CELINE • GOING BACK TO MANILA
"KAMUSTA ang pamimili natin?" tanong ko kay Wade nang makaupi na kami sa apartelle, pagkatapos nitong ibaba sa lapag ang ilan sa mga dala-dala nitong pinamili naming dalawa.
Karamihan dito ang mga ipapasalubong ko sa firm sa mga ka-trabaho namin.
"Ayos lang naman, Mahal," sagot nito sa akin.
"Medyo nakakapagod lang at crowded din pala dito," dugtong pa.
Tama si Wade, marami ngang tao kanina sa mall kung saan namin piniling mamasyal.
Pagod akong umupo at sinandal ang likuran ko sa malambot na sofa.
"Hindi ko nga rin inaasahan, pero baka mga namimili rin ng mga pasalubong sa pamilya nila, tingin ko sa ilan mga bakasyunista lang din," ani ko sa kaniya.
Pansin ko sa ilang kasabayan namin kanina.
Matapos ayusin ni Wade ang paglagay ng mga supot na dala-dala nito umupo ito patabi sa akin.
"Ang ganda ng Siargao, Mahal no? Hindi ko akalain na sobrang peaceful dito," komento ni Wade at sa isip ko sinang-ayunan ko.
Maganda naman talaga ang Siargao— walang tulak kabigin ang mayaman sa magagandang tanawin ng isla.
Minsan nga naisip kong magtagal sa islang 'to, iyon nga lang may mahahalaga din akong kailangan gawin sa Manila.
"Babalik tayo dito, Mahal ha," sabi sa akin ni Wade at sinandal ang ulo nito sa balikat ko.
"Oo naman. Hindi naman mawawala ang islang 'to. Malay mo dito mabuo 'yong baby natin, Mahal," tugon ko sa kaniya.
Pinagdaup ni Wade ang palad naming dalawa.
Mahal na mahal ko si Wade at alam ko naman na mahal din ako nito, hindi naman ito papayag magpakasal kami kung walang konkretong pagmamahal sa isa't isa.
"Excited na ako, Mahal. I can't wait na magkakaroon na tayo ng anak—anak na magbibigkis sa ating dalawa bilang mag-asawa."
Dinala ni Wade ang kamay ko sa labi niya.
Sana nga ganoon lang kadali ang lahat, ang magkaroon agad kami ng munting supling na matatawag naming amin.
Hindi lang basta mga aso ko ang nagsisilbing mga anak namin.
Though.
Kapwa naman namin napag-usapan na kahit hindi muna dumating 'yon, ang mahalaga ang maayos na samahan namin ngayon.
Iyon lang naman ang hiling ko sa ngayon at pagtutulungan namin 'yon ni Wade—buo naman ang tiwala ko sa asawa kong nagbago na nga ito.
Hindi na ito ang Wade na matinik sa babae mula pa noong magkasintahan pa lang kaming dalawa.
Napasulyap ako sa kamay namin na magkahawak. Sa sarili ko napangiti ako, sana ito na ang simula ng walang hanggang pagsasama namin.
Ihihiling at ipagdadasal ko.
^
WADE
HINDI pa rin mawala sa isip ko ang dalawang babaeng nakita ko kanina sa mall kung saan kami namili ni Celine.
Maganda ang babaeng 'yon, sexy din ang katawan nito, kahit nakaupo ito kasama ang ilang kaibigan nito wala naman tulak kabigin ang kagandahang taglay nito.
Iyon nga lang at kasama ko si Celine—baka kung mag-isa lang ako malapitan pa ako nito o ako mismo ang lalapit dito.
"May iniisip ka, Mahal?" tanong sa akin ni Celine.
Napansin siguro nito ang pananahimik ko.
"No, Mahal. Naisip ko lang sina Felix at Grace kung kamusta na ang opisina. Hindi rin kasi sila tumatawag para sa mga deal natin noong nakaraang buwan, nagtataka lang ako at nangangamba na baka may nangyari nang hindi maganda," mahaba kong sagot sa kaniya.
"Naku! Wala naman siguro. Huwag mo na masyado isipin ang bagay na 'yan at sigurado naman akong maayos ang lahat. Tayo pa ba, lalo ka na," tiwalang sabi sa akin ni Celine.
Ang hindi niya alam ay nagsisinungaling lang ako sa kaniya.
Hindi ko naman kasi pweding sabihin na ang tatlong babae lalo na 'yong nasa gitna kanina ang iniisip ko ngayon. Malilintikan lang ako sa asawa ko kapag nagkataon.
"Don't mind me na, Mahal. Babalik na rin naman tayo ng Manila e. Pupuntahan ko na lang agad ang firm pagdating natin, para masigurado na rin na nasa maayos ang lahat," alibi ko kay Celine.
Pero ang totoo alam ko sa sarili ko ang magiging sadya ko at walang iba kundi si Megan.
Nangako ako rito na magkikita kaming dalawa oras na makabalik na kami ng Manila ni Celine.
Pumayag naman ito sa set-up namin na dadalaw-dalawin ko lang siya kung may pagkakataon, pero hindi na iyong madalas tulad noong hindi pa kami kasal ni Celine.
Ang sabi pa ni Megan—challenge daw para sa kaniya ang ganoong sitwasyon at gusto niya maranasan na hindi ko naman ipagkakait sa kaniya ang bagay na 'yon.
Bahala na! Hindi naman siguro malalaman ni Celine ang lahat ng 'yon kung mag-iingat lang ako.
Hindi ko naman hahayaang makita ako nito o may malaman ito tungkol sa aming dalawa ni Megan, kung noong magkasintahan pa lang kami wala na itong alam.
I'll make sure na mas wala itong malalaman sa lahat ng pweding mangyari ngayong kasal na kaming dalawa.
Iingatan ko ang reputasyon ko sa abot ng aking makakaya lalo na sa kapakanan ni Celine.
"Ang mabuti pa ipaghahanda na kita ng makakain natin. Gusto mo ba ng ginising corned beef na lang? May toast pa naman d'yan sa ref," sabi sa akin ni Celine.
Binitiwan ko ang kamay nito nang kusa itong bumitiw sa akin.
Hindi ko na siya pinigilan pa.
"Okay lang ba? Nagugutom na rin ako, Mahal e."
"Oo naman 'no! Wala naman tayong kinain d'on sa labas kundi cookies lang. Ayaw mo rin kasing kumain nang niyaya kita," sabi nito.
Tumuloy ito sa munting kusina namin at naghanda ng planong iluluto nito.
"Salamat, Mahal. Magpapahinga lang ako sandali at tutulungan kitang maghanda ng makakain natin," sabi ko sa kaniya.
"Okay lang, Mahal. Sa room ka na para makapagpahinga ka ng maayos. Ako na ang bahala dito, kaya ko na 'to," sabi sa akin ni Celine.
Tumayo ako para pumasok sa silid namin nang makapagpahinga na tulad ng paalam ko sa kaniya.
Nilapitan ko muna ito at mabilis na hinalikan sa labi nang sumalubong ito sa akin.
"Sarapan mo, Mahal ha," may mapungay na matang sabi ko kay Celine.
Umiling-iling lang ito sa akin, kilala ko si Celine—alam kong iba ang bagay na tumatakbo sa isip nito sa sinabi ko sa kaniya.
Double meaning naman kung tutuusin ang sinabi ko, ayaw ko lang isipin nitong ganoon nga ang gusto kong mangyari.
"Sarapan mo ang ginising corned beef," bawi ko sa kaniya nang kumuwala ako ng yakap dito.
Pinalo nito ng mahina ang braso ko.
"Sira! Sigi na. Take rest, Mahal."
"Iloveyou, Mahal."
"Iloveyoutoo, Wade..."