MARIE POV
Hapon na kaya nagluto na ako ng panghapunan namin. Gagabihin daw ng uwi si Maya, hinihintay ko na lang si Marcus.
"Atee?" Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Maya. Ang sabi ay gagabihin pero nandito na siya.
"Maya, akala ko ba ay gagabihin ka?" Bungad ko sa kaniya.
"Maaga pong natapos iyong project namin Ate, wala kasi kaming klase kanina kaya ginawa na lang namin." Nakangiting sabi niya.
"Ate Marie, tingnan niyo po oh, perfect po ang nakuha kong marka sa quiz namin kanina." Singit ni Marcus at pinakita sa akin ang kaniyang papel.
"Wow, ang galing naman ng kapatid ko. Congrats Marcus," sabi ko sa kaniya at niyakap ko siya.
"Ate, may ibibigay din po ako sa 'yo." Sabi ni Maya.
"Ano 'yon?" tanong ko sa kaniya.
May inilabas siyang bulaklak sa likod niya at inabot sa akin.
"A-ate, gusto ko pong humingi ng sorry dahil sa panghuhusga ko sa 'yo kahapon. Hindi ko po iniisip kung bakit ninyo pinasok ang trabaho na iyan. Ate sorry, sorry kung akala mo nagalit ako sa 'yo. Ate hindi naman po ako galit sa iyo, sa mga tao po ako galit dahil ikaw na lang ang palagi nilang pinag-uusapan. Na iinis ako kasi pinagtatawanan ka nila at pinag uusapan lalo na nang mga kalalakihan dito sa atin. Sorry ate kung kinakahiya ko ang trabaho mo. Hindi ko man lang na isip na kaya mo pinasok ang trabahong 'yan ay dahil ayaw mo kaming magutom. Ate sorry talaga, pangako mag-aaral ako ng mabuti at ako naman ang magtatrabaho para sa atin." Umiiyak niyang sabi.
Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ko ang kamay niya.
"Naintindihan ko, alam kong nahihiya ka. Hindi naman kita masisisi kung ganiyan ang maramdaman mo, kahit ako ay nahihiya rin sa sarili ko. Pero kaya kong balewalain 'yon para sa inyo. Para kay Marky, kong kaya ko lang din kayong iwan at magtrabaho sa malayo, ginawa ko na. Pero hindi e, wala na tayong magulang. Si Marky may sakit at kailangang may nakatutok sa kaniya. Ayaw ko din naman na titigil ka sa pag-aaral. Maya, lahat kayang gawin ni Ate matugunan ko lang ang mga pangangailangan natin. Mabilhan ko lang ng gamot at mapatingin sa doktor si Marky. Kayang tanggapin ni Ate ang kahihiyan at insulto ng mga tao para sa inyo. Hindi nila alam ang dahilan ko. Kaya sana, tulungan mo si Ate, mag-aral ka ng mabuti dahil kapag nangyari iyon, aalis na si Ate sa pagsasayaw."
Tumutulo ang mga luha ko habang sinasabi sa kaniya iyon. Alam kong nahihirapan na rin ang mga kapatid ko.
"Pangako ko Ate, sorry po ulit." Sabi niya at niyakap niya ako.
"Pasali naman kami ni Marky." Singit ni Marcus. Nagtawanan kami at hinila ko sila.
"Halinga kayo dito, nako mga kapatid ko talaga mga malalaki na." Nakangiting sabi ko sa kanila.
"Mahal ka namin Ate, ikaw ang pinaka the best Ate in the whole world. Mabait, responsable, matatag at maganda." Sabi ni Maya.
"Okay na sana e, kaso may pangbobola sa huli." Sabi ko. Nagtawanan na naman kami at masayang nagyakapan.
"Sige na, tama na ang yakapan. Magbihis na kayo at kakain na tayo." Utos ko sa kanila. Agad naman silang sumunod. Hinanda ko na ang pagkain sa mesa at pinagsandok si Marky.
"Ate, saan galing ang pansit?" Tanong ni Maya.
"Galing kay Aling Sonia, Maya may sasabihin ako." Sabi ko sa kaniya.
"Ano 'yon Ate?"
"Dinala ko si Marky kanina sa ospital. Sumikip na naman ang puso niya. S-sabi ng doktor, kailangan na niyang ma operahan sa lalong madaling panahon." sabi ko. Nangingilid na naman ang luha ko.
"A-ate, bakit? Di ba hindi pa naman malala ang sakit ni bunso.?"
"Malala na, k-kung hindi siya ma operahan kaagad, maaring... maaring ikamatay niya." Pumiyok ang boses ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Dios ko, a-ano daw ang dapat nating gawin Ate?"
"Kailangan kong maka ipon ng pera para sa operasyon at sabi ng doktor siya na ang bahala sa heart donor."
"A-ate," nag-iyakan na naman kami. Kanina ay nagtawanan kami, pero dahil nahaharap na naman sa malaking problema hindi maiwasang maging emosyonal. Na aawa ako sa mga kapatid ko, lalo na sa bunso namin. Kung hindi lang sana kami iniwan ni Tatay at namatay si Nanay, hindi kami mahihirapan ng ganito.
'Dios ko, ikaw na ang bahala sa lahat.'