CELINE PASADO alas-syete kami nang makarating sa bahay namin sa Cubao. Mabuti na lang at wala rin gaanong traffic sa edsa—hindi kami sadyang naipit sa daan. Alerto din si manong at nauna na siyang dumating sa amin sa paliparan. Nagpaalam sa akin si Wade na mag-shower muna at heto ako nandito ako sa labas ng terrace sa silid naming dalawa. Katatapos lang namin kumain sa pinahanda kong pagkain namin sa katiwala ko—dahil nagugutom na rin ako at para tuloy-tuloy ang pahinga namin ni Wade. Ilang sandali nagpasya akong tingnan ang social media accounts ko. Wala man lang kahit na ano'ng post si Wade sa naging escapade naming dalawa, sabagay wala naman kami gaanong picture sa isla. Bakit ko naman hahanapan ito? Ganoon din naman ako. Naalala kong kailangan ko nga pala puntahan ang weddi

