

Mahigit sa tatlong taon ng kasal sina Mannix De Lana, at Kristine Morales. Pero tulad ng pagsasama ay hindi madali ang kanilang naging buhay mag-asawa, dahil sa nawalan na rin siguro sila ng pagmamahal sa isa't-isa. Pero ganon pa man ay naging maayos ang kanilang paghihiwalay, wala rin silang naging anak kaya naman hindi mahirap sa kanila ang kanilang naging desisyon.Hanggang sa paglipas ng halos apat na taon ay muli silang nagkita, at ang mas nakakagulat ay si Mannix ang boss ngayon ng dalaga sa isang company nito sa ibang bansa.Muli kayang may mabubuo sa kanilang dalawa ko, talagang matutuldukan na ng tuluyan ang kanilang pagmamahalan.The Mannix De Lana and Kristine Morales love story

chap-preview
Free preview
I SAW MY EX- WIFE AGAIN
Chapter 1 -Mannix- Kasalukuyan akong papalabas ng airport ng makita kong naglalakad na rin si Lance para salubungin ako at kunin nito ang dala kong maleta, hindi ko ito kasamang umalis dahil sa may iba pa ang inutos dito na dapat n’yang gawin. Hindi lang ang pagiging secretary at assistant ang tarabaho nito sakin, ito lang din ang taong pinakakatiwalan ko sa iba pa ko pang mga business at maging sa ibang bansa. Matagal ko na itong kasama at kilala, pero hindi pa rin ako sigurado kaya nitong magtraydor sa akin dahil tao lang din itong pwdeng magkamali. Pero kung kakalabanin niya ang isang tulad ako ay siguraduhin na rin n’yang kaya na rin n’yang mamatay ng maaaga. Dahil wala kong binubuhay lalo na kung kung isa itong traydor lahat dumadaan sa kamay ko bago makita ang kanialng kamatayan. Pumasok na ako ng kotse dahil talagang napagod ako sa biyahe pero hindi pa akong pwdeng magpahinga dahil sa marami pa akong dapat ayusin dahil sa nalalapit na anniversary ng aking company. “Good morning, Master” Nakayukong bati sa akin ng tauhan ko na s’yang driver ko ngayon. Hindi ko ito pinansin at saka ako pumikit para kahit papaano ay makapagpahinga muna ako. “Have you fixed everything here Lance? You know I don't want a problem, especially if the transaction will be my problem?” Tanong ko habang pikit ang mata at seryoso at walang buhay kong boses dito. “Everything is fine Master.” Sagot nito sa mahinang boses. Napadilat ako para sana ayusin ang aking pagkakasandal pero naalala kong nasa New York City pala ako ngayon kaya naman pinagmasdal ko ang naglalakihang mga building at magagandang tanawin na pwdeng makita dito. Wala sana akong ganang pumunta pero kailangan kong sumunod sa utos ni Daddy na pumunta at pamunuan ang paghahanda para dito. Malapit na ako sa building ng isang pamilyar na babae ang nakita ko habang patawid sa isang pedestrian line. Napaayos pa ako ng upo at nagawa kong ibaba ang bintana ng aking kotse para makita ko ng malinaw kung tama ang hinala kong si Kristine ang nakita ko ang dati kong asawa. Pero ng makita ko ito ng medyo malapit ay nakita ko pa rin ang natural nitong ganda at masasabi kong mas lalo lang ito nagmukhang bata. Napapatulala pa ako at sinusundan ko ito ng tingin kahit na umandar na ang sasakyan ko at napapalingon pa ako sa likuran para lang makita ko pa ito. Hindi ko alam pero nang makita ko ito at bumalik sa akin ang ala-alang noong mag nobya pa kami nito masaya kami at talagang magkasundo sa maraming bagay. Nagpasya kaming magpakasal dahil na rin sa may nangyari na sa amin at alam kong malinis itong babae, mahal ko ito kaya handa akong gawin ang lahat maging masaya lang ito sa piling ko. Labis ang sayang naramdaman ko noon ng tuluyan na itong akin at hindi ako papayag na agawin ito ng iba sa akin. Pero hindi ko aakalain na tatlong taon lang pala kami magiging masaya at ang pagsasama namin ay nabahiran ng isang kasalanan na kaylan man ay hindi ko magagawang mapatawad. Nag-away kami ng dahil sa bagay na yon, dahil sa hindi ko akalain na magagawa niya akong lokohin ng ganon kabilis. Pero ayaw nitong aminin ang kanyang pagkakasala kaya mas lalo lang ako nagalit dito noon, nagawa ko na rin itong saktan physical at emotional. Kaya naman nagpasya na lang kaming maghiwalay dalawa, alam kong mahirap at masakit pero ito lang din ang naiisip kong paraan para maalis ang galit ko dito at para kahit papaano ay kaya po pa itong irespeto bilang isang babae. Nagalit noon sa akin si Mommy dahil sa desisyon na alam kong hindi ko rin pinag-isipan pero buo na ang desisyon ko kaya naman wala na rin sila nagawa. “Master were here.” Sambit ni Lance at nagpabalik sa ulirat ko. Napailing pa ako para maalis ang paggunita ko sa nakaraan. Lumabas ako ng kotse at nakita ko ang mga tauhan kong nakayuko sa harapan ko, naglakad naman akong parang hari at walang pinansin kahit isa man lang sa kanila. Alam kong nagiging bastos ako minsan sa mga tao ko pero ganon na ako at wala na silang magagawa kung ganoon ang pakikitungo ko sa kanilang lahat. “Master, you have a lunch meeting with the daughter of your business partner Ms. Pamela Harris.” Salita ni Lance mula sa tabi ko at kasabay kong naglalakad papasok ng elevator. Hindi ko ito tinitigan pero nakikinig naman ako sa lahat ng sinasabi nito. Marami pa itong sinabi pero wala doona ng isip ko, pagod at gusto kong magpahinga iyan ang gusto kong gawin. Naaalala ko pa noong magkasama kami ni Kristine ay palagi nitong hinililot ang ulo ko sa tuwing alam nitong pagod at masakit ang ulo ko. Nawalan lang ako ng gana ng marinig ko ang pangalang Pamella Harris, anak ito ni Mr. Falcon Harris ang isa sa business partner ko. Ayoko sanang harapin at makipagkita dito pero sadyang makulit ang babae at maging sa condo ko ay pumupunta ito. Aaminin kong may nangyari na sa amin ng babae pero isang beses lang un at hanggang doon lang yon, wala akong planong magkaroon ulit ng relasyon lalo na kung ganitong klaseng babae. Pagkapasok ko ng office ko ay kasunod ko pa rin si Lance para antayin ang iba ko pang utos. “You canceled my lunch meeting and I don't want to leave the office now. Is it clear?” Seryoso kong utos sa tauhan ko, yumuko lang ito at saka tahimik na lumabas na ng office ko. Kumuha naman ako ng wine sa may center table at saka ito inisang lagok. Hindi pa rin kasi mawala sa isipan ko na muli kong nakita si Kristine. Lumapit pa ako sa bintana at kita ko kung gaano laki ang bansang ito. Isa sa pangarap noon dati ni Kristine ay marating ang New York City, dito sana kami mag hohoneymoon noon pero pinigilan ko dahil mas gusto ko sa bansang Korea dahil sa mas nagagandahan ko sa mga island nila doon. Napapaisip tuloy ako kung paano ito na punta dito eh, ang alam ko ay wala itong perang hiningi sa akin kapalit ng pagpirma nito sa annulment paper naming dalawa. Binigyan ko ito ng malaking halaga pero sinira lang nito ang check sa harapan ko at ng pamilya ko. Nagulat man ako ay wala pa rin akong nagawa dahil sa kagustuhan ko itong hiwalayan, natatalo kasi ako ng ego ko noon kaya ko rin nagawa ang bagay na yon. Umalis ito ng bahay at hindi ko na ulit nakita pa, wala akong naging balita dito na kahit ano, hindi ko rin naman ito hinanap at talagang masasabi kong wala akong naging pakialam dito sa mahabang panahon. Ulilang lubos na ito at alam kong wala rin itong pamilyang mapupuntahan dahil sa wala rin kapatid ang mga magulang nito. Hanggang sa ngayon ay apat na taon na ang lumilipas ay wala akong naging balita dito hanggang sa muli ko itong nakita na hindi sinasadya. Nasa ganoon akong pag-iisip ng makarinig ako ng boses sa labas ng office ko. At base sa naririnig ko ay boses yon ni Pamella at Lance, pinipigilan ni Lnace na pumasok si Pamella sa office ko dahil na rin sa utos ko. Hindi ko na lang ito pinansin pa hindi rin naman makakapasok si Pamella dahil sa naka double luck ang pintuan na pinagawa ko. Kahit sabihin pang bukas ito sa labas ay sarado naman ito sa loob at walang sino man ang makakapasok hanggang hindi ko sinasabi. Alam kong galit na galit na si Pamella ngayon, pero wala akong paki-alam dito. Tapos na ako dito at wala na akong balak ulitin pa ang pagkakamaling yon. Nagsisisi akong pinagbigyan ko ito dahil sa ngayon ay umaasa itong may relasyon pa kaming dalawa. Hindi ako nakapaghiwalay kay Kristine para lang kumuha ng maruming babaeng gay ani Pmaella. Dahil na rin sa naging busy ako ay hindi ko na namalayan ang oras at gabi na rin sa labas. Halos gabi na nang makatanggap ako kay Lance ng tawag na dummating na raw sila Mommy at nasa mansion na rin ang mga ito. Lumabas na ako at inabot muli kay Lance ang bag ko at saka darecho ng elevator ganito talaga ako sa mga tauhan ko dahil sa wala akong pakialam sa lahat. Naglalakad na ako sa lobby ng isang pamilyar ulit na babae ang nakita ko, pero nagtataka pa ako dahil nakasuot ito ng pang janitress. Tinanggal ko ang suot kong salamin at napahinto pa ako sa paglalakad ng dumaan pa ito sa gilid ko pero hindi man lang ito tumingin sa gawi o, kahit man lang sana tignan ko bilang boss at may-ari ng kompanyang kanyang pinapasukan. Sinundan ko ito ng tingin hanggang sa pumasok ito sa isang elevator, pupuntahan ko sana ito ng may biglang humawak sa braso. Nakita kong si Pamella ang may gawa kaya naman mabilis kong inalis dito ang kamay ko at saka ito iniwan na parang wala lang. Tinawag pa ako nito pero hindi ko lang ito pinansin pa, sumakay na ako ulit sa kotse ko at mabilis kong pinalis. Gusto ko munang magpahinga dahil sa sumasakit ang ulo ko. Dalawang beses ko pang nakita ang ex-wife ko at ang mas nakakagulat ay sa mismong company ko pa ito nag tatrabaho. Hindi ba nito alam na akong ang may-ari ng company.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook