NEW YORK CITY TWINS

1466 Words
Chapter 3 -Kristine- Limang taon na rin pala ang nakakaraan mula ng umalis ko ng bansa at manatili dito sa New York City. Hindi rin naman biro ang pinagdaanan ko dahil sa talagang nahirapan akong umalis ng bansa at makipaghiwalay sa dati kong asawa. Dalawang taon din kaming naging mag-asawa ta masasabi ko sa unang isang taon naming ay naging maayos ang lahat sa amin, palagi itong nakamonitor sa lahat ng kilos at galaw ko. Sinasama rin ako nito sa bansang kanyang pinupuntahan dahil ang katwiran nito ay mamimiss ko lang daw siya. Masasabi kong mabuting asawa at lalaki si Mannix, mula ng makilala ko ito ay hindi nagbago ang pagmamahal nito sa akin. Pero sadyang kasabay ng pagbabago ng panahon ay ang pagbabago rin ng tao. Nagkaroon kami ng pagtatalo noon at umalis ako ng bahay para sana makapagpahangin, nagpunta ako sa bar para na rin uminom ng konti at para mabilis akong makatulog pagdating ko sa bahay at tulog na si Mannix at hindi na kami mag-aaway pa. Naging madalas ang pagtatalo naming ng hindi ko nalalaman ang dahilan, kaya madalas rin ay ako na ang umiiwas dahil ng sa ganoon ay hindi na lumalim pa ang awayan namin. “Mama” Tawag ni Sunshine sa akin galing sa pagkakatulog, mukhang naalinpungatan na naman ito dahil sa lamig ng paligid. Sira na rin kasi ang hitter naming dito sa inuupahan kong apartment. Kambal ang naging anak ko si Sky ang unang kong pinanganak at ilang minute lang ay sumunod na si Sunshine. Umaalis ako ng bansa pero alam mong buntis na ako, pero alam ko ring hindi sa lalaking nakatabi ko ng isang gabi, kung san tuluyang nagalit sa akin si Mannix at nagpasya na itong makipaghiwalay sa akin. “Yes, my baby!!?” Tanong ko dito sa nilalamig na ring boses. Girl version ito ng mata pero ang mata ng mga mata ko ay sa akin nagmana. Pero ang ayos at pormahan ng mga ito ay sa kanilang amang hindi man lang sila kinilala. Hanggang ngayon ay tinatanong ko sa isip ko kung sinabi ko kaya ditong buntis ako ay hihiwalayan pa kaya ako nito, hahayaan kaya ako nitong umalis sa buhay niya? Isa yan sa tanong na gusto ko sana bigyan ng sagot pero alam kong matagal ng tapos sa amin ni Mannix ay alam kong masaya na ito sa bago nitong buhay. “Mama, I dreamed of a big monster, I'm afraid of the monster Mama.” Salita nito habang nakapikit pa at mukhang inaantok pa talaga itong si Sunshine. Niyakap ko na lang ito para kahit papaano ay makatulog ito ulit. Ang totoo ay naaawa na ako sa mga anak ko dahil sa tuwing aalis ako para magtrabaho ay sila lang dalawa ang palaging magkasama. Mabuti at likas na matatalino ang mga ito at kaya nilang kumilos at bantayan ang bawat-isa. Apat na klase ang trabaho ko sa loob ng isang araw, malaki kasi ang gastos namin lalo pa next year ay kailangan ng mag-aral ng kambal. Kaya sana rin ay makahanap ako ng trabaho o magiging karet na malaki ang kita dahil kailangan ko talagang kayanin na makapag-aral ang mga anak ko. Nang maramdaman kong nakatulog na ito ulit ay kinarga ko na ito para itabi sa kapatid nitong mahimbing ang tulog sa maliit naming kama. Actually, sila lang dalawa ang natutulog sa kama, at ako ay sa lapag lang naglalatag lang akong kartong panapin at saka unan ay pwden ako matulog. Basta ang importante ay maayos ang aking mga anak sa kanilang patulog. Hinalikan kong pareho ang kanilang mga noo bago ako natulog na rin dahil maaga pa ang trabaho ko bukas. Tatlong beses lang sa isang linggo ang trabaho ko sa bagong tayong hotel, ok sana kung magiging regular ako doon dahil sa malaki silang magpasahod kahit na janitress lang. Si Jhenny ang nagpasok sa akin don para maging reliver sa mga tauhan na gustong mag day-off, kasama ko rin ito sa restaurant na pinapasukan ko apat nab eses naman sa loob ng isang linggo bilang isang dishwashing. Sa totoo lang ay gusto ko na sanang tanggapin ang tulong ng kaibigan kong si Rose may asawa itong hapon at nakatira sa Japan ngayon at masayang namumuhay doon kasama ang kanyang pamilya. Ito ang unang taong tinawagan ko at hindi ito nagdalawang