Chapter 17 : A damn cheater

1075 Words

CELINE NAKAUWI ako da bahay, nandoon pa rin ang lungkot sa puso ko. Tulad ng nasa isip ko kanina, wala pa nga si Wade. Alas-syete pa lang naman, umaasa pa rin naman akong maya-maya lang nandito na ito sa bahay. Ang plano ko na lang ngayon ay ipaghanda ito ng pagkain nito—sa isip ko ayaw kong walain na may pinuntahan nga lang na mahalaga ang asawa ko. Hindi rin naman kasi biro ang naging mga araw na nilaan naming dalawa sa honeymoon namin sa Siargao, kaya sa hinuha ko baka talagang may mahalagang binisita lang ito. Natigilan ako nang maalala ang sagot nitong nasa opisina ito nang tawagan ko. Paano naman mapaliwanag sa akin ni Wade 'yon? Opisina? Samantalang ang sabi sa akin ni Grace, umalis ito. Napailing-iling ako sa aking sarili, kanina lang pinangako kong hindi na mag-isip.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD