Chapter 48: Being Fierce Zeph's POV "Nasaan na 'yung kiss ko?" Nagtatampong saad ni Xenon. Hanggang ngayon kinukulit niya pa din ako tungkol sa kiss na sinabi ko sa kanya kanina nu'ng papunta kami sa ospital. Akala ko nagbibiro lang siya sa ngisi niya kanina, ako kasi nagbibiro lang sa sinabi ko eh. "Cr lang ako." Paalam ko sa kanya habang nakangisi. "Bilisan mo ha? May utang ka pa sa akin." Giit ni Xenon. Hindi na ako sumagot pa, dumiretso na ako sa cr. Hindi na ako maliligaw kung saan ang cr dito dahil minsan ko ng tinirhan ang bahay ni Roxanne. Namataan ko si Jaz na nakatayo malapit sa pinto ng cr. Ngumiti lamang kami sa isa't isa. Pero paglampas ko sa kanya ay may naramdaman akong kuryente sa aking batok. Pagkatapos ay hindi ko na alam ang nangyari basta ang alam ko, nanghina

