Chapter 27: Paghaharap Senon's POV Sa paglakad lakad ni Zephaniah sa harapan ko ng paikot-ikot, alam kong gulong gulo na siya. Alam kong madami ng tanong sa utak niya. Bahagya akong napailing, nang maalala ko ang taong iyon. Pinagkatiwalaan ko siya, pinagkatiwala ko si Zephaniah sa kanya. Pero inutil din siya, wala din siyang nagawa! "Hanggang kailan ka magiging walang imik sa nangyayari?!" Napatingin ako kay Zephaniah dahil sa bulyaw niyang iyon. Kulob ang kwarto ko, kaya dinig sa bawat sulok nito ang alingawngaw ng sigaw niyang iyon. Wala akong nagawa kundi ang yumuko. Sorry Zephaniah, nangako akong hindi ako magsasalita... "Senon Sebastian! Sino ka bang talaga? Ha? Bakit mo ba ko pinapaikot ng ganito? Bakit niyo ba ko ginaganito? Badtrip naman eh! Hirap na hirap na ako. Alam mo b

