Chapter 8 -Third Person- Nasa New York ako ngayon para tignan muna ang iniwang business ni Mannix dito. Matatagalan kasi ito sa ibang bansa dahil sa bagong pinatatayo nitong hotel, ewan ko pa sa kapatid kong yon sobrang busy simula ng iwan ni Kristine. Kasalanan din naman niya kasi kung bakit sila tuluyang nagkahiwalay. Pero sa ngayon ay wala na akong magagawa pa dahil sa matagal na rin naman silang hiwalay at ang alam ko ay masaya na rin si Kristine sa bagong buhay nito. Papalabas na sana ko ng lobby ng mapansin kong wala pa pala si Leslie isang sikat na artista sa bansa, kaya naman nagtatago ito sa tuwing nagkikita kaming dalawa. Wala kaming relasyon kung hindi ang init lang katawan na meron kami. Bumalik ako sa kuwarto para tignan ito ng makita ko itong may kausap sa hallway, at m

