Chapter 2
-Mannix-
Nagkakasihan sila Mommy at Daddy sa garden ng dumating ako, pinagmasdan ko lang muna ang mga ito habang sumasayaw ng sweet music. Ganito talaga ang mga magulang ko palagi silang masaya sa tuwing magkasama. Natutuwa akong makita ang mga ito kaya naman sumasagi palagi sa isip ko ang dati kong asawa at kung anong buhay kaya nito ngayon.
Hanggang sa isang tapik sa aking balikat ang nagpabalik sa katinuan ko, si Maxwell at kasama ang asawa nitong Ella at anak nilang si Gift at tatlong taon na rin kasal ang mga ito. Marami ding pinagdaanan ang dalawang ito bago nila nakamit ang kaligayan na meron sila ngayon at bilang isang pamilya.
“What are you doing here just standing there?” Tanong nito sa akin habang nakatingin din sa mga magulang ko na ngayon ay kasama na ang kanilang apo na Gift at si Ella na asawa nito.
Masayang masayang si Mommy at Daddy sa apo nilang si Gift, bihira lang din kasi pumunta dito sa New York City ang kakambal kong si Maxwell kaya bihira din ito makita nila Mommy at Daddy.
“Isn't it just nice to watch your family?” Simpleng sagot ko lang dito at saka na kami sabay naglakad papunta kila Mom and Dad.
“I think if you and Kristine hadn't broken up, you two would have had a child.” Salita nito sa akin at saka tumingin na may ibig sabihin. Napailing na lang ako dahil hanggang nagyon ay parang kasalanan ko pa ang lahat kung bakit kami ng kahiwalay nito. Nakalapit na kami sa mga ito at pareho kaming humalik sa aming mahal na ina, si Daddy naman ay sa tinapik lang kami sa balikat.
“Better yet, let's go inside to eat and I know my grandson Gift is hungry.” Turan sa aming ni Mommy at inakay na nito si Gift kami naman ay napasunod lang dito, pero napatigil ako ng tumunog ang phone ko at Lance ang caller ko.
“Why” Maikli kong tanong dito?
“I will just remind you of your morning meeting tomorrow with Mr. Chin for the company's anniversary wines.” Sagot naman nito sa kabilang linya. Napasuklay naman ako sa aking buhok dahil sa kailangan ko pa lang umalis bukas ng maaga. Maselan kasi ako pagdating sa mga wine or sa kahit na anong inumim na ginagamit kapag may mga event ko sa company, minsan na rin kasi muntik ng malason ang mga employee ko noon. Kung hindi ko lang nalaman agad ay siguradong maraming tao ang nasawi ng gabing yon.
“Ok, text me the location and what time tomorrow, I'll be there before I go to the office.” Sagot ko dito at basta na lang binababa ang tawag ng hindi ko naririnig ang sagot nito. After dinner ay nagstay pa sila Maxwell dito dahil na rin sa kahilingan ni Mommy, at dahil wala silang magagawa ay pumayag na mag-asawa. Ako naman ay pumasok na room ko dahil sa gusto ko ng magpahinga, at isa pa ay may meeting pa ako bukas.
Kinabukasan ay dumarecho na ako sa restaurant kung saan kami magkikita ni Mr. chin ang isa sa may-ari ng wine company dito sa bansa. Maaga akong nakarating kaya naman nagorder na muna ako ng almusal dahil sa nakakaramdam na rin ako ng gutom. Nag-open din ako ng dala kong laptop para tignan kung may importante ng email galing sa ibang company ko sa ibang bansa.
Pero habang nasa laptop ang mata ko ay may narinig akong dalawang batang isang babae at lalaki na hinahanap ang kanilang ina, mukhang kilala na rin ang mga ito sa restaurant kaya naman pinaupo muna sila ng isang waitress na nagpatangungan ng mga ito. Patuloy lang ako sap ag scroll ng email ko pero ang attention ko ay nasa dalawang batang mukhang mga limang taon gulang na rin.
“Sky, what do you think Mommy's home food will be today?” Tanong ng batang babae kapatid nito.
“I don't know but I hope there is chicken joy and spaghetti.” Sagot naman ng lalaki sa kapatid nitong babae na ngayon ay nakapangalumbaba na sa ibabaw ng mesa. Nakikinig lang ako pero nakakaramdam ako ng awa sa mga ito dahil mukhang waitress ang ina ng mga ito at nag-aabang sila kung merong maiuuwing pagkain ang kanilang ina. Tinigan ko ang mga ito biglang bumilis ang t***k ng aking puso ng masilayan ko ang mga mukha nitong malaki ang pagkakahawig sa akin.
Mukha ring kambal ang mga ito, pero ang malaking pinagtataka ko ay mapatingin ako sa mga mata ng batang at kilalang kilala ko ang tingin na ganon. Dahil isang babae lang kilala ko nag anon din makatingin, ang tingin na palaging masaya at kahit na nahihirapan ay hindi mo makikita dahil sa pagtitig nito sa’yo. Napahilamos naman ako sa aking mukha dahil hanggang ngayon ay hin pa rin nawawala ang sa isip ko si Kristine at bakit nakikita ko rin ito sa mga batang nasa tabi ko.
Ilang minute pa ang lumipas ay dumating na ang kameeting ko at ng start na kami, samatalang ang mga bata ay masayang sinalubong ang kanilang ina. Hindi ko na nagawang tumingin sa mga ito dahil nakapukos na ang mga mata ko sa mga brochure na ipinapakita sa akin ni Mr. Chin. Hanggang sa narinig kong binati ng mga kasamahan niya ang ina ng bata at iyon ang nagpalingon sa akin ng wala mang alinlangan.
“Bye! Tin, are you and your children coming home?” Tanong ng isang lalaki sa ina ng mga bata.
“Yes, thank you for watching over my children earlier.” Sagot naman nito sa kausap na isa ring waitress. Bigla ako naalarma dahil sa boses nitong mukhang pagod na pero mababakas pa rin ang saya. At biglang nawala ang pokus ko sa kaharap ko dahil sa nakikita kong papalayong mag-iina na ngayon. Nakita ko pang masayang nag-uusap ang mga ito, hindi ko nakita ang kanilang ina dahil sa nakatalikod na ang mga ito. Pero ang boses nito ay kilalang kilala ko at hindi ko pwdeng magakamali dahil boses iyon ng ex-wife ko.
Natapos ang meeting ko at ngayon ay kasalukuyan akong umiinom ng wine dito pa rin sa loob ng restaurant para kasing meron akong dapat gawin. Hanggang sa nakabuo ako ng isang planong noon ko pa dapat ginawa.
“Excuse me, does Kristine Morales still work here?” Tanong ko sa isang babae waitress nagdala ng order ko.
“I'm sorry sir, but there is no Kristine Morales working here.” Sagot nito sa magalang na boss, napahimas lang ako sa aking baba dahil sa naiinis akong hindi nila kilala ang babae. Aalis na sana ito ng pigilan ko at dahil sa may gusto pa akong malaman dito.
“Just for a moment, can I know who is the woman with a child that you called Tin earlier?” Seryosong tanong ko at napaayos pa ako ng upo. Nakakaramdam ako ng kaba para sa sasabihin ng waitress na nasa harapan ko.
“Ah, she is Kristine Sandoval and not Kristine Morales. And the twin children who were here earlier are her children.” Nakangiti nitong sagot sa akin. Tumango na lang at saka nagpasalamat dito binigyan ko na lang din ito ng tip para sa binigay nitong information na binigay nito sa akin. Mabilis akong nakarating sa office ko at pinatawag ko agad ang HR dahil sa medron akong gustong malaman.
“Good afternoon Mr. De Lana.” Nakayukong bati nito ng makapasok sa office ko.
“I want to see the list of employees.?” Sagot ko agad dito. Inabot naman nito sa akin ang isang black foler na naglalaman ng mga pangalan ng employee. Pasimple kong hinanap ang pangalan ni Kristine pero wala akong makita maging ang pangalang Kristine Sandoval ay wala sa list, kaya nakaramdam na naman ako ng inis dahil sa mukhang napaglalaruan ako ng tadhana.
“Are these all the names of our employees?” Tanong ko dito at saka ibinababa ang hawak kong folder.
“Yes sir, is that all?” Nakayuko paaring sagot nito sa akin. Muli naman ako napabuga ng hangin at napapaisip sa susunod kong gagawin para lang mahanap ko ang ex-wife kong at kung totoog hinala ko na may anak na ito.
“Isn't there Kristine Sandoval working here?” Seryosong tanong ko dito, nakita kong nag-isip pa ito kaya napakuno’t ang aking noon a baka kilala nito ang hinahanap ko.
“Ms. Sandoval is not a regular employee sir. She's only on call because I know she has four jobs in one day.” Sagot nito sa akin, na nagpasalubong ng kilay ko dahil sa narinig kong apat ang trabaho nito sa loob ng isang araw. Ganito ba ito kahirap at kailangan ng maraming trabaho, at isa pa asan ang asawa nito at mukha s’ya lang ang naghahanap buhay.
Pinaalis ko na ang employee ko dahil sa wala na rin naman akong kailangan dito. Malalim na ang gabi pero andito pa rin ako sa office ko, pagod na rin ang isip ko kakaisip sa babaeng yon. Matagal na panahon na hindi nito ginulo ang sestema ko pero ngayon ay muli ko naman itong naiisip at gustong makita. Hindi ko rin malaman sa sarili ko kung bakit ko ito ginagawa samantalang ako ang nakipaghiwalay dito. Pero ngayon ay nakakaramdam ko ng awa at konsensya dahil sa nalaman kong nahihirapan ito ngayon at mag-isang kinakaya ang lahat, hindi ito ang pinangarap ko para sa dating kong babaeng minahal.