isip na tulungan ko para makaalis ng bansa at magkapagtrabaho dito sa pangarap kong bansa. Bata pa lang ako ay gusto ko ng makarating dito sa New York City isa ito sa bansang gusto kong mapuntahan, pero hindi ko aakalain na dito ko rin pala mararanasan ang maraming hirap na pagdadaanan ko. Pero sa lahat ng yon ay hindi ko pinagsisihan na dumating sa akin ang dalawang batang sobrang nagbibigay ng ligaya sa aking puso. “Mom, what time are we going to the restaurant so Sunshine can pick you up later?” Tanong sa akin ni Sky habang inaabot sa akin ang ginagamit kong bag. Malapit lang din kasi nag restaurant na pinagtatrabahuhan ko kaya madali lang sa mga ito ang puntahan ako doon para sunduin. Mababait naman ang mga kasamahan ko at maging ang boss ko roon naiintindihan nila ang pagiging single mom ko kaya kahit papaano at napapanatag na ako sa tuwing andon ang aking mga anak at inaantay akong lumabas. “You don't need to pick up Mama because I can already go home, and another thing is that I might stay overnight because Mama needs to work overtime because there are many people there today.” Paliwanag ko dito habang inaayos ang suot kong sapatos. Holl day kasi ako ngayon sa restaurant dahil sa merong event na magaganap doon. Nakita kong nalungkot ang kambal kaya naman niyakap ko na lang ang mga ito para kahit papaano ay hindi na sila magtanong pa sa akin. Sa tuwing aalis ako ng bahay ay nalulungkot akong iwan sila na sila lang din dalawa ang tao sa bahay. Pero alam kong kahit papaano ay magiging maayos ang mga ito dahil sa parehong matatapang ang aking mga anak. Nakarating ko sa restaurant pero nagulat ko ng pinatawag ako sa office ng big boss ang may-ari ng restaurant. Natatakot pa ako habang naglalakad papunta sa office nito, nangangatog rin ang mga kamay ko dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon. Kumatok ako ng tatlong beses bago ko pinuksan ang pintuan ng sabihin sa loob ng pwde na rin akong pumasok. “Mr. Francisco, you want to talk to me, is it about my work, sir?” Tanong ko dito sa kinakabahang boses. Tinignana ko nito at saka may tinawagan sa kanyang phone. “Come in here Alex.” Salita nito sa kabilang linya. Ilang sandali pa ay nakita ko ng pumasok ang secretary nito at may ibinigay na brown folder kay Mr. Francisco. Tahimik namang nagbabasa ito at saka muling tumingin sa akin na makahulugan. “How well do you know Mr. Mannix De Lana?” Seryosong tanong ito sa akin, nagulat pa ako sa tanong pero hindi ko pinahalata. “My ex-husband sir.” Sagot ko sa nakayukong at mahinang boses. “Ex-husband? It means that you are rich because your husband is a multi-billionaire and is famous and leading in the field of business.” Sagot nito sa akin at saka ngumisi. “We have been separated for a long time and I don't even care about the wealth he has.” Sagot ko sa matigas na boses. Wala na rin ako pakialam kung alamin nito ang aking buhay dahil sa matagal na kaming walang ni Mannix. “I heard you have twins; can I know who their father is?” Tanong ulit nito sa akin. Para naman ako nagtaka kaya nagtanong na rin ako. “What do you want to know sir? Because what you are asking is my life and I know that it has nothing to do with work, my personal life.” Madiin ko na ring sagot dito at saka ko ito tinignan ng seryoso. Nag-iba naman ang aura nito at mukhang tinamaan sa sagot ko. “I just want to know the truth, is it bad Mrs. De Lana?” Tanong ulit nito at pagalit na rin ang aura. Napapaisip pa ako kung bakit ito intrisado sa buhay ko at an oba talaga ang pakay nito sa akin. Pero dahil ayokong mawalan ng trabaho ay sinabi ko na lang din rito ang totoo. “I'm not a De Lana anymore. And if your question is if my children are his children, it is not another man who got me pregnant and not Mannix who cannot understand.” Sagot ko dito at tinigan din ito ng masama. Takot man akong matanggal sa trabaho at wala na akong pakialam dahil sa mas takot akong malamam ni Mannix na may anak kaming dalawa. “
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD