CHAPTER 3

950 Words
CELINE SINALUBONG ko ng ngiti si Wade nang mapansin ko itong pababa na mula sa taas kung saan naroon ang silid naming dalawa sa isang simpleng apartelle na tinutuluyan namin sa Siargao pansamantala. "Nakapagluto na ako," aniya ko sa kaniya. May ngiti sa mga matang lumapit ito sa akin at agad akong hinalikan sa nuo ko na madalas naman hindi nito ginagawa. Iba na siguro talaga pag buhay mag-asawa naisip ko nalang mas nagiging maayos kasi sa amin ang lahat. Pakiramdam ko wala ng makakasira sa kung ano man ang mayroon kami ngayon—pero dahil alam ko na hindi naman ganoon kadali ang lahat. Ipapanalangin ko nalang siguro na magiging maayos na talaga sa amin ang lahat ng dapat namin ayusin lalo pa't supling nalang ang siyang kailangan namin at isang buo na talaga kaming pamilya. Napangiti ako sa ideyang magkakaanak kami ni Wade, dahil ang totoo handa na rin ako maging ina at ganoon din si Wade dahil matagal na rin namin itong napag-usapan pa at napagkasunduan. “Halika ka na! Kain na tayo,” aya sa akin nito nang ihanda ko na ang lahat sa harap ng hapag ang siyang pagsasaluhan namin. “Mukhang tataba na yata ako nito, ah,” narinig kong biro nito sa akin habang pinagtitimpla ko siya ng mainit na kape na paborito nito kahit saan man kami magpunta mula palang noon na magkasintahan kaming dalawa. “Hindi naman. Alam ko naman kung gaano ka kaingat sa katawan mo,” sabi ko sa kaniya at umupo paharap dito. “Thankyou, sweetheart!” aniya nito sa akin. Ngumiti ako sa kaniya. “Walang anuman, Wade! Tulad nga ng pangako ko sa'yo pagsisilbihan kita at sasamahan kita sa lahat ng bahay, hindi ba?” Ngumuso itong halatang nagpapacute lang sa akin. Nakangiti ko siyang nilagyan ng pagkain sa plato nito. “Gusto mo ba mamasyal mamaya?” tanong nito sa akin. Napasulyap ako sa kaniya, nag-isip din ako kung may iba pa ba akong gagawin at nang masigurado kong wala naman akong kailangan pumayag nalang ako. Besides ilang araw na lang kaming mananatili rito sa Siargao at babalik na rin ulit kami sa Manila. Naisip ko rin na kailangan namin ng maraming quality time ni Wade at mas mapalapit pa sa isa't isa. Tahimik kaming pinagsaluhan ang pagkain na ginawa ko para sa amin para sa planong pamamasyal pagkatapos namin kumain. Kailangan ko rin palang ihanda ang lahat ng kailangan namin para sa pamamasyal na nais nito. ^ WADE KANINA ko pa pinagmamasdan si Celine habang masaya itong nakikipag-usap sa ilang tindera ng pasalubong sa isang mall kung nasaan kaming dalawa. Kahit talaga nasaan ang asawa ko madali lang itong may nakakagaanan ng loob. The best thing about her—kaya nga tama ang lahat na maswerte ako dahil mayroon akong isang Celine na makakasama sa buhay. Nilingon ako nitong nakangiti at tinaas ang T-shirt na alam kong para sa akin. Tumango lang ako at ngumiti sa kaniya, kilala ko si Celine kong kailan ito masaya at hindi, sa nakikita ko ngayon sa mga mata niya alam kong masayang masaya ito. Natuon ang pansin ko sa isang bahagi ng stall kong saan may ilang grupo ng kababaihan ang nandoon. Napasulyap sa akin ang isa kitang-kita ko ang malagkit nitong tingin— napalunok ako at muling tinuon kay Celine ang tingin ko. Ayaw kong may kung anong masama ang siyang mangyari sa amin sa Siargao sa pulot gata na dapat namin pagsaluhan at e-enjoy sa isa't isa kaya pinili kong iwasan ang mga ito. Kung bakit ba naman na hindi pa rin mawala-wala sa akin ang lahat kanina si Megan at ngayon naman ang grupo ng mga kababaihan na itong nagpapansin lang sa akin. "Okey ka lang ba rito?" tanong nito nang makalapit ito sa akin. "Ayos naman ikaw?" Tumayo ako at hinila ang upuan kong saan ako prenteng nagpaiwan para hayaan lang siya mag-shopping sa isang sikat na mall dito sa Siargao. "Medyo napapagod na ako sa kaiikot," sagot nito sa akin. "You want coffee?" "H'wag na. Ayos lang ako. By the way, binili kita ng ilang shirts," masaya nitong sabi sa akin. Hindi ko ito pinigilan sa paglabas nito ng ilang damit na binigay nito para sa akin—tatlong puting t-shirt na may iba't ibang design ng may pangalan na Siargao. "Nagustuhan mo ba?" Tumango-tango ako—nang muli kong pinasadahan ng tingin ang ilang babaeng nasa kabilang table lang namin. "I like it. Thankyou, Celine." Ngumiti lang ito at isa-isang muling sinilid sa paper bag ang mga binili nito para sa amin. "Sabi ni manang marami pa raw ang magagandang mabilhan sa mall na ito, pero parang napapagod na ako," sabi nito sa akin na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi nitong mas lalong nagpapaganda sa mukha ng asawa ko. "If you want bukas naman, may tatlong araw pa naman tayo rito. You still can enjoy it," aniya ko sa kaniya. Lumingon si Celine sa likuran namin alam kong nahuli nito ang tatlong nakatingin sa gawi naming dalawa. "Uwi na tayo after nito, gusto ko na ipahinga ang likod ko," sabi niya nang muling ituon ang tingin sa akin. Ang kaninang nakangiting mukha nito ay biglang naglaho sa nalingunan at alam ko ang siyang ibig na naman nitong sabihin. Kilala ko si Celine sa ilang beses na nahuli nitong may kasama akong iba alam kong may iniisip na naman ito tungkol sa nahuling mga tingin na pinagkaloob sa akin ng mga babaeng kanina ko pa kinaiinisan dahil sa malagkit na tingin sa akin ng mga ito. Hindi ko rin naiintindihan dahil alam kong alam naman ng mga ito na may kasama akong iba at walang iba kundi ang asawa ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD