MARIE POV
Naghahanda na ako para umalis, naka tulog na rin si bunso. Ayaw niya sana ako papasukin sa trabaho pero dahil kailangan ay pinatulog ko muna siya.
Naka sakay na ako ng dyip papunta sa club. Pagdating ko maraming customer at sasakyan sa labas.
Lunes ng gabi ngayon pero bakit ganito karami ang customer? Tanong ko sa aking sarili.
"Marie, andiyan ka na pala. Kanina pa kami naghihintay sa'yo akala namin 'di ka na papasok." Sabi ni Olga, kasamahan ko din sa trabaho. Sumasayaw din siya at siya ang karilyebo ko kapag 'di ako maka pasok.
"Pasensya na kayo ha, hindi nga sana ako papasok kasi inatake na naman ang kapatid ko sa sakit niya. Kaninang umaga lang ay sinugod ko sa ospital." Malungkot kong aniya.
"Gano'n ba, pasensya na rin hindi namin alam. " Sabi nila. Nasa back stage na kami at nag-aayos.
"Kumusta na si Marky?" Tanong ni Cheska.
"Hay, ayon okay naman siya. Pero kailangan na niyang ma operahan." Sabi ko.
"Ha? Bakit? Hindi ba may gamot naman siyang iniinom?" Tanong niya.
"Malala na ang sakit niya Che, sabi ng doktor niya kung hindi daw siya ma-operahan kaagad maaring ikamatay niya? Pumiyok na naman ang boses ko. Bakit ba ang bilis kong lumuha? Pagdating sa mga kapatid ko nanghihina ako.
"Sis, 'wag kang mawalan ng pag-asa. May awa ang dios. Ipagdasal lang natin at hilingin na pahabain pa ang buhay ni Marky." Sabi niya at hinahagod ang likod ko.
"H-hindi ko alam kung saan ako makakahanap ng pera para sa operasyon niya Cheska. Saan ko hahanapin ang isang daang libo?" Tanong ko.
"Hay, 'wag kang mag-alala tutulungan ka namin. Kung kailangan mag-ambagan kami gagawin namin. Tama na, 'wag ka nang umiyak." Pagpapakalma niya sa akin. Sa kabila ng lahat ay may mga tao pa rin na nag mamalasakit sa akin at sa aming magkapatid.
Kinalma ko na ang sarili ko at nagbihis. Sasayaw ako ngayon at kung may mag-alok tatanggapin ko. Kung ito 'yung paraan para maka ipon ako ng pera kaagad. Kahit ano, gagawin ko para sa kapatid ko. Kahit pa ang pagkatao at dignidad ko ang kapalit nito. Ayokong mawala ang kapatid ko, kami na lang apat. Lahat gagawin ko para sa kanila.
Nag simula na ang tugtog at nasa entablado na ang mga kasama ko. Sabi ni Madam sa akin, sa kalagitnaan na adaw ako pumasok. Kaya pala maraming kustomer dahil kaarawan pala ng isa sa vip guest at regular customer namin dito. Si Mr. Chan, isang chinese at medyo may katandaan na. Palagi niya akong inaalok ng malaking halaga pero hindi ako sumasama. Bukod sa matanda at nakakatakot niyang awra ay hindi ko kayang magpagalaw sa kaniya. Hindi naman ako namimili pero pagdating sa kaniya ay nandidiri ako.
"At ngayon ang mas magpa-init sa inyong gabi... Let us all welcome ang reyna ng entablado Marie-posa!" Anang Madam Jen. Na hati sa dalawa ang dalawang tela at nakatalikod ako. Nagbago ang tugtog na nababagay sa pagpasok ko. Umingay ang buong club, palakpakan at hiyawan ng mga lalaki. Sa tagal ng trabaho kong ito nasanay na akong pagpantasyahan ng mga kalalakihan. Humarap ako at saktong pag tingin ko sa unahan ay nagtagpo ang mata namin ng lalaking pamilyar sa akin. Tinitigan ko lang siya, kita ko ang bawat pag lunok niya na para bang natutuyuan ng laway sa lalamunan, napangiti ako sa kaniyang reaksyon. Ang mga mata niyang nakaka hipnotismo kung tumitig na mas lalong nagbigay sa akin ng lakas sa pagsayaw. Natapos ang tugtog na iyon at isa-isa kaming bumalik sa likod.
"Hoy, pansin ko 'yon." Sabi ni Olga. Siniko pa niya ako.
"Ang alin?" Tanong ko.
"Deny ka pa diyan, 'yong lalaki kanina sa harapan. Alam mo titig na titig siya sa'yo." Nakangiti niyang sabi.
"Nako baka ngayon lang siya naka kita ng sumasayaw." Natatawang sabi ko. Pero alam ko na hindi iyon ang dahilan. May inalok pala sa akin ang lalaking 'yon. Nangangailangan ako ng pera ngayon pero wala sa isip ko na tanggapin ang alok niya. Ayoko din na umalis dito dahil lang doon. Malaki ang utang na loob ko kay Madam Jen at ayokong umalis na lang basta-basta.
"Marie," tawag ni Madam Jen sa akin.
"Po Madam?" Tanong ko.
"May gustong makipag-usap sa'yo. Pinag paalam ka na niya sa akin. Gusto ka daw niyang ilabas." Sabi niya sa akin. Bigla akong kinabahan, hindi kaya 'yong lalaking 'yon ang gustong kuma-usap sa akin?
"S-sige po, magbibihis lang ako." Sabi ko kay Madam.
Sinuot ko ang itim na dress ko, kinuha ko ang bag ko at lumabas na.
Paglabas ko ay nakita ko siyang naka sandal sa may poste at naka pamulsa. Ang guwapo niya sa suot niyang black polo na bukas ang dalawang butones sa may dibdib. Halatang may muscle, matangkad pala siya. Napalunok ako nang magtagpo ang mga mata namin. Nasa harap na niya ako at nagkatitigan kami.
"Let's go." Nagulat ako sa biglang pagsalita niya at huli na nang mapagtanto kong hila-hila niya pala ako.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok ako sa kaniyang kotse. Nanginginig ang kamay ko at kumakabog ang puso ko. Saan niya ako dadalhin?
*/ Sa heaven (smile emoticon) Author /*