Chapter 35: In Between Rox's POV Halos mapatalon ako sa tuwa nang masilayan kong muli ang magagandang mukha ng aking dalawang kaibigan—sina Jaz at Zeph. Isang mainit na yakap ang sinalubong ko sa kanila paglapit ko sa pwesto nila, malapad na ngiti ang sinukli sa akin ni Jaz samantalang kinunutan lang ako ng noo ni Zeph. Hindi na bago 'yon, lagi naman siyang ganyan. "Kamusta ang sembreak natin girls?" Ito ang panimula kong topic since wala akong balita sa kanila mula nu'ng huling klase bago mag-sembreak. Nu'ng mag-sembreak kasi ay bumalik na ko sa bahay ko kaya wala kaming balita sa isa't-isa. Umupo ako sa upuang pinagi-gitnaan nilang dalawa, kagaya ng dati ay si Zeph ang nasa tabi ng bintana tapos sa kabila ko naman sa gawing kanan ay si Jaz ang nakaupo. "Okay naman." Saad ni Jaz pa

