MARIE POV
Mahigit kalahating oras na kaming bumabiyahe at hindi ko alam kung saan kami tutungo. Tahimik lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. Tahimik ang daan na tinatahak namin, saan niya ba ako balak dalhin? Hindi rin siya umiimik at ayaw kong magsalita. Tanging tunog lang ng sasakyan ang nariring ko.
Maya maya pa ay huminto na ang kaniyang sasakyan sa isang lugar. Tumingin ako sa paligid, walang tao at tahimik. Na saan kami? Saan niya ako dinala? Anong lugar 'to? Mukha akong tangang nagtatanong sa aking sarili.
Bumaba na siya ng kotse at umikot papunta sa direksyon ko. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayang lumabas ng kotse.
Sinalubong ako ng malamig na hangin dahilan para mayakap ko ang aking sarili. Inilibot ko ang aking paningin, ang ganda ng paligid, nasa mataas na parte kami na lugar. Nakikita ko ang buong siyudad sa ibaba. Napangiti ako sa tuwa dahil sa ganda ng tanawin dito. Tahimik at presko ang hangin.
Napapitlag ako nang may naramdaman akong bagay sa balikat ko.
"Wear this para hindi ka lamigin." Pabulong niyang sabi.
"N-na saan tayo? Bakit dito mo 'ko dinala?" Hindi ko napigilang itanong sa kaniya.
Sumandal siya sa kaniyang sasakyan na naka pamulsa.
"Are you expecting me to bring you in hotel and f*ck you all night?" prangkang sabi niya na nagpahiya sa akin.
Naitungo ko ang ulo ko at tumikhim dahil pakiramdam ko ay may bumara sa aking lalamunan.
Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Pero hindi ko siya masisisi kung iyon ang kaniyang pagka intindi.
"I-I'm sorry to offend you. I didn't mean it." Sabi niya. Hilaw akong ngumiti sa kaniya at huminga ng malalim.
"Okay lang, hindi naman kita masisisi kung iyon ang sinabi mo. Sino ba naman kasi ako para dalhin sa ganitong lugar. Kaya hindi ko inaasahan, ang mga kagaya ko ay hindi dito dinadala ng kustomer nila." Sabi ko sa kaniya at tumingin ako sa paligid. Mas gusto ko na lang namnamin ang katahimikan, pakiramdam ko ay nawala ang mga problema ko.
"I brought you here because I wanted to. I want you to be here with me in this place. And about my offer, what is your answer?" Tumingin ako sa kaniya at nagsalubong na naman ang aming mga mata. Napatitig ako sa mga mata niyang nakaka akit at mapungay. Ang matangos niyang ilong at mapulang labi, madilim man ang paligid ay kita ko ito dahil sa liwanag na nagmula sa buwan.
"Done starring?" Nagulat ako nang bigla siyang magsalita. Palagi na lang akong nagugulat kapag naririnig ko ang malamig niyang boses. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at tumikhim.
"Kung ang inaalok mo sa akin ang dahilan kung bakit mo 'ko dinala dito, puwede namang doon na lang tayo nag usap sa VIP room. Kakausapin pa rin naman kita," Sabi ko sa kaniya.
"Oo aaminin kong kailangan ko ng pera, pero ayokong umasa sa bigay lang. Paghihirapan ko na lang kesa naman tatanggap ako sa perang hindi ko naman pinaghirapan." Dugtong ko. Ma pride na kung ma pride, pero ayokong tumanggap ng tulong lalo na at hindi ko naman siya ka ano-ano.
"I can help you to find a descent work if you accept my offer." Sabi niya. Sino ba 'tong lalaking 'to? Hindi man lang siya nagpakilala sa akin, paano ako magtitiwala sa kaniya?
"Hindi kita kilala, paano ako magtitiwala sa 'yo? Isa pa, ayokong umalis sa club na 'yon. Malaki ang utang na loob ko sa may ari ng club kaya hindi ko kayang talikuran na lang." Seryosong sabi ko. Noong namatay ang nanay, si Madam Jen ang tumulong sa akin sa mga gastusin para sa burol at libing. Hindi man niya ako sinisingil pero pinagtrabahuhan ko 'yon.
"Pangalawang gabi na ito na nag usap tayo, anong pangalan mo?" Hindi ko na napigilang itanong. Mukha akong nakipag usap sa estranghero sa lagay ko tapos nandito kami sa lugar na hindi ko man lang alam kung saang sulok ng Maynila niya ako dinala.
"I'm Oliver Del Valle, I'm sorry for not introducing my self." Sabi niya.
Hindi ba siya marunong mag tagalog? Dumudugo ang utak ko, nakakaintindi naman ako pero hindi ako komportable.
"Bakit mo na isipang alokin ako ng pera? Alam mo bang nakakapagtaka ka? Ang ibang kustomer mag aalok ng pera, pero may kapalit. Ikaw naman bigla-bigla kang kausapin ako at alokin ng pera. Paano kung ibang tao ako at tanggapin ang alok mo tapos pagperahan ka?" Tanong ko sa kaniya. Nakakataka naman talaga, bigla niya akong inalok kahit noong gabi pa lang niya ako nakilala, sinong matinong lalaki ang gagawa no'n?
"Because I wanted to, I wanted to help you. Gusto kitang alisin sa lugar na iyon, hindi nababagay ang isang katulad mo sa lugar na iyon." Sabi niya. Napatitig na naman ako sa kaniya.
"At saan ako nababagay?" Tanong ko.
"Sa disenteng lugar, disenteng trabaho." Sagot niya. Mapakla akong ngumiti, sinubukan ko nang mamasukan sa mga restaurant noon pero hindi ako tinaggap dahil gusto nila iyong malinis. At dahil nga sa uri ng trabaho ko walang tumatanggap sa akin.
"Hindi ako nababagay sa mga lugar na tinutukoy mo kung iyan ang naiisip mo. Walang tatangap sa kagaya kong bayaran at maruming babae. Sinubukan ko na 'yan noon, iyon nga lang ayaw nila dahil sa uri ng kasalukuyang trabaho ko." Sabi ko sa kaniya.
"Fine, hindi na kita pipilitin. But I want you to stop go with other guy and make a 'thing'."
Bigla akong napatitig sa kaniya dahil sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Hindi na ako sasama sa ibang lalaki para magpagamit gano'n ba?
"Pinagbawalan mo ba ako?" Tanong ko.
"Yes." Seryosong sagot niya.
Hindi ako makapaniwala sa lalaking 'to. Anong pumasok sa isip niya at pinagbawalan ako? Bakit naman niya ako pagbabawalan?
"Bakit?" Tanong ko.
"Because I don't want to. Ayokong nakikita kang may kasamang ibang lalaki o kahit pa kustomer mo." Seryosong sagot niya. Napanganga ako, bakit ba siya umaasta ng ganito? Anong ibig niyang mangyari?
"Bakit mo 'ko pinagbawalan? Trabaho ko 'yon natural na mga lalaki ang makakasama o makaka usap ko." Sabi ko sa kaniya na salubong ang mga kilay.
"Just follow what I've said." Sabi niya.
"At bakit kita susundin?" Nakataas ang kilay kong tanong sa kaniya.
"Because I'm jealous, I... i like you Marie. And it's f*cking hard to me na makita o maisip na may ibang lalaking humahawak sa'yo at sa katawan mo!" Tumaas ang tono ng boses niya na nagpagulat sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko mula sa kaniya, kakaiba din ang lalaking ito.
Seryoso ba siya?