Chapter 25: Simbolong Armas Zeph's POV Madilim na din nang tuluyan kong lisanin ang MCU. Iniwan ko na ang dalawa, para naman makapag-usap pa sila ng mas matagal. Siguraduhin lang ni Ranz na iuuwi niya si Roxanne, dahil kapag may nangyari pa ulit kay Roxanne isusunod ko siya... Napangiti ako ng matipid nang sumagi sa isip ko ang maamong mukha ni Roxanne, masaya ko para sa kanya... Sa kabilang banda ay nag-aalala ko para sa kanya. Ngayong ganiyan na sila kadikit ni Ranz, alam kong mas lalo siyang malalagay sa panganib. Tunay na siyang napanganib umpisa palang na nakipag-kaibigan siya sakin. Pero mas malala ngayon dahil dalawa na kami ni Ranz na banta sa kanya. Ayokong mapahamak si Roxanne, pero ayoko din namang lumayo sa kanya. Kapag ginawa ko 'yun lalo lang siyang mapapahamak. Dahil si

