Chapter 49: Revealed Third Person's POV Ang tagal hinintay ni Jaz ang pagkakataong ito. Ang tagal din niyang nagtiis. Para sa kanya, hindi mararamdaman ni Zeph ang sakit kapag pinarusahan niya ito ng ganun ganun lang. Gusto niyang maramdaman muna ni Zeph ang magkaroon ng kaibigan, ng minamahal at ng may pinoprotektahan nang sa ganon ay kapag nasa bingit na siya ng kamatayan, pagsisihan niya ang ginawa niya. Maisip niya na dapat nagpakatino siya. Hindi sapat para kay Jaz ang makita si Zeph na agarang mamatay, gusto muna niya itong pahirapan. Gusto muna niyang masaksihan mismo ni Zeph na siya ang may gawa ng lahat ng paghihirap niya. Nakahandusay ang mahinang katawan ni Zephaniah sa sahig. Ni hindi na ito halos gumagalaw, parang paghabol na lamang sa kanyang hininga ang kanyang ginagawa.

