CELINE TULUYAN na akong nawalan ng gana. Ang sinabi ko sa sarili kong magiging espesyal na araw na 'to ay nawala na. Huling gabi namin ito, pero halos sinira lang ng mga babaeng 'to. "Are you okay?" untag sa akin ni Wade nang lapitan ako nito. Dala-dala niya ang order namin; menudo, nilagang karne at dalawang kanin ang napansin kong nasa tray nito. "Celine—pwedi mo sabihin sa akin kung ano ang problema." "I'm fine! Huwag mo na akong intindihin." "Mahal..." "Nagsisilos lang ako. The way they looked at you parang hindi lang maganda ang dating sa akin," pag-amin ko kay Wade. "Wala ka naman dapat ipag-alala hindi ba?" "Hindi mawawala sa akin, Wade." Umupo si Wade paharap sa akin pagkatapos ilagay ang tray sa mesa namin. "May nagsabi na ba sa 'yo na ikaw ang pinakamaganda at pinakam

