CELINE "Sorry. Hindi ko namalayan na nandiyan ka na pala," walang sigla kong sambit sa kaniya. Iniwasan ko ang isa pa sanang nakatakdang halik nito. I don't want to think about it, but I think isa 'yong halik ni Hudas. "May dalaw ka ba, Celine?" tanong nito sa akin. Tumayo ako nang walang paalam, pinigilan ko ang sarili kong sagutin ito. Plano kong hayaan siyang mag-isil ng mga bagay na gusto nitong isipin. "Pinaghanda kita ng makakain mo, ang mabuti pa kumain ka na," sabi ko sa kaniya. "M-may problema ba tayo, Sweetheart?" anito. Napahinto ako sa paglalakad para sa akma kong paglabas ng silid namin. "Galing ako sa office, marami akong ginawa at inasikaso. I wasn't able to call you earlier, but I tried..." anito. Gusto ko siyang paniwalaan—pero nangibabaw sa isipan ko ang pag

