Chantal POV
Mula sa Burias Island ay sumakay ako sa isang maliit na di motor na bangka. Kinontrata ko na naman si Kuya Boyet para ihatid ako sa bayan ng San Pascual. Pagdating ko roon ay saka naman ako maghihintay ng roro diretso sa Pasacao Port. Halos kulang dalawa at kalahating oras din ang naging biyahe ko sa dagat bago ako nakarating ng port, buti na lang at may bus agad na nakapila roon papuntang Manila. Tinulungan pa ako ng konduktor na mailagay ang isang bag na damit na bitbit ko.
Nang makaupo na ako sa sarili kong upuan sa loob ng bus ay agad kong tinanggal saglit ang sweeter na suot ko. Nag ordinari bus na lang ako para tipid at dahil medyo papaumaga na ay mainit na ang aking pakiramdam.
Mas maganda sana kung gabi ang magiging biyahe ko, kaya lang delikado naman para sa akin na bumiyahe ng gabi at wala akong kasama. Mga alas-otso oh alas nuebe ng gabi ay saktong nasa Manila na ako, magtetext na lang ako kay Cherry kapag malapit na ako sa bus station.
Buong biyahe ay natutulog lang ako habang nakikinig sa malamyos na mga tugtugin. Minsan-minsan ay huminhinto sa isang bus stop ang sinasakyan kong bus kaya nakakapag cr naman ako kahit papaano. Naisipan ko rin mag browse sa aking social media account, at doon ay nakita ko ang mga mukha ng magaganda at mga seksing beauty queens na finallow ko para maging updated ako sa mga kaganapan sa kanila. Hilig ko na talaga ang tumingin-tingin sa mga social media accounts ng paborito kong beauty queen katulad ni Pia Wurtzbach at Catriona Gray, sila ang mga idol ko pagdating sa magagandang Pinay beauties.
Napatingin ako sa unahan ng bus ng biglang magsalita ang konduktor.
"Oh… malapit na tayo sa Cubao! Pakihawakan na ang mga gamit ninyo," paalala nito sa mga pasahero. Kaya naman tumayo na ako para kunin ang bag kong dala. Nagtext na rin ako kay Cherry kanina na malapit na ang bus na sinasakyan ko sa Cubao kaya malamang ay naghihintay na iyon sa akin kanina pa.
Nangangahalati na ang mga pasahero ng bus na sinakyan ko ng magkaroon na ako nag pagkakataon na makababa. Humawak pa ako grill na bakal sa gilid ng hagdan dahil parang naliliyo ako mula sa mahabang pagkakaupo ko sa biyahe. Pagbaba ko nga ng bus ay agad kong nakita si Cherry na nakatayo mula sa isang sulok ng bus station. Kinaway pa nito ang isang kamay maigi sa aking direksyon.
"Cherry!"
"Chantal,my friend!" Nagyakap silang dalawa at ilang saglit lang ay masaya niya akong tiningnan. "Lalo kang gumaganda ah," may paghangang sabi nito sa akin.
"Sus…ikaw naman,"
"Totoo ang sinasabi ko nuh, siya nga pala kasama ko si Kuya Edison." Saka ito luminga-linga sa paligid. At nakita nga namin si Kuya Edison na may hawak na isang supot. Siguro ay nagpabili naman si Cherry ng pagkain sa kapatid. "Oh, ayan na pala siya."
Nakangiti itong tumigin sa akin na sinuklian ko naman ng ngiti na sa tingin ko ay tama lang na gawin ko. Nahihiya kasi ako at hindi naman kami ganoong ka close kahit na matagal na kaming magkaibigan ni Cherry.
"Wala ka na bang ibang gamit Chantal?" tanong nito sa akin gamit ang boo at baritono nitong boses, napailing muna ako bago sumagot.
"Wala na Kuya Edison, isang bag lang ang dala ko...wala rin naman akong masyadong dadalhin na gamit." Alanganan kong sagot sa kanya.
"Hindi bale Chantal, kapag kailangan mo ng mga damit marami naman akong ibibigay sayo na damit sa wardrobe ko." Singit ni Cherry sa amin. Muli ay alangan naman akong ngumiti sa kanila, napakabuti talaga ng kaibigan kong ito...hindi ko alam kung paano ko siya mababayaran sa lahat ng mga tulong na ginagawa niya sa akin.
Pagdating namin sa kanilang tinitirhang bahay ay namangha ako sa laki at ganda nito. Malaki rin naman ang bahay ng mga ito sa aming lugar sa Bicol pero mas maganda at malaki pala ang bahay ng mga ito sa Manila. Hindi kasi ito ang bahay na tinuluyan namin ng minsan kaming mamasyal ni Cherry sa Manila dati kaya nanibago ako.
Nagulat din ako ng salubungin kami ng mga magulang nito kahit na medyo late na kaming dumating na tatlo galing ng Cubao.
"Chantal hija..." tawag sa akin ni Tita Clarisse.
"Magandang gabi po,tita." Yumakap ito sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
"Lalo kang gumaganda ah..." May paghangang bati pa nito sa akin. Ako naman ay medyo nahiya dahil kahit na sumasali ako sa mga pageant ay hindi pa rin ako sanay na maraming nagsasabi sa akin ng tungkol sa ganda na taglay ko.
"Sabi ko nga po Ma...ayaw naman maniwala nitong si Chantal." Nagtawanan kami pagkatapos sabihin iyon ni Cherry. Nang mahagip ng aking paningin ang gawi ni Kuya Edison ay may nakita akong kakaibang titig sa mga mata nito na hindi ko maipaliwanag kong para saan oh ano ang ibig sabihin ng mga titig na iyon sa akin, pero isa lang ang naramdaman ko...iyon ay ang pagkabagabag. Parang hindi ako komportable sa mga ngiti at titig na binibigay nito sa akin. Hindi na lang ako kumibo at pinagkibit balikat ko na lang mga bagay iyon, isa pa nakakahiya at ako nga itong makikitira lang sa bahay nila.
"Oh, nakahanda na pala ang pagkaen ninyo kaya pumunta na kayong tatlo sa kusina at kumain. Pagkatapos ninyong maghapunan ay ihatid mo Cherry si Chantal sa magiging kuwarto niya," narinig kong utos ni Tito Conrado. Ang Papa ni Cherry at Kuya Edison.
Magkakasabay kaming kumain na tatlo katulad ng biling nila Tito at habang kumakaen kami ay walang tigil sa pagkukuwento si Cherry sa mga kaganapan sa sasalihan kong pageant.
"Imagine Chantal...one million ang grand prize na puwede mong makuha kapag nanalo ka sa pageant na iyon." Hindi mapigil na kwento ni Cherry sa akin."Kaya kailangan nating karirin ang pag prapractice mo simula bukas, okay...?"
Napangiti na lang ako sa kanya, para talaga siyang stage manager kung umasta. "Oo naman friend, para makabawi naman ako sa pagpapatira ninyo dito sa akin." Sabi ko na lang saka siya nginitian. Pati si Kuya Edison ay hindi mapigilang tumawa sa pagbibiruan namin ni Cherry.
"Naman friend, mura lang ang accomodation mo dito nuh, free food and transfortation pa at nandyan naman si Kuya Edison. Kapag walang pasok sa work yan panigurado sasamahan tayo nyan,hindi ba kuya?" Kumindat pa si Cherry na kinaasiwa ko. Para kasing may alam silang dalawa na hindi ko alam. Alangan na lang akong ngumiti sa kanila, sasakyan ko na lang ang mga biro nila tutal naman ay kailangan ko talaga silang pakisamahan dahil sila ang mga taong tutulong sa akin para matupad ko ang aking mga pangarap.
Sa isang kuwarto ako sunod na sinamahan ni Cherry pagkatapos naming kumaen. Masarap sa mata ang kulay light blue na pintura ng kuwarto na pansamantala kong magiging silid habang nasa poder ako ng mga magulang ni Cherry.
"Okay ka na ba dito Chantal? Or gusto mo sa kuwarto ko na lang tayo magtabi?" Umiling ako pagdaka at medyo nakakahiya na kung makikisalo pa ako higaan ni Cherry, mawawalan din ito ng privacy kung sakaling pumayag ako sa paanyaya nito.
"Okay na ako rito Cherry, nakakahiya naman sayo kung makikisiksik pa ako sa kuwarto mo." Nahihiya kong sagot sa kanya. Kahit naman kaibigan niya ito ay may pagkakataon pa rin na nakakaramdam ako hiya kapag may binibigay oh ginagawa itong mabuti para sa akin lalo na at hindi ko natutumbasan ang kabutihan iyon hanggang ngayon. Kaya pangako ko sa sarili ay pagbubutihan ko talaga ang pagsali sa pagent na sinasabi nito para kahit papaano ay makabayad ako ng utang dito lalo sa mga magulang nito.
"Sus,para namang hindi tayo magkaibigan nyan? Pero sige, kapag may kailangan ka na lang ay kumatok ka lang agad sa pinto ng kuwarto ko ah. Huwag dun sa pinto ng kuwarto ni kuya." Nakabungisngis ito ng sabihin iyon sa akin.
"Ikaw talaga, palagi mo na lang inaalaska ang kuya mo." Saway ko sa kanya. Napansin ko kasi na palagi nag-aaway ang mga ito na hindi naman totally away kung hindi asaran lang naman na nauuwe sa pagsusumbong ni Cherry sa mga magulang nito. Actually, parang mga aso't-pusa ang mga ito kung minsan. Napangiti na lang ako.
Madalas kasi naiisip ko kung ano ang pakiramdam ng may kapatid? Mag-isa lang kasi akong anak ng aking mga magulang. At pangarap ko na kapag nagkaroon na ako ng sariling pamilya ay gusto ko ng maraming anak dahil dama ko ang mag-isa lang na anak sa pamilya.
"Chantal...are you alright? May problema ka ba?" nagulat siguro ito sa bigla kong pagtahimik.
"Wala, may bigla lang akong naalala." Nakangiti kong sagot sa kanya.
"Oh siya, d'yan ka na muna at magpahinga okay? Bukas ay pag-usapan natin agad ang tungkol sa pageant na sasalihan mo friend!" excited nitong sabi sa akin. Muli ay natuwa naman ako sa pagkagiliw nito sa akin at maging sa pagsali ko ng mga pageant ay suportadong-supordato talaga niya ako.