Chapter 24: Laman ng Sulat Ranz's POV Kung hindi lang talaga kabaklaan ang pag-iyak ay baka ginawa ko na iyon sa harap ni Zephaniah. Pero sa kabilang banda alam kong kahit papaano ay nakita niya akong mahina. Wala na akong paki kung tawagin niya akong mahina at nagpapadaig sa emosyon basta ang gusto ko lang sa ngayon ay ang magkaayos kami ni Roxanne. "Siya ang kahinaan mo, kaya mas lalo kang manghihina kung hindi kayo magkakaayos." Iyon ang huling katagang sinabi ni Zeph sa akin bago siya umalis. Kinahapunan ay nagmadali akong tumungo sa student lounge, alam kong dito talaga madaling mag-abang ng dadaang estudyante kapag uwian na. Pinag-isipan kong mabuti ang mga sinabi ni Zephaniah, may punto siya. Kaya nagdesisyon akong dapat na nga kaming magka-ayos ni Roxanne at tama din ang sinab